Awaken 19

1240 Words
AWAKEN 19 GABE na ng mag si balik ang ibang miyembro ng pamilya Otis at oras na ng hapunan. Na andoon na rin si Eulexis na kumain din nila ng sabay at napaka tahimik. Pa minsan-minsan sinusulyapan ni Camille ngunit isang beses hindi ito lumingon sa dalaga at may isa pang na pansin si Camille sa binata ang mga benda nito sa kamay. Nawala naman ang tingin ng dalaga sa binata ng mag salita si Dylan havang sila'y kumakain, kahit din ang mga ka harap niya kumain ay napa sulyap sa pinaka mataas na pinuno nila. "Gusto ko sanang sabihin na kanina ang napag usapan ng mga council at kami ng asawa ko ay tungkol uli sa mortal." Natahimik muli ang lahat lalong lalo na si Camille, dahil pa tungkol ito sa kanya. Huminga ng malalim si Dylan bago muli mag salita, "sabe ni Victoria ang anak ni Astra na wala na siyang nakikitang bisyon tungkol sa mortal. Ibig sabihin lamang nito ay tapos na ang paghahanap sa mortal na yun at isa pa bubuksan na ang buong lagusan sa Illustra pagkatapos ng Spring Gala." Tahimik lamang sila, unang pumasok sa isipan ni Camille, makakalabas na siya at makaka balik na siya sa mundo niya. Pero may kong anung lungkot sa puso niya, na hindi niya maintindihan. Tanging si Lexi lang ang nag reak sa sinabe ng ama, "so ibig sabihin nun makaka alis na yung mortal, how sad naman. Pero may tanung ako pwede bang isama si Camille sa Spring Gala?" Na punta naman ang atensyon kay Lexi dahil sa kanyang tanung, "bakit muna man isasama si Camille?" Tanung ni Eunice sa kanyang bunsong anak. "Hindi siya pwedeng pumunta sa Gala." "Why not? Isa siyang White and then taga Illustra siya, lahat naman imbetado sa Spring Gala." Pagkukunwaring hindi pa al ni Lexi ang tungkol kay Camille, ang gusto lang niya ay maranasan ni Camille kong anung meron pang bagay sa mundo nila. Yun din ang alam ng ibang miyembro ng Otis na walang alam si Lexi sa tunay na katauhan ni Camille. Nagkatinginan si Eunice, Dylan na animoy sa mga mata lang nag uusap at saka muling napa sulyao kay Lexi. "Ok, anak kong yan ang gusto mo." Aniya ni Dylan sa kanyang anak. "Yes, ok excuse na kami ni Camille tutulungan ko siya pumili ng damit." Hindi na hinintay pa ni Lexi ang sasabihin ng iba kaya hinatak na pa labas si Camille ng kusina. "Anung Spring Gala? At saka bakit mo ako isasama doon?" Sunod na sunod na tanung ni Camille kay Lexi habang papaakyat sila ng hagdan. "Anu ka ba, yun na ang huling araw mo dito kaya dapat kahit papaanu maka ranas ka ng party diba sabe mo sa akin na puro ka trabaho sa mundo ninyu. Kaya bago ka man lang maka labas kailangan mong sumama sa akin, nakaka tampo kong hindi mo man lang ako pagbibigyan." "Ganun ba? Pero anu ba yung Spring Gala?" Agad silang pumasok sa silid ni Lexi, hindi na magtataka sa dami ng stuff toys at kulay pink na palamuti sa silid ng dalaga dahil sa ugali nitong may pagka kikay. Binuksan ni Lexi ang isa pang pinto, isa itong walk in closet sa dami ng iba't uri ng damit at sapatos ngunit puros lamang ito maiitim na kulay. Dumiretso sila sa pinaka dulo kong saan naka lagay ang mga dress at gown ng dalaga. Hindi maiwasang damhin ni Camille sa kanyang kamay ang mga tela ng damit pag nadadaanan nila. "Ang spring gala ay ginaganap pag marami nang mag 18 sa araw na yun, isa yung basbas sa mga council sa mga lalaki at babae na maging tunay na silang maging immortal. Minsan lang ito mangyare na magkaroon ng spring gala, at saka sa pangalawang linggo pa naman yun magaganap. Kaya pinag hahandaan na yun ngayun, tayu ay maghahanda rin ng damit para sayu." "Pero paanu kong maamoy nila ako bilang mortal?" "No, hindi mangyayare yun. Mas mangingibabaw yung amoy namin kase nag iisa ka lang, wag ka lang lalapit sa mga council matitindi kase pang amoy ng mga yun, pero wag kang mag alala, hindi kita pababayaan." May isang dress ang kinuha si Lexi saka pina kita kay Camille, "ito bagay sayu." Hinawakan ni Camille ang tela nitong napaka lambot at mapresko. Isang dress na off-shoulder at long sleeve. May mga bulaklak itong disenyo at above the knee ang palda ng dress na bahagyang pabuka ng animoy bulaklak. "Ganda," papuri ni Camille. "See, magugustuhan mo talaga. Ang galing ko talaga pumili."   LAHAT ng taga Illustra ay naghahanda sa paparating na okasyon, ngunit na hinto ito dahil sa maulan ang panahon sa araw na yun. Mag isa naman si Camille sa mansyon at sa pagkakataon na yun wala si Lexi para maka usap niya. Naka tanaw lang siya sa labas ng bintana, ngayun lang niya nalaman na umuulan din pala sa lugar na yun dahil may harang, hindi niya alam na pwede pala yun mangyare. Palagi naman niyang nakikita ang binatang si Eulexis ngunit hindi na naman siya pinapansin, "anu bang problema mo?" Pagtataka ni Camille sa pag iwas ng binata sa kanya. Iniisip tuloy niya na pinag babawalan itong makipag usap sa ibang babae ng kasintahan nitong ipapakasal na sa binata. Lumapit na lamang siya sa pinto at pag bukas nito nakita niya agad si Kaden na naka tayu sa harap niya. Bahagya siyang na gulat, "ah," hindi na niya na ituloy ang kanyang sasabihin dahil natatakot siyang makipag usap sa binata dahil sa kakaiba nitong aura. "May kailangan ka ba?" "Hindi ka ba na bored sa mansyon namin at palaging ikaw na lang ang na iwan?" Iniisip ni Camille na bakit naman siya matatakot sa binata dahil mukha nanan itong mabait katulad nila Eulexis yun nga lang napaka tahimik nito. "Wala naman akong ibang pupuntahan at saka ito lang yung alam kong ligtas na lugar para sa akin." Napa tango-tango si Kaden, naka sukbit na naman ang palaso at pana sa likod. "Sigurado ka, o wala lang si Eulexis kaya hindi ka maka alis ng mansyon, dahil natatakot ka na baka maaksidente ka uli." "Huh?" "Ako may kasalanan kong bakit may patibong doon sa gubat, ako kase ay madalas na mangaso at gumagawa ako ng kong anu-anung patibong para lang maka huli. Kaya sorry dahil nasaktan ka at nag karoon ka ng sugat." Hindi alam ni Camille kong anung sasabihin niya at dahil sa biglang pagiging maamo sa harap niya ng binata. Pero para kay Kaden, hindi niya na pansin na ganun na pala ang nagiging asta niya sa harap ng dalaga. Na iinis siya sa tuwing mag kasama si Camille at Eulexis, pati na rin ang simpleng pag uusap ng dalawa ay kina iinisan niya. Nakakaramdam siya ng inis, galit at higit sa lahat selos. Alam ni Kaden na wala siyang karapatan mag selos sa dalaga dahil wala naman silang relasyun at higit sa lahat nararamdaman niya ang takot nito pagmag ka harap sila. Gusto niyang magbago ang tingin sa kanya ng dalaga. Madalas din niyang bantayan ang dalaga sa tuwing ito'y matutulog na, pinag mamasdan niya ang dalaga habang tulog at kong sasabihin niya ito kay Camille alam niyang lalo itong matatakot sa kanya dahil sa mga kinikilos niya. "Naku ayus lang, pa wala naman na yung sugat yun nga masakit paren pa minsan-minsan." "Gusto mong sumama sa akin?" Takang taka naman si Camille, "saan naman tayu pupunta?" "Akong bahala," wika ni Kaden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD