Awaken 32

1459 Words
AWAKEN 32 NAG-AASIKASO sa pag aayus ang Swiss Clan at lalong lalo na sa mansyon kong saan nakatira sila Victoria. Ngunit habang sila'y nag aayus isang nakaka binging pagsabog ang kanilang narinig na talagang nagpayanig sa lupa nila. Nag silabasan ang mga nasa silid nila para malaman kong anu yun at dahil may layu ng kaunti sa bayan kong saan nagkakagulo. Pangalawang pag lusob ng propaganda sa bayan ng Swiss. Sinunog, sinira ang lahat ng makita nila sa bayan ng Swiss at diretso silang patungo sa mansyon ng lider ng mga Swiss. Mga kabataan ang kasapi sa nasabeng propaganda, pumapatay, nang gugulo at animoy mga robot silang hindi alam ang ginagawa. Iyakan at sigawan ang maririnig sa bayan na yun. Walang magawa ang iba na makitang nasusunog ang kanilang bahay at mamatay ang kanilang kamag anak sa harapan. Lahat ng makikita ng nasabeng propaganda sa daanan ay agad na pinapatay. Hanggang sa makarating sila mismo sa mismong mansyon. Sinira nila ng sapilitan ang malawak at malaking gate. Wala ring panalo ang mga bantay na ang ibang katawan ay nagtalsikan lamang kong saan-saan. Na alerto ang lahat ng nasa loob ng mansyon ngunit hindi na nilang magawa pang maka tago dahil tuluyan na itong naka pasok sa loob.  Lahat din ng makita nila sa loob ng mansyon ay walang sawang pinapatay. Nagtatakbo si Victoria sa pangalawang palapag dahil nabasa niya sa kanyang bisyon na ang lahat ng natitirang mahika na hawak nila ay kukunin ng propaganda. Ngunit huli na ang lahat ng biglang may humarang sa kanyang daraanan at blangko ang mata ng binatang humarang sa kanya. Bago pa man ito umatake sa kanya agad niyang kinumpas ang kamay para ito'y tumilapon sa pader at nawalan ng malay. Maririnig ang pagbabasag ng mga kabataan na sumugod sa kanila. Nasa harapan na si Victoria ng pinto nung silid kong saan naka tago ang mga mahika na meron sila. Hanggang sa may humatak sa kanya papalayu doon. Hindi siya basta maka kilos dahil sa lakas ng humahatak sa kanya. Nakikita na lamang niya ang pagbukas ng pinto at nagmadaling kinuha ang makikitang botelya na may lamang likido sa loob. Tumayo siya para pigilan ngunit may isa na namang pumigil sa kanya at binato sa kong saan. Napa gaan ng katawan niya hanggang sa makita niyang lumagpas ang bato sa kanya sa harang ng palapag. Laking pasalamat na lamang niya dahil napa hawak siya sa mga kahoy na harang para hindi tuluyang malaglag. Inabot niya ang makakaya para lang maka akyat muli ngunit huli na ang lahat at na ubos na ang laman ng silid na yun kong saan naka tago ang mga botelya ng mahika. Natigilan siya ng may isang binatang itutok ang kutsilyo sa kanyang mata ngunit huminto ito. Halos hindi maka hinga si Victoria at ilang distansya na lamang ang layu sa kanya ng patalim. Naka hinga lang ng maluwag ang dalaga ng biglang lumayo ang binata ng animoy walang nangyare. Bumaba ang tingin niya sa unang palapag, nakitang naglalakad palabas ang mga kabataan na galing sa pang gugulo at nag silinya pa. Takang taka ang lahat at nagmadaling bumaba ang dalaga para sundan kong saan uuwi ang mga ito ngunit palabas ng mansyon na biglang maging abo na sumabay sa hangin ang mga katawan. "Isa na namang ilusyon ang lahat ng nangyayare, ngunit napaka galing na ilusyon." Nagpatawag ang lider na lalaki ng Swiss na ayusin ang lahat at palitan ang mga nasirang gamit. Sinugod naman sa mang gagamot ang asawa nito ng masaksak ito ng kabataan na kasapi sa propaganda. Nag iwan ng napaka gulo at nakaka hindik na pangyayare sa kanila. Pangalawang pagsugod sa kanila at ito ang pinaka hindi nila malilimutan. Ang dami ding taga bayan ng Swiss na humihingi ng tulong sa nangyare sa kanila. Kaya agad itong inakapan ngunit litong lito na ang lalaking lider sa mga plano lalo na't nadamay ang asawa niya sa nangyare. Agad na tumungo si Victoria sa silid kong saan kausap lahat ng council ang lider ng Swiss at mula sa labas maririnig ang hiyaw nito sa pang gagalaiti sa nangyare. Pasimpleng binuksan ni Victoria ang pinto at hindi naman siya na pansin ng mga ito. Hanggang sa matanaw naman siya ng kanyang ina at nilapitan. "Anung ginagawa mo dito? Bumalik kana sa silid mo, hindi mo kailangan maki sali sa usapan sa ngayun." "Mama, alam ko na kong bakit mahika natin ang una nilang kinuha at kong bakit tayu nadadamay." Napa kunot noo ang ina nitong si Astra at nagpalinga linga kong may iba bang mamakarinig sa kanila ngunit ang lahat ay busy sa pakikinig sa lider nila. "Anu yun?" Saka muling humarap kay Victoria. "Una yung mga mahika sa bayan kinuha nila at sunod ang atin kase kong sinu man ang gumagawa nito sinusubukan niyang mapa laki ang sakop niyang makuhang kabataan para mapa gana nito ang mga utak at magamit para sa pakikipag laban. Tayu lang ang may mahikang ganun diba kaya nga pina tabi ang lahat ng sa atin ngunit nahanap din nila." Huminga muna ng malalim ang dalaga at hindi alam kong sasabihin pa ang possibilidad na naiisip niya. Ang isang bagay na kina tatakutan niya. "Anu yun anak sabihin mo makikinig ako." "Nabasa ko sa bisyon ko," dahan-dahan ng lumuha ang mata ng dalaga na nakaka panibago din sa kanya dahil yun ang unang umiyak siya sa kanyang ina, "nabasa ko sa bisyon ko na sa susunod na bisyon na---" "Na anu?" "Na mamamatay ka, kasama ng lahat ng council. Ayaw nila ng batas na ginawa ng mga ninuno natin ayaw nila toh dahil alam nilang tayu ang nagpapatupad nun. Kaya nila tayu inuuna at gusto nilang mamatay ang lahat ng Swiss." Hindi na napigilan ni Victoria na hindi yakapin ni Victoria ang ina ng mahigpit. "Mama papatayin ka nila," hagulgol nito.   KASABAY ng pagsugod ng kabataan na kasali sa propaganda sa bayan at mansyon ng Swiss. Siya namang pasekreto ding sinugod ang bayan at mansyon ng Otis. Ito din ang pangalawang paglusob ng mga kabataan sa Otis para muling pilitin na sumali sa propaganda. Nag iwan din ang paglusob nun ng gulo ngunit wala silang pinatay at sadyang tinakot lang. Napa kuyom ang mga palad si Dylan ng malamang nawawala na din ang anak nitong si Lexi at ang anak ni Kenneth na si Tina. Nawala ang dalawa pagkatapos ng paglusob sa kanila at hawak-hawak pa ang papel na iniwan ng mga kabataan. 'Kailangan nating baguhin ang batas na meron tayu, alam kong ayaw ninyu rin sa batas na meron tayu sa ngayun. Ngunit mawawala ang lahat ng ito kong sasali kayu sa propaganda, lahat ng Otis Clan laban sa lahat ng angkan sa Illustra.' Sabe sa sulat na nagkalat ngunit walang naka lagay kong kaninu nang galing, halatang ayaw nitong magpa huli sa kahit na sinu. Ayaw nang sabihin pa ni Dylan ang nangyare sa asawa niya na nawawala ang isa pa nilang anak. "Dylan bakit hindi kana lang sumali sa propaganda para matapos na ito?" Tanung ni Kenneth sa kanya. "Nag iisip ka pa ba? Naririnig mo ba yang sinasabe mo, hindi tayu pwede sumali dito at pwedeng maging patibong lang ang lahat. Palagi na lang ang Swiss at angkan ko ang sinusugod. Sa pitong angkan na meron dito, lima pa ang hindi pinapakilaman at sa limang yun ang may pakana ng lahat ng ito." "Pero na andoon si Tina, gusto ko siyang maging ligtas baka hindi ko magawa ang lahat at mapatay ko ang sarili ko pag nalaman kong nasa panganib siya." "Kenneth, na andoon din ang anak kong si Lexi, pareho lang tayu, kong ikaw isa lang ako dalawa ang nawawala." "Bakit kailangan ba paramihan ng anak na nawawala?! Ang gusto ko lang ay mahanap ang anak ko, mahirap ba yun!?" "Oo mahirap yun lalo na kong hindi ko alam kong sinu ang may gawa nito ay may sakit pa asawa ko!" "Buti ka kompleto pa pamilya mo, ako isa na lang natitira sa akin kaya hindi ko kayang mawala pa siya!" Natigilan ang pagsisigaw ng dalawa ng pumasok ang kambal na anak ni Dylan. Nagsiayus ang dalawa at kapwa pinapagpagan ang mga damit. "Papa at tito Kenneth rinig sa labas ang mga sigawan ninyu. Pwede naman kayung mag usap ng hindi nag sisigawan ah," aniya ni Sid. Bahagyang nahiya ang magkaibigan, "sorry anak wag ka mag alaala hindi kami galit ganito lang kami mag usap." Umalis naman ang kambal at napa bulong naman si Sid, "wala naman akong sinabeng galit sila ah." Napa buntong hininga naman si Kaden at kahit hindi pag usapan ng kambal ang nangyare kanina sa mansyon nila ay alam nila sa kanilang isa't isa na nag aalala sila lalo na't nawawala na din ang pinaka bata nilang kapatid. "Kailangan na talaga natin kumilos."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD