AWAKEN 39
WALA nang pinalampas na oras si Sid, siya na mismo ang nagpaliwanag kong anung mangyayare sa gabeng yun at sa pagkakaroon ng bagong buwan. Paminsan minsan ay si Victoria ang nagpapaliwanag kahit na hindi paren ito ayus dahil sa pagkamatay ng ina. Agad na kumalat ang balita na yun na parang sakit, agad na naghanda ang bawat bayan at mga angkan. Akala nila wala nang paglusob ang mangyayare pero pakiramdam ng lahat lalo na ang nakaka alam na mas matindi pa ang nangyayare sa kanila ngayun kesa noon nang mang gulo ang Grace.
Lahat ay mag sariling sandata at tinago naman ang mga bata sa ligtas na lugar. Nangunguna ang bawat lider ng angkan, hindi nila gustong kalabanin ang mga kabataan na alam nilang sa kanila ngunit kailangan mangyare ang mangyayare. Huli na ang lahat para malaman nila kong sinu ang may pakana. Si Victoria ay nagpaiwan na Swiss, gusto din niyang makipag laban para sa ginawa sa kanyang ina. Sila Kaden, Sid at Camille ay nasa grupo na ng mga Otis. Sandaling tahimik ang buong bayan, ramdam ang tensyon sa bawat isa hanggang sa sabay-sabay na nilusob ng mga nasabeng propaganda ang bawat bayan.
Nagpaulan ang mga lumusob ng palaso at agad na hinarangan ng mga sarili ang kanilang katawan gamit ang mga bakal na pangtakip. Sumugod ang mga kabataan na blangko ang mga mata, sa unahan nila sila Eulexis, si Madison na ngiting panalo, si Tina at Lexi. Agad na sinugod si Tina kong sinu ang makita niya gamit ang palakol, si Lexi naman ay agad na pinuntirya si Sid. "Lex, gumising ka!" Puro ilag lang ang ginagawa ni Sid sa mga ginagawa ni Lexi hanggang sa mawalan ng malay ang dalaga at nasalo ng binata. Laking gulat naman ni Sid dahil nasa likod ng kapatid niya ang kakambal. "Anung ginawa mo sa kanya?" Tanung ni Sid kay Kaden.
"Ayoko silang masaktan o patayin kaya mas magandang patulugin sila. Dalhin mo si Lexi sa loob." Agad na sinunod ni Sid ang kakambal at dinala sa loob ng mansyon. Pagkatapos nun ay nakita niyang walang patawad sa pagpatay si Tina na agad niyang nilapitan. Pikit mata siyang hinampas sa ulo ang dalaga at agad din itong nawalan ng malay. Hinila niya ito papasok sa mansyon at ganun din ang ginawa niya sa kong sinung makita niya. Ngunit may malalakas na kabataan na napa sama sa paglusob lalo na si Eulexis. Ginagawa ni Sid ang lahat ng maramdaman niya ang matigas na bagay sa kanyang likod na humampas sa kanya.
Napa singhal ang binata sa sakit at natumba sa lupa kasabay ng pagbitaw sa hawak niyang sandata. Nakita niya si Eulexis na handa na siyang patayin gamit ang espada nito, napa ngiti na lamang si Sid at napa pikit ngunit dumaan ang sigundo ng wala paren siyang maramdaman. Wala na niya sa harapan si Eulexis dahil naka tumba ito kasama ni Camille dahil tinulak ito ng dalaga para mailigtas siya. Ang gulo na sa buong paligid, nagkalat ang bangkay, walang malay na napa sali sa gulo at mga dugo na umuulan sa gabeng yun. Kahit na saan na bayan ng mga angkan ganun ang makikita.
AGAD na tumayo si Camille ngunit naramdaman niya ang pang hihina at pangangatog ng tuhod dahil sa ginawa niya. Pinilit niyang tumayo ka sabay ng pagtayu ni Eulexis at kinuha ng binata ang espada na dala-dala niya. Blangko ang mga mata ng binata, lalapit na sana si Camille para pigilan muli si Eulexis ng maramdaman niyang gumaan ang katawan niya at lumipad sa mga puno malapit doon. Lalo siyang nang hina dahil gawa yun ni Madison nanonood lang sa nangyayare, simpleng kumpas lang sa kamay ng lumipad si Camille. Lumapit si Madison kay Eulexis at hinampas ng mahina sa balikat.
Nakikita lamang ni Camille habang naka dapa ang naka ngising mukha ni Madison. "Patayin muna ang babaeng mahal mo."
Dahan-dahan na naglakad si Eulexis papalapit kay Camille, marahas na tinayo at biglang sinandal sa katawan ng puno. Walang magawa si Camille, hinang hina, may mga dugo na sa gilid ng labi at marumi ang mukha. "Eulexis," dahil sa pagtawag na yun sa binata animoy dahan-dahan nagkakaroon ng emosyun ang mata nito. Sumakit ang ulo ni Eulexis dahil may dalawang boses na nagtatalo sa ulo niya, ang boses ni Camille at ang mga utos ni Madison. "Eulexis, wag mong gawin toh nagmamaka awa ako wag mong gagawin toh."
"Camille," dahan-dahan gumaan ang pagkakahawak ng binata sa damit ni Camille.
Hindi makapaniwala si Madison na pwede pang mawala ang mahika ngunit gumawa agad siya ng paraan. "Eulexis ako lang ang mahal mo! Tandaan mo yan, lahat ng sagabal sa atin papatayin mo, pamilya mo at ang babaeng mahal mo!"
"Eulexis," paos na boses ni Camille nang makitang blangko muli ang mata ng binata. "Nagmamakaawa ako, diba mahal mo ako." Animoy nag paulit ulit ang salitang yun sa isipan ni Eulexis ngunit naka handa paren ang espada niya para kay Camille. "Pilitin mong maka balik, mahal na mahal kita, bumalik ka sa akin katulad ng pagbalik ko sayu dito."
"Sa akin ka makinig Eulexis, patayin mo ang babaeng mahal mo." Nagkaka gulo sa paligid nila ngunit may sariling laban ang tatlo sa mga oras na yun. Hanggang sa tuluyan pumasok sa alaala ni Eulexis ang mga magagandang bagay kasama ang dalagang si Camille at ang pamilya niya. Masakit paren ang ulo ng binata ngunit pinilit niyang maging malakas. "Patayin muna ang babaeng mahal mo!"
Ngumiti si Eulexis kay Camille na siya namang kina gulat ng dalaga. Gusto man niyang halikan sa oras na yun ang dalaga ngunit pinilit niyang wag na muna dahil kailangan niyang magpanggap. Unti-unti siyang umalis sa harapan ni Camille at dumiretso kay Madison. Takang taka naman si Madison sa mga oras na yun, hanggang sa maka lapit na mismo ang binata at agad na tinarak ang espadang hawak nito sa sikmura ni Madison na tagusan hanggang likod.
"Ba---ba---kit?" Kasabay ng pagtulo ng dugo galing sa bibig ni Madison.
"May hindi ka naalala sa mga utos mo, sabe mo patayin ko ang babaeng mahal ko. Sa mahikang ginawa mo, ikaw ang mahal ko kaya ikaw ang papatayin ko." Paliwanag ni Eulexis at hindi makapaniwala si Madison sa nangyare. Ang alam lang niya mahal niya ang binata kaya nagawa niya ang bagay na yun. Unti-unti natumba ang katawan niya sa lupa kasabay ng espadang naka tarak sa kanyang sikmura.