Blood 43

1416 Words
BLOOD 43 MAKALIPAS ng dalawang araw mula nung maka balik sila Edriana sa mansyon hindi na niya muli pang pagka abalahan pang isipin ang nangyare sa kanya. Ang inaalala na lamang niya ay ang na iwan niyang ibang gadget sa duffle bag at ang inhaler niya na naiwan niya noon sa gubat. Pasalamat na lamang siya ng mga araw na yun na hindi na niya kailangan gamitin ang bagay na yun, dahil may sakit siyang hika. Kailangan na rin bumalik ng ama niya sa trabaho at malayu ito sa mansyon kaya may isa pang tinutuluyan na bahay malapit sa pinag trabahuhan ng ama. Siya naman ay kailangan niyang tumao sa mansyon lalo na't doon malapit ang paaralan niya. Nag aayus siya ng gamit para sa pag pasok niya ng ilagay niya ang bagong phone at inhaler sa pack back niyang may aztec na desinyo. Umalis na siya ng mansyon na hindi man lang nag aalmusal at nagmaneho pa tungo sa paaralan niya gamit ang four by four car ng ama niya. Isang oras ang biyahe at maaga-aga na rin siya sa Senior High na pinapasukan. Marami nang estudyante na tulad niya ay naglalakad sa parking lot kong saan siya huminto. Maraming nakaka pansin sa kanya o kaya nag 'hi' dahil sa pagiging friendly niya sa buong campus maraming nakak kilala sa kanya. Nginingitian niya isa-isa ang mga naka salubong at pa minsan-minsan ay bumabati rin sa mga ito. May naramdaman siyang kakaib sa paligid niya, na animoy may kakaiba. Napa kunot noo siya, alam niyang maraming matang naka tingin sa kanya pero iba ang tingin ang nararamdaman niya. Palinga linga siya sa paligid at hanggang sa mapa sulyap siya sa binatang naka tayu sa di kalayuan. Nang laki ang mga mata niya, hindi niya inaasahan na makikita ang binatang nakita din niya sa gubat. Nakalimutan na niya ang buong pangyayare ngunit bumalik ito na animoy sariwa pa ang alala. Bahagyang napa awang ang labi ng dalaga, pinag mamasdan ang binatang naka tayu at naka tingin sa kanya ng masama. 'What he's doing here? Is he freaking stalker, isn't he? No way,' pagtatalo na naman ng kanyang isipan sa mga oras na yun. Pamilyar ang duffle bag na hawak nito, naka sukbit din ang pana at palaso sa likod nito. Takang taka ang dalaga dahil parang wala lang sa ibang estudyante ang weird na binata. Naglakad ito para lumapit sa kanya nang kumilos ang mga paa ni Edriana. Pero bumunggo siya sa isang estudyante at naramdaman niya ang pag hawak nito sa magkabilang balikat niya. "Hoy, anung nangyare sayu? Bakit na mumutla ka?" Sinulyapan ng dalaga ang binatang nasa harapan niya at binitawan ang pagkakahawak sa kanya. "Ayus ka lang ba, Ed?" Tanung muli nito ngunit hindi pinansin ang tanung na yun bagkus lumingon muli sa likuran ngunit wala na ang weirdong binata. Naka hinga siya ng maluwag, "thank God." Saka muling humarap sa binata na bunggo niya, "ayus lang ako Paolo," wika niya at nakita naman niya ang pag silay ng ngiti nito. Isa sa mga kaibigan niya si Paolo, isang captain sa american football sa campus nila. Naging mag kaibigan sila ni Paolo nang unang pasukan pa lang sa Senior High, maraming nag sasabe na magkasintahan sila sa sobrang close pero walang namamagitan sa kanila. "Para kang naka kita ng multo kanina," aniya ni Paolo nang mag umpisa itong maglakad at sumabay naman ang dalaga sa kanya. "Really?" Nagkukunwaring wala siyang alam, ayaw niyang sabihin ang nangyare at baka sabihan pa siyang baliw. "Hindi ka naka punta sa party ng crush mong si Ian, sayang ang saya pa naman." Napa taas ang isang kilay ni Edriana, at huminto sa harap ng binata. "Even you? Sumama ka kila Cyrel, akala ko ba? Ayaw mo ng party thing?" "Hindi ko naman sila mahindian, sorry naman." Nag umpisa muli silang mag lakad at ngayun nasa loob na sila ng campus. Sa isang hallway kong saan may hilera ng nga locker sa tig kabilang gilid, puno ng estudyante sa pasilyong yun at kong anu-anung ginagawa na hindi na pinansin pa ng dalawa habang nag uusap. "Hindi ka daw naka sama kase nangaso daw kayu ng dad mo sabe ni Cyrel." "Yeah, she's right." Gusto niyang may mapag kwentuhan sa nangyare sa gubat at kanina pero tinikom na lamang ang bibig. "So alam mo rin yung pag flirt ni Ladylee kay Ian?" "Yup." "That bitch." "A cold body bitch." Iba ang tono ng pananalita ni Paolo at napa hinto muli ang dalawa. "Guess what or hindi pa sinabe sayu nila Cyrel na patay na si Ladylee?" Nang laki ang mga mata ni Edriana at hindi makapaniwala sa narinig. Alam niya sa sarili niyang na iinis siya sa babaeng yun pero hindi niya kayang mag isip ng masama kay Ladylee lalo na sa ibang taong naka paligid sa kanya. "Are you serious? Are you f*****g serious, huh?" "Woah, chill lang Ed." Napa sulyap ang mga ibang estudyanteng malapit sa kanya dahil sa bahagyang pag taas ng boses ng dalaga na hindi man lang niya na pansin. Iisipin ng mga tao sa paligid nila na may LQ lang ang dalawa sa gitna ng pasilyo kaya hindi na nila pinansin pa. "What---? Why---?" "Wala ka kase dito nung weekend kaya hindi mo alam ang buong nangyare, hindi lang din siya ang namatay, buong barkada niya mismo. Parang pinag laruan muna sila bago p*****n, nakita yung bangkay nila sa masukal na gubat dyan sa likod ng school na wakwak ang mga tyan at labas na ang mga bituka." Napa ngiwi ang dalaga at halos umiikot na ang sikmura sa kwento ng kaibigan. "Nangyare yun nung gabe mismo nung araw sa party nila Ian, yun lang at sabe ng mga pulis na may hayop lang na lumapa sa grupo ni Ladylee. Pero kalat sa school na pinag laruan sila ng cult, alam muna na kailangan nilang ialay sa diyos diyusan nila." "Hindi na sila virgin, kaya paanu naman sila iaalalay sa mga yun?" Inis na tanung ng dalaga saka muling naglakad. "Ewan ko, yun lang ang alam namin. Kahit kami gulat na gulat," paliwanag ng binata habang naka pamulsa. "Wag na nga natin yan pag usapan," pero takang taka si Edriana na parang wala lang ang balita na yun sa buong campus na pansin niya na para bang may mali sa lahat ng nangyayare simula pa nung maka balik sila galing gubat, hindi lang niya maipaliwanag kong anu. Huminto siya sa locker na siya mismo ang nag pintura ng kulay asul. Huminto din ang binatang si Paolo para hintayin siya, "by the way. Na saan na pala sila Cyrel?" Tanung ng dalaga habang kinukuha ang id card para mabuksan ang locker na may automatic technology na magbubukas ito pag tinapat ang bar code sa ilaw sa tapat ng pinto nung locker. "Nasa---" hindi tuluyan pang nasabe ni Paolo ang kanyang sasabihin nang mabuksan ang pinto ng locker at biglang pagkalat ng mga iba't ibang sticky note. Pareho silang na gulat at mas gulat na gulat ang dalaga. Nagtataka kong saan nang galing ang mga yun, kumuha ang binata ng ilang piraso nito at isa-isa binasa para marinig ng dalaga. "Ibalik mo sa akin ang arrow?" Takang takang binabasa ito isa-isa, "na saan na ang arrow ko? Importante sa akin ang arrow na nakuha mo. Ibalik muna. Ang arrow ko." Napa kunot noo ang binata at gulat na gulat naman ang dalaga. Biglang bumalik ang isang alala na naka pulot siya ng arrow sa gubat bago tuluyang maka alis. "No way," bulalas ng dalaga sa kanyang sarili. 'Kaya siya na andito dahil sa arrow na yun?' May mga ilang nagtataka sa nagkalat ng sticky note sa mismong harap ni Edriana at Paolo. Ang ilan pa ay lumipad sa iba kaya binasa nila ang naka sulat sa mga papel. "Anu toh si Cupid na hinahanap ang arrow? Funny o baka isa lang sa admirer mo na babaliw na sayu kaya dinaan ka sa ganito para mapansin ka." Marami ding nagkakagusto sa dalaga ngunit hindi yun ang nasa isip niya dahil alam niya ang dahilan. May na pansin pa ang binata na initial sa baba ng nag sulat nito, "kay KO ata galing. Sinu si KO?" Hinatak ni Edriana ang papel na kulay asul na hawak ni Paolo para makita ang sinabe nito. 'KO?' Kapareho ng naka ukit sa arrow na nakita niya. Ngayun lang niya na isip na maaring pangalan ito at apelyido ng isang tao. Maaring pangalan ng binatang nakita niya kanina, 'who are you KO?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD