AWAKEN 13
NANG maka tapos maligo at mag bihis ng dalaga na pina hiram muli sa kanya ay agad siyang lumabas ng silid pero bago pa man siya tuluyang maka labas may nakita siyang papel sa lapag, kinuha niya ito at binasa sa kanyang isipan. 'Si Eulexis toh kong sakaling mag aalmusal kana at baba sa kusina. Kumain ka lang, andoon si tito Kenneth. Hindi na kita inistorbo dahil alam kong naliligo ka, nagmamadali kase ako may pupuntahan lang, baka hindi kita mabantayan ngayun at alam na yun nila mama.' Huminga ng malalim ang dalaga saka tinago ang papel aa kanyang bulsa nang maitupi niya ito.
Sinundan lang niya ang direksyun katulad ng dinaanan nila dati, bumaba sa hagdan at tumungo sa kanang bahagi ng mansyon. Pumasok sa dining area ngunit malinis na doon at walang ka tao-tao, malamang dahil tapos ng mag almusal ang pamilya. "Oh andyan kana pal?" Napa sulyap siya kong saan nang galing ang boses na yun at nakita niyang naka tayu ang matandang lalaki sa pintuan ng kusina sa loob din mismo ng dining area. "Alam ko na gugutom kana, halika mag almusal kana dito."
Saka nawala ang matandang lalaki, "halata ba sa mukha ko ang nagugutom palagi?" Pagtataka ng dalaga habang nag lalakad pa tungo sa kusina. Malawak at napaka linis din ng kusinang pinasukan niya. May luma at european style ang bahay ngunit may modernong kusina. Kompleto ang gamit sa pagluluto, dalawang malaking ref at mesang sa gitna ng kusina.
"Upo ka," sabe ng matandang lalaki habang kumukuha ng mga pagkain para sa kanya. Na pansin niyang hindi maputla ang lalaking ka harap niya, ang mga mata nitong normal na kulay at iisa, hindi nag babago sa tatlong kulay katulad ng madalas niyang makita kila Eulexis. Umupo ang dalaga sa isang stall sa harap ng lamesa na animoy mini bar. Napansin niyang hindi gulay o matatamis na pagkain ang hinanda sa kanya. Kong di fried rice, fresh orange juice, mga iba't ibang prutas katulad ng ubas na kulay asul, tinapay, strawberry jam, tapa at fried soimai.
"Wow," pagkamangha ng dalaga dahil sa dami nun.
"Alam ko sikreto mo," dahang-dahang bulong nito sa dalaga at bahagya itong kinabahan.
"Po?" Hindi makapag salita ang dalaga at biglang nag taka nang tumawa ang lakaki.
"Wag kang mag alala, hindi naman nila ako katulad at magkatulad tayu."
"Talaga ho, pero paanu nangyare yun?"
"Alam mo wag kang mag alala sa akin, ang hindi lang naman nakaka alam na mortal ka eh sila Lexi, Tina at buong Otis na naka paligid sa mansyon na ito. Matagal na akong nakatira dito, siguro magtataka ka kase bakit ako pwede. Naging asawa ko ay katulad nila, kilala ko na si Eunice at Dylan noon pa yung mga magulang nila Eulexis. Ako naman ang tatay ni Tina, namatay na yung mama niya kaya wag muna itanung kong bakit hindi mo siya makikita o kong bakit wala siya dito. Namatay siya sa panganganak kay Tina, mahirap dati na tanggapin pero naging matatag ako para sa anak ko."
"He-he-he," pilit na tawa ni Camille habang naka ngiwi. Isa lang ang itinanung niya sa lalaki ngunit marami na itong sinabe. Nagkwento ang lalaking yun habang kumakain siya kong paanu siya napa sali sa Otis clan, hanggang sa maintindihan lahat ni Camille kong bakit.
"Ako pala si Kenneth, pwede mo akong tito Kenneth para maganda, kumain ka lang ng kumain at kong tapos kana pwede ka naman lumabas ng mansyon pero hindi ka pwedeng lalabas ng gate. Maiwan na kita at lilinisin ko pa yung taniman ng gulay sa likod." Saka naman siya iniwan doon mag isa habang kumakain. Lumipas ang limang minuto nang hugasan niya ang pinag kainan at takpan ang mga natira dahil hindi naman niya alam kong saan ibabalik ang mga yun. Ngayun lang niya nalaman na may katulad din siya sa lugar na yun, yun nga lang kilalang kilala na ito ng lahat kaya hindi bilang ang lalaking na kilala niya sa batas na meron ang Illustra lalo na't may anak itong kalahating aswang at tao.
Tahimik ang buong kabahayan at wala kang makikitang nag lalakad kong saan-saan. Hanggang sa lumabas si Camille sa mansyon naalala niyang ayus lang na lumabas sabe ni Eunice sa kanya. Doon niya nalaman na napaka lamig sa lugar na yun, may lumalabas na usok dahil sa lamig pag ibubuka ang bibig at pati din aa ilong niya pag hihinga siya. Sumalubong sa kanya ang nagtataasang puno nang maglakad siya sa kanang bahagi sa labas ng mansyon. Maaraw ngunit hindi mainit, hindi niya alam kong saan nang gagaling ang lamig na yun. Pumasok siya sa masukal na gubat sa labas ng mansyon na may bahagyang liwanag na pumapasok doon dahil sa makakapal na dahon sa matataas na puno na nagiging harang para hindi tuluyang pumasok ang sinag ng araw.
Natigilan siya nang maaninag ang binatang si Eulexis sa di kalayuan na may ibang kausap. Naningkit ang mata niya para malaman kong sinu ang kausap nito ngunit isa palang babae. Hindi siya na pansin ng mga ito kaya sumunod siya ngunit isang patipong ang gumulat sa kanya. Biglang bumagsak ang katawan niya sa isang butas sa lupa na may taas na limang metro, unang tumama ang dibdib niya sa lupa kaya bahagya siyang napa singhal at naka dapa sa lupa. Hindi niya na pansin ang nilalakaran dahil sa mga tuyong dahon sa paligid.
Nang tatayu na sana siya ay naramdaman niya ang sakit at kirot sa kanan niyang legs. Sakit na ngayun lamang niya naramdaman sa buong buhay niya, kinapa kapa niya ang legs na nanakit, naramdaman niya ang basa nito at ang naka tusok na matulis na bagay na gawa sa bakal. Kinapa niya ang legs kong saan naka tusok ang bakal, "ahhh!" Napa sigaw siya sa sakit at hindi kinaya ang kirot nito. Mabilis siyang umupo pero lalo itong sumakit, sa tuwing kikilos siya ay lalo itong sumasakit. Ang bigat at mabilis ang pag hinga ng dalaga. Taas baba ang dibdib niya at mabilis na pinag pawisan ng malamig. Dahan-dahan ding lumalabas ang dugo sa legs na napuruhan ng bakal na yun.
Gusto niyang tumayo para maka abot sa tuktok ngunit hindi niya magawa at lalong hindi niya kakayanin lalo na sa taas ng butas. "Tulong!" Habang naka tingala sa itaas ng butas. "Tulong! Tulungan ninyu ako dito!" Hindi niya alam kong may makaka rinig pa sa kanya o ni Eulexis. Nag sisi pa siyang lumayo siya mansyon at ngayun nasa isang butas siya. Kinabahan din siya sa mga oras na yun, na baka may bangis na hayop o higit pa doon ang makita niya. Lumunok siya at muling nag sisigaw, "tulungan ninyu ako dito! Tulong! Tulong!"
Sumulyap siya sa legs na nag durugo habang may naka tusok na bakal. Hinawakan niya ang dulo, tagusan ang bakal na yun sa legs niya, sinubukan niyang hilahin ngunit hindi niya magawa. "Ahhhh!" Nang hihina na siya, gusto na niyang matanggal ang bakal na naka baon sa balat niya, na mumutla ang mga labi at pinag papawisan na siya ng matindi. "Tulong!" Sa pagkakataon na yun lalo na niyang nilakasan ang boses sa pag sigaw para siya'y marinig nang kong sinu mang mapadaan doon.
PINA uwi na ni Eulexis si Madison ang dalagang anak ng lider nang nag asawang Prix. Ito na ang apat nilang pagkikita, gusto niyang mapa dali ang lahat at para na rin mapag usapan ang pagbabago ng batas na meron sila, sa pagkakataon na yun matutulungan niya ang dalaga na maka labas kahit imposible ang bagay na yun, ay siya namang ipaglalaban niya. Sa gubat na malapit sa mansyon ang na isipan niyang mag usap ang dalaga kahit na wala silang gaanung pinag usapan. Pabalik na siya sa mansyon nang may maamoy siyang kakaiba. Isang amoy na para sa katulad niya ay mabango at animoy niyaya siya ng amoy na yun na puntahan siya.
Isang amoy ng mortal at nagulantang siya dahil si Camille lang ang may ganung dugo. Bahagya siyang kinabahan kong bakit naamoy niya ang dugo nito, agad siyang nagtatakbo, ang bilis, sobrang bilis na animoy hangin lang siya na dumaan sa lugar na yun at wala lang sa kanya ang mga nag haharangan na puno dahil mabilis niyang pag kilos. Napa hinto siya ng may marinig siyang sigaw, "tulong!"
"Camille?" Lalo siyang nagmadali at lalong papalapit ng papalapit sa kanya ang amoy na yun hanggang sa huminto siya sa isang butas kong saan nang gagaling ang amoy na yun. Nang masilayan niya ang dalagang nag hihirap doon ay agad siyang lumundag at gulat na gulat ang makikita naman sa mukha ng dalaga nung makita siya.
Hindi na nag salita si Eulexis, agad na hinugot ang bakal na naka baon sa dalaga nang siya'y maka lapit at binason sa lupa. "Ahhhhhhh!" Singhal ng dalaga, malakas ang binata ngunit nang hihina siya sa dugo na lumalabas lalo sa dalaga. Kinuha niya ang dalaga, kinarga na animoy bagong kasal at saka lumundag sa itaaa ng butas.
"Anu bang ginagawa mo dito?"
"Sa---be nila pwede akong lumabas." Lumunok ang dalaga bago muli nag salita, "lumabas ako para---para makita ang buong lugar ninyu hindi naman talaga ako lalayu pero nakita kita at sinundan tapos na andito na ako nalaglag."
Napa kagat sa ibabang labi si Eulexis, dahil iniisip niyang napa hamak na naman ang dalaga dahil sa kanya. "Pero hindi kana lang sana sumunod, diba sinabe ko may pupuntahan ako."
"Oo--" hindi na kaya pang mag salita ni Camille at napapa pikit na rin siya. Humigpit namab bigla ang kapit ni Eulexis sa braso ng dalaga dahil naamoy niya ang dugo ng dalaga. Nararamdaman niya ang pagka gutom sa buo niyang pagkatao pero hindi siya katulad ng kwento sa kanya ng mama niya na Grace lang ang nagugutom sa dugo at laman ng tao. Kahit na ilang beses na lumabas ang pagiging tunay na siya habang karga at naglalakad sa gubat ay kailangan paren niya itong pigilan dahil hindi siya halimaw katulad ng pagkaka alam ng mga mortal na katulad ni Camille sa kanila.
"Camille," tawag ng binata sa dalaga nang makitang naka pikit na ito at napa sulyap sa maputlang labi ng dalaga. "Camille," ulit niya uli at pinag darasal na walang mangyareng masama sa dalaga. Lalo na siyang nagmadali sa lugar kong saan niya dadalhin ang dalaga para magamot.