Blood 57

1137 Words
BLOOD 57 HINDI maintindihan ni Edriana sa Kaden ng mga oras na yun ngunit may nagtutulak sa kanya na kailangan niyang sagutin ang tanung ng binata, sa pagkakataon na yun nagtataka din siya sa pakiramdam at mabilis na t***k ng puso. Kahit na malayu ang distansya nila, halata sa mga mata nila ang nagsasabe ng nararamdaman kahit na hindi sila magsalita. Kusang bumuka at lumabas ang mga salita sa bibig ng dalaga. "Oo," ngumiti ang binata kay Edriana na lalong nagpakabog ng dibdib nito at kasabay ng pag iinit ng pisngi nito. "Hindi ka mamamatay sa gabeng toh, makaka sama pa kita sa huling araw ko dito sa mundo ninyu." "Anu?" Nagulat naman ang dalaga sa sinabe ng binata. "Akala ko babantayan mo ako?" "Sa ngayun, pero may pamilya akong naghihintay sa akin, pagkatapos nito babalik na ako sa mundo ko at salamat sa pagtulong sa akin." Magsasalita pa sana si Edriana ng mapa sulyap siya sa kanang bahagi ng gubat, ganun din si Kaden. Katulad ng humabol sa kanya kahapon ganun din ang mga suot, naka maroon na jacket at naka hood na naka patong sa mga ulo nito. Mas lalo itong dumami, tahimik lang ang dalawa hanggang sa lumagpas ang mga ito puno kong na saan sila Kaden at Edriana. Ngunit may isang huminto sa paglalakad na lalong nagpakaba sa dalaga. Dahan-dahan bumaling ang ulo ng huminto na yun sa likuran hanggang sa tumingala sa puwesto ni Edriana, naka ngisi ito at nakilala ng dalaga na isa ito sa mga kasama ng binatang si Ian sa grupo. Tumalon ang binata at nag anyong halimaw na may pakpak, ganun din ang ginawa ng lahat nitong kasama. "AHHHHH!" Tili ng dalaga ng dumapo ito sa sangga kong na saan siya. Tumayo siya ngunit sa pagkakatao niya, saka naman siya nawalan ng balanse at nadulas sa sangga. Malalaglag na ang dalaga ng dambahin siya sa paa ng isa pang halimaw at lumipad sa eri na naka tiwarik ang dalaga habang tili ng tili. Agad na pina ulanan ni Kaden ang mga pana ang mga halimaw, may ilang naka ilag at may ilan ding na tamaan kasabay doon ang may hawak kay Edriana. "Ahhhhh!" "Edriana!" Nang kamuntik naman itong malaglag sa lupa, malapit na ang mukha nito ng masalo pa ng isang halimaw at hawakan siya sa damit. Nagpupumiglas si Edriana habang nasa eri na hawak ng aswang, agad na bumaba si Kaden,  nakipag laban sa ibang nasa ibaba ng luma at hindi nag anyong aswang. Naka layu ang mga ilang kalaban ni Kaden sa kanya at agad na pinatamaan ang may hawak sa dalaga. Naging abo ito at pumesto si Kaden para masalo ang dalaga. Hanggang sa hawak na niya ito, gulat na gulat naman si Edriana, "ang galing mong sumalo." "Alam ko," sabay bagsak ni Kaden kay Edriana. "Aray," singhal ng dalaga na unang bumagsak sa kanya ay puwet. Lumalapit ang mga iilang aswang at kinuha ni Edriana ang baril. Pinag babaril ang iba habang naka upo sa lupa, may ilan siyang natamaan at may ilan ding aswang na naka ilag sa paparating na bala. Hinatak naman ni Kaden si Edriana patayu at tinulak sa kanyang likuran. "Umalis kana dito," aniya ng binata habang pina pana ang iba pang papalapit sa kanya. "Huh?" Sabay baril ni Edriana sa kanan niya. "Akala ko ba tutulungan kita?" Sabay baril uli ng dalawang beses sa kaliwa at dalawa pa sa kanan. "Umalis kana, magtago ka. DALI!" Katulad ng dati parang si Kaden ang nagmamay-ari ng katawan niya, walang ano'y tumakbo siya sa isang direksyon, diretso lang, walang hinto at hindi tumitingin sa likod. Habang patagal ng patagal lumalakas naman ang hangin sa paligid niya, pagaspas ng mga dahon dahil sa isang aswang na humahabol sa kanya. Napa ngiti siya nang matanaw na malapit na siya sa isang maliwag, napa isip siya na malapit na siya sa laguan at makaka labas na siya sa gubat. Makaka tapak na siya doon ng itulak ng pakpak ng aswang ang likod niya, hindi niya alam na may mababang bangin ang babagsakan niya. Nang maitulak siya ay agad na nagpagulong gulong ang katawan ng dalaga, pinag masdan lang siya ng aswan na dumapo sa puno at naging normal na nilalang muli. Hilong hilo ang dalaga hanggang sa huminto siya sa isang pares ng sapatos na naka tayu sa harap niya, yun din ang naging dahilan para mapa hinto siya sa pag gulong. Ang dumi na ng damit, mukha, sira-sira din ang ilang parte niya ng damit para magkaroon ng kakaunting galos sa katawan, mas lalong lumala ang pilay niya. Hingal na hingal si Edriana, ligtas na siya. "Tignan ninyu kong sinu ang bisita natin," pamilyar sa kanya ang boses na yun kaya agad na umupo si Edriana sa lupa. Doon niya namalan na hindi pala siya ligtas, nasa harapan niya si Ian, may nga ilan pang kaseng edad niya, may iilang namumukhaan niya, may ilan ding ngayun lang niya nakita, sa likod ng mga ito ang dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy, sa nakikita niya ngayun animoy may maliit na kasiyahan. Naglaho lahat ng kampyansa ni Edriana, namuo na naman ang takot sa kanyang sarili, ni wala sa kanyang tabi si Kaden para iligtas siya. Tawanan lang ang naririnig niya, tawanan ng pang aasar sa kanya. "Anu nang gagawin mo? May hinahanap ka ba?" Kunwari'y nag iisip si Ian, "ay naalala ko pala, sabe ng mga pina dala ko, nakaka ligtas ka kase may katulad kami na tumutulong sayu. Siya siguro hinahanap mo." Hindi makapagsalita si Edriana, "na saan na kaya siya, hindi kaya napatay na?" Animoy nabuhusan ng malamig na tubig si Edriana ng marinig yun galing kay Ian. "Hindi yan totoo." Sabay tingala kay Ian ngunit makikita sa kanyang mukha na totoong mangyareng mapatay si Kaden. "Talaga? Pero na saan siya ngayun? Wala diba," isang tawa ang maririnig sa binata at sinabayan pa ng iba. "Hayop ka talaga!" "Correction, aswang ako. Jill, kunin ang babaeng ito!" Lalapit na sana kay Edriana ang dalawang babae ng mapa hinto ito sa nagsalita. "Kong sinu man ang humawak sa babaeng yan! Makaka tikim sa akin!" Lahat ay napa sulyap sa lalaking nagsalita sa di kalayuan na naka tayu sa itaas ng mababang bahangin. Kahit papaanu naka hinga ng maluwag si Edriana sa boses na nagsalita. "Ang utos ko!" Singhal ni Ian sa inis at agad na hinatak si Edriana palayu sa bangin na yun kaya bahagya pa siyang nasaktan sa pagkakahila sa kanya patayu. Ang tindi ng pagkaka hawak ng dalawang babaeng aswang kay Edriana sa magkabilang braso nito. Nakikita ni Edriana si Kaden na naka tayu, wala na itong suot na damit na pang itaas kaya kita ang kakisigan ng katawan nito, naka direktang naka turo kay Ian ang palaso at pana ni Kaden. "Sabe ko na nga ba," ngising saad ni Ian. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD