Awaken 27

1382 Words
AWAKEN 27 LAKING gulat ni Dale na pumasok pa si Camille kahit na sinabe nitong wag na. Agad nang pumunta si Camille sa dati niyang puwesto sa pagiging cashier, walang pinag kaiba ang lugar kahit na alam niyang nawala siya at nagtataka paren siya kong paanu nangyare ang lahat ng yun sa kanya. Pa simpleng lumapit si Dale kay Camille, "Ms. Nuñez bakit pumasok ka pa?" Humarap si Camille kay Dale, "ayokong manatili lang sa bahay, ang dami kong iniisip baka lalo lang akong mabaliw." "Yun na nga eh, kong ayaw mo sa bahay ninyu magpunta ka sa lugar na pwede kang marefresh ang utak mo." "Hayaan muna lang ako, sir." Natigilan si Dale at tumahimik na lang na lumisan. Nababahuan si Camille sa mga masasarap na pagkain na dati'y gustong niyang kainina ngunit ngayun parang ayaw na niya itong maamoy. Takang taka din siya dahil hindi na siya nababahin sa mga bulaklak sa paligid niya, laking pasalamat na lamang niya na wala na siyang allergy sa bulaklak. Lumipas ang kalahating oras at parami na rin ng parami ang kumakain. Halatang mayayaman ang pumapasok doon, mapa lalaki o babae. Tumagal pa ang oras at umabot ng kalahating araw. Hindi na pansin ni Camille na busy siya sa kanyang ginagawa hanggang sa lumapit sa kanya ang isang katrabaho. May nilapag itong hugis kahon na sobreng kulay rosas. "Anu yan?" Tanung ni Camille. "May nagpapabigay po sa inyu," saad ng dalagang waiter na may maigsing buhok na abot hanggang balikat. "Galing doon---ay wala na siya." Sabe ng dalaga ng ituro ang lamesang malapit sa pintuan at mukhang kakabukas pa lamang ng pinto. "Lalaki nagpapabigay niyan, ang gwapo ma'am mukhang secret admirer mo, kaso nakakatakot kase ang seryoso ng mukha niya ni hindi man lang ngumingiti pasalamat siya binigyan niya akong tip na one thousand. Sige balik na po ako sa trabaho ko." Matutuwa si Camille kong si Eulexis ang nagpapabigay nun, pero ayun sa pagkakadescribe sa lalaking nagpapabigay ng sobre, alam na niya kong sinu yun, si Kaden. Dahil break time na niya ng oras na yun ay agad niyang binuksan ang sobre para malaman kong anung laman, takang taka siya na isa itong litrato ng shop. Mababasa sa dalawang palapag na shop sa bintana ang pangalan na 'Cynna's Realm.' Habang pinag mamasdan niya ang litrato at makikita sa loob ang mga libro. Tinignan naman ni Camille ang likod nito at may sulat kamay. 'Baka maka tulog sayu, pag isipan mo.' May initial pa itong 'KO' na ibig sabihin ay Kaden Otis, agad niyang nalaman na si Kaden nga ang nag bigay ng sulat. Isip siya ng isip kong anung gagawin niya sa shop na yun at kailangan niyang magpunta doon. Agad siyang nagpaalam kay Dale na maaga siyang uuwi dahil kong pupunya siya sa ganung araw, hindi na niya magagawa dahil gabe na siya makak uwi at baka hindi niya maabutan ng bukas ang nasabeng shop. May address din ng shop kaya agad siyang bumayahe na may di kalayuan sa shop. Sumakay siya ng aircon bus, mula sa bintana ng bus makikita ang kumpulan at hilera ng mga kotse sa labas. Kaya minabuti niyang umiglip na muna siya. *** NAPA balikwas ng bangon si Camille at nakikita na naman niya ang kanyang sarili sa gubat. Agad siyang tumayo, napaka pamilyar na gubat. May dalawang pares ng paa ang tumatakbo na animoy naghahabulan, tawanan ng babae at lalake. Palinga linga siya sa paligid at hinahanap kong saan nang gagaling ang mga boses. Naramdaman niyang may dumaan sa bandang likuran niya kaya napa sulyap siya doon. Huminto sa mismong harapan niya si Eulexis na naka ngiti habang yakap-yakap ang hindi niya kilalang babae. Masaya silang magkayakap at animoy hindi siya napapansin, 'malamang nasa panaginip ako. Panaginip lang ito,' kahit isiksik niya na panaginip lang ang lahat nasasaktan siya sa kanyang nakikita. "Eulexis?" Gustong niyang tumakbo ngunit na bato siya sa kinatatayuan lalo na ng makitang may ibang labing hinahalikan ang binata. "Itigil mo yan, itigil mo yan!" Ngunit nasa isang panaginip siya at hindi niya napapansin ng mga nakikita niya. Kumalas ang binata sa dalaga at sinabe ang salitang alam ni Camille ay narinig din niyang sinabe sa kanya noon ni Eulexis, "mahal na mahal kita." 'Totoo ba ito?' Sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman niya, hindi na niya kaya pang makita ang nasa paligid niya. Napa kagat siya sa ibabang bahagi ng labi niya at pikit na pikit ang mga mata habang lumuluha. 'Panaginip lang ito, tama panaginip lang ito. Gisingin ninyu ako, gumising ka Camille! Gising!' *** "Gising, miss gising po." Nang laki ang mata ni Camille ng magising siya at halos mauntog ang ulo sa unahang upuan. Sumulyap siya sa kondoktor na nang gising sa kanya, taas baba naman ang dibdib niya sa kaba at hingal dahil sa panaginip. "Miss hindi ka pa nagbabayad, naka park na rin yung bus sa terminal namin." "Po?" Tumayo si Camille at nalaman niyang siya na lamang ang tao sa bus. Agad siyang kumuha ng pang bayad sa bag, binigay sa kondoktor at hindi na hiningi ang sukli niya dahil sa pagmamadali. Maingay sa buong lugar, sunod-sunod din ang pag alis at pag dating ng mga bus sa terminal. Mausok at madumi, ngunit hindi ito ininda ng dalaga. Kinuha muli niya ang litratong binigay sa kanya ni Kaden at nagtanung tanung kong saang lugar makikita ang shop na yun. Tinuro naman siya sa isang bangketa at naglakad siya sa isang side walk. Sari-sari ang mga tinda sa paligid at lahat ito'y mabaho sa ilong ng dalaga. Lahat ng madadaanan niyang shop ay tinitignan niya kong yun na ba ang hinahanap niya. Hanggang sa huminto siya sa isang shop, puno ng libro na naka patong sa bandang bintana kaya hindi na halos nakikita sa loob. Agad siyang pumasok, malamig sa loob, maamoy ang amoy ng mga papel, libro, kakaibang amoy ng preskong lugar at lahat yun ay naghahalo halo kaya animoy pakiramdam ni Camille nasa lugar siya kong saan puno ng pine tree. Masigip din sa loob dahil sa mga ilang librong kumpulan sa isang lugar na animoy bundok at may tumbang hagdan na ginagamit para maabot sa matataas na bahagi ng shelves. Nagtataasang lalagyan at hindi mabilang na libro ang makikita, ngayun lang napag tanto ni Camille na library ito o bilihan ng mga libro. Maglalakad na sana si Camille ng magulat siya ng may dalagang lumabas sa kumpulan ng libro. "Ang sakit," singhal nito habang umaalis sa kumpulan ng libro. Naka suot ito ng tattered jeans, loose shirt na kulay gray at may drawing na paramore sa gitna. Naka suot ito ng black tennis shoes, sa tingin ni Camille mas bata ito sa kanya, may tamang haba ng buhok at bangsa na tumatakip sa buong noo. "Hello, pwede bang magtanung, ikaw ba may ari nito?" Pinag masdan naman ng dalaga si Camille at agad na lumapit sa counter na puno din ng libro. "Hi, welcome sa Cynna's Realm, anung maitutulong ko? Ako nga pala si Cynna ang may ari ng shop na ito, akin ito kakatayu lang last year obvious ba." Sabay tawa ng dalagang si Cynna. Ngumiti na lamang si Camille, "ako nga pala si Camille." "Ah---teka Camille ba kamo?" "Oo," takang takang sagot ni Camille, "Camille Nuñez ang buo kong pangalan." May isang bagay ang naalala si Cynna kaya agad siyang yumuko para kunin ang kakabalot lang na libro at tumayo muli para iabot kay Camille. "May lalaking kakadaan lang dito kahapon, sabe niya kong may babae daw na dumaan ditong nag ngangalang Camille Nuñez ibigay ko daw sayu yan, wag kang mag alala bayad na rin yan, binayaran niya sabe niya lang kase ikaw daw kukuha niyan." "Ganun ba," na isip na naman ni Camille na si Kaden ang gumawa ng bagay na yun pero bakit hindi ito nagpapakita sa kanya, yun ang gumugulo sa kanyang isipan sa ngayun. "Salamat, sige alis na ako." "Sige, ingat." Ngiting paalam ni Cynna hanggang sa tuluyang nang lumisan si Camille. Napa sulyap ang dalaga sa kabilang sidewalk ng makitang naka tayu doon si Kaden, gustong niyang magmadaling lumapit doon ang dalaga ngunit may dumaan na isang bus at pagkalagpas nito wala na si Kaden. Hindi paren mawala kay Camille ang pag iisip na para talagang may mi sa nangyayare simula pa ng maka balik siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD