Awaken 35

1135 Words
AWAKEN 35 ANG saya ng dalaga nang gabeng yun kahit na sandali lang at masaya siyang naka tulog. Na alimpungatan ang dalaga at tuluyang nagising si Camille dahil sa dalawang boses na nag uusap sa labas ng silid. "Tulog pa ba si Camille?" "Andoon nakita ko sa loob tulog," kinabahan si Camille at inalam kong sinu ang mga yun. Bahagyang naka awang ang pinto kaya natanaw niya si Kaden at ang kakambal nitong si Sidney. Naka hinga ng maluwag si Camille at pabalik na sana ito sa kama para matulog muli nang marinig niya ang isang tanung. "Kumusta na ang paghahanap ninyu kay Eulexis? May sinabe ka sa akin na delikado habang naglalakad tayu kanina." "Bakit naman nila hahanapin si Eulexis? Magkakasama naman sila?" Tanung ni Camille sa kanyang sarili ngunit yun ang inaakala niya. Dahan-dahan siyang bumalik sa pinto para makinig ng usapan ng magkakambal. "Sabe ni Victoria doon sa bisyon niyang nakita, delikado daw si Eulexis at may kasama itong napaka raming sundalo na tatapos sa Illustra. Tapos sabe pa ni Victoria na yun ang isa pang naka takda kay Eulexis na pwede niyang pagpilian. Ang maging masama at mabuti ay naka tali sa buhay ng kapatid natin. May isang tao daw ang pwedeng magtulad kay Eulexis para gawin ang kasamaan ngunit hindi makita ni Victoria kong sinu." Sandali silang natahimik at nag tanung naman si Sid, "alam na ba ni Camille na wawala si Eulexis?" "Hindi pa," nayanig ang buong pagkatao ni Camille nang marinig na nawawala si Eulexis. Nagtaka si Camille kong paanu niya naka sama ng dalawang gabe ang binatang si Eulexis kong nawawala ito at saka lang niya napagtanto na kaya pala nagulat si Kaden ng sabihin niyang nakita niya si Eulexis na animoy ayaw maniwala sa kanyang sinabe. Gulong gulo ang isipan ni Camille, "paanu mo sasabihin sa kanya?" "Hindi ko pa alam. Maiba tayu, ang tungkol naman sa propaganda?" "Hindi pa makita ni Victoria kong sinu nagpa umpisa ng bagay na yun para bang may humaharang sa lahat ng nangyayare." "Dapat matigil na ang paglusob para wala nang madamay pa." "Kong ako sayu ibabalik ko muna si Camille sa mundo niya, siya lang ang walang alam sa nangyayare at kunin na lang siya kong ayus na ang lahat." Bumalik muli si Camille sa kama at pinilit na maka tulog. Hanggang sa mag umaga hindi na niya nagawa pang maka tulog. Narinig pa nito ang muling pag alis ng dalawa at saka siya muling lumabas. May sulat si Kaden na iniwan sa lamesa para kay Camille kong sakaling magising ito na agad ding binasa ng dalaga. 'Napa daan kami ni Sid dyan para tignan kong ayus ka lang, nag iwan kami ng pagkain at mga kailangan mo. Wag kang mag alala makaka bisita ka rin sa mansyon may kailangan lang kami asikasuhin.' Binasa ni Camille sa kanyang isipan at may initial pa sa babang bahagi ng papel na KO. Gusto niyang malaman ang lahat at malinawan sa nangyayare. Dumating na naman ang gabe at na unang dumating sa gubat. Hindi niya namalayan na dumating si Eulexis dahil sa pag iisip. "Camille, kanina ka pa ba dito?" Naalala naman ni Camille ang pag uusap ng magkakambal. Sinugod ni Camille si Eulexis at agad na sinampal. Gulat na gulat si Eulexis sa inasta ng dalaga ngayun. "Sorry kong natagalan ka sa paghihintay, hindi ko naman---" "Tumigil ka!" Taas baba ang dibdib ni Camille dahil sa kaba at takot, "sinu ka?" "Anu?" Hindi maintindihan ni Eulexis ang dalaga. "Ang tanung ko kong sinu ka? Ilusyon lang ba ito, hindi ka totoo, hindi ikaw si Eulexis, na saan na siya?" "Teka, akala mo ba na ibang tao ako? Ako si Eulexis, ako lang may pangalan na ganyan dito sa Illustra." "Saan ka nakatira ngayun? Sinu kasama mo? Na saan na ang kapatid mong si Kaden, si Sidney, si Lexi at saka yung mga magulang mo. Na saan sila lahat? Sabihin mo kase nagugulahan ako!" Hindi kilala ni Eulexis ang mga pangalan na pinagtatanung ni Camille sa kanya. Parang may mga alaala na gustong kumawala sa kanyang utak na lalong nagpapasakit ng ulo niya. Napa singhal ito sa sobrang sakit, "ayus ka lang ba?" Napa hawak ang dalawang si Eulexis sa ulo niya at animoy gusto niyang iuntog ang sarili sa matigas na bagay. Paulit ulit sa kanyang isipan ang mga tanung ni Camille. Alalang alala si Camille kaya agad niyang kinuha ang binata at lumuluha ang binata habang naka hawak paren sa ulo. Inaalo alo ni Camille ang binata habang yakap niya ito at naka upo sa lupa. Hindi nila alam kong ilang minuto silang ganun hanggang sa bumibigat ang binata kay Camille, naka tulog na pala ito.   NANAGINIP ang binata tungkol sa kanyang tunay na buhay, ang magulang niya, mga kapatid, mga masasayang alaala habang magkakasama at kong paanu niya nakilala si Camille. Para bang naka tulog siya ng napaka habang panahon at ngayun lang magigising ng hindi niya mawari. Dumilat ang mga mata niya na si Camille ang naka dungaw sa kanya, nang laki ang mga mata niya at agad na hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. Ang naalala niya ay ang huling pagkikita nila ni Camille at pag uusap nila ni Victoria. Para bang may mahiwagang nangyare at parang hindi naman nawala ang alaala niya. "Kailan ka pa naka uwi?" "Anu?" Umupo sa harap ni Camille ang binata at hawak-hawak paren ang mukha ng dalaga. Hindi siya makapaniwalang nahahawakan na niya ang dalaga at nakaka usap ng malapitan. "Sinu ang nagsundo sayu? Ayus ka lang ba? Sabe na nga ba magkikita uli tayu?" Hindi pinansin ni Camille ang tanung ni Eulexis, "naalala muna ako?" "Bakit hindi? Ang alam ko kinuha ni Victoria ang alaala ko pagkatapos kong buhayin ka. Tapos nagising ako na, naaalala paren kita. Ang weird diba?" Takang taka si Camille, "teka, naalala mo sila Kaden, si Sid, at Lexi. Yung mga magulang mo, anung angkan mo? Ako naalala mo ako?" "Oo naman mga kapatid ko sila at saka Otis ako anu. Oo naman hindi ko pwedeng makalimutan ang magulang ko, lalo kana." "Wala ka bang naalala na kahit anu? Yung maliban sa mga naalala mo, kahit anu yung kakaiba." "Hindi kita maintindihan." "Hindi rin kita maintindihan kong bakit mo sa akin tinatanung ang lahat ng yan. Ang weird mo talaga," sabay tawa ni Eulexis ngunit natigilan ito ng magkwento si Camille. Ang lahat ng nangyare na wala pa itong naalala at ang mga narinig niya sa magkakambal. Hindi makapaniwala si Eulexis sa kwento ni Camille ngunit halata sa mukha nito na hindi nagbibiro. "Anu?" Kunot noong tanung ni Eulexis ng matapos ang kwento ni Camille. Natigilan muli sila, "anu ayus kana ba? Naalala mo ba talaga ako?" Napa ngisi na lamang si Eulexis at binigyan ng halik si Camille sa labi na sinagot naman ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD