Awaken 29

1253 Words
AWAKEN 29 "Ka---" natigilan ang dalaga ng makita ang tatlong nilalang na may mga pakpak at kakaibang itsura ng katawan. Dahil sa malalakas na pagaspas ng mga naglalakihan nitong pakpak kaya lalo ding lumakas ang hangin sa paligid. Sinulyapan din ni Kaden kong anung bagay ang lumabas sa Illustra at biglang lumakas ang hangin. Parang bumagal ang oras sa kanilang dalawa ng mga oras na yun. Agad siyang humarap kong na saan kay Camille at pinag mamasdan paren ang mga kakaibang nilalang. "Camille, dapa!" Malapit na sa dalaga ang mga ito kaya agad na dumapa si Camille, akala niya magiging ayus na ang lahat ngunit naramdaman na lamang niya ang paghila sa kanyang mga paa. "Ahhhhhh! Whaaaa!" Tili ng dalaga habang pilit na naghahanap ng makakapitan niya. Hanggang sa dahan-dahan na gumaan ang pakiramdam ni Camille at naka angat na siya sa eri ng patiwarik. Agad na kumilos ang binatang si Kaden, hinanda niya ang pana at palaso. Inasinta niya ang may hawak kay Camille na pataas ng pataas ang lipad. Natamaan niya sa balikat ang nilalang na yun, napa singhal sa sakit ang halimaw at pagewang gewang ito sa paglipad kaya'y hilong hilo ang dalaga sa eri. Pinana uli ni Kaden ang halimaw at saktong tinamaan ito sa likod ng ulo. Nawalan ng buhay ang may hawak kay Camille, ka sabay ng paglaglag sa eri ng halimaw at pagbitaw nito sa dalaga. Tili ng tili ang dalaga habang hinihintay na malaglag mula sa eri. Ginamit ni Kaden ang bilis niya sa pagkilos kaya huminto ito sa pwedeng bagsakan ng dalaga at hinanda ang mga braso para saluhin ito. Pikit mata na lamang ang dalaga hanggang sa maramdaman niya ang braso na yumakap sa kanya. Taas baba ang dibdib ni Camille sa kaba at takot sa mga oras na yun. Sa pagdilat ng dalaga, bahagya din siyang na gulat at halos wala nang makaka daan na hangin sa pagitan ng mga mukha nila. Napa ngisi na lamang ang binatang si Kaden at iniisip na kong wala sila sa sitwasyun na yun baka hinalikan na niya sa labi si Camille. Ngunit hindi pa natatapos ang lahat, bumalik ang dalawa pang halimaw na may pakpak ng makitang nagiging abo na ang kasama nila kanina lang. Tinakbo ni Kaden si Camille at nang makalapit na sila sa Illustra agad niya itong binato papasok doon. Tili ng tili si Camille hanggang sa maramdaman niya ang animoy tubig na malamig na dumampi sa kanyang buong katawan ng maka pasok na siya ng tuluyan sa Illustra, bahagya siyang nasaktan dahil sa mismong kumpulan ng tuyong dahon siya bumagsak. Naka pasok na siya ng tuluyan sa lagusan ng walang humahawak sa kanya, dahil isa na rin siyang aswang. Lumapit muli siya sa animoy salamin na harang sa Illustra at nilabas ang kamay ng bahagya, tumagos lamang ito na animoy nilublub sa tubig. Lumabas muli siya, nakita niyang nakikipag laban si Kaden sa dalawang halimaw na may pakpak at halatang na hihirapan na ito. Naka kita siya ng mga ilang bato at kumuha ng ilan lamang nito. Tumakbo siya at bahagyang lumapit sa mga ito, pinag babato niya ang halimaw na ngayun lamang niya nakita at sa kanya naman na punta ang atensyon ng mga ito. Masasama ang tingin ng mga mata nitong pula kay Camille kaya agad na siyang tumakbo at siya naman ang hinabol ng mga ito. Inis na inis naman si Kaden habang hinahanda ang sandata, "kainis ka talaga Camille," bulong ni Kaden habang patakbong hinabol ang halimaw. Lalo itong na inis ng maka lapit na ang isang halimaw kay Camille at pinang hampas ang kanan nitong pakpak sa katawan ng dalaga. Nagpagulong gulong sa lupa ang dalaga, inasinta naman ni Kaden sa mismong ulo ang isang halimaw at sinunod pa ang isa at pareho itong naging abo sa hangin. Isa-isa ni Kaden na kinuha ang mga ginamit niyang pana sa halimaw at nilagay sa kanyang lalagyan na naka sukbit sa likuran niya. Agad din niyang nilapitan ang dalaga at tinulungan maka tayu. "Anu ba yung mga yun?" Habang pinapagpagan ni Camille ang damit at na una namang naglakad si Kaden na sinundan naman ng dalaga hanggang sa maka pasok muli sila sa Illustra. "Mga tiktik." "Ganun pala itsura nila, grabe nakaka takot." Magsasalita pa sana si Camille ng matigilan siya sa biglang pagharap ng binata na may masamang tingin sa kanya. "B---bakit?" "Wag ka ngang tutulong sa akin sa susunod." "Bakit naman?" Takang taka tanung ng dalaga at na hinto sila sa paglalakad. "Kong hindi ko ginawa yun hindi---" "Kong ginawa mo yun baka ikaw ang mamatay. Iba ang kamatayan ng mga tulad natin sa labas ng Illustra, nagiging abo tayu at hindi na nakaka balik pa kesa pagnamatay ka dito sa loob na buo paren ang katawan mo!" Halo-halo ang emosyun ng binata pag-aalala at inis sa mga oras na yun. "Ok, hindi na ako tutulong sayu sa susunod." "Hindi talaga, hindi mo ako kailangan tulungan, hindi mo ako kailangan iligtas kase ako ang gagawa nun para sayu." Hindi maitindihan ni Camille ang ibig sabihin ng mga salitang binibitawan nito pero sa likod ng mga salitabg yun may gustong ipahiwatig ang binata. Huminga ng malalim si Camille at na unang naglakad si Kaden. Biglang naalala ni Camille ang lahat bago siya naka balik sa Illustra. "Anu bang nangyayare dito? May problema ba, ang weird kase ng mga kinikilos mo, pwede mo naman gawin ang pagtulong mo na nagpapakita ka ng maayus diba." "Hindi ako nagpakita sayu." "Anu?" "Yung nangyare sayu ay isabng ilusyon na ginawa ni Victoria at Sidney. Sila din ang nagpabalik sa oras kong saan unang araw na nagkita kayu ni Eulexis. Kailangan gawin yun nila para maging ang ayus ang lahat kahit paanu." "Anu ba talagang nangyayare dito?" "Marami nagbago ng isang iglap na pagkawala mo, hindi mo ba alam na dapat patay kana." Ang salitang 'patay kana' ay isang bangungot at kabang bumabalot sa buong pagkatao ni Camille ng marinig niya yun galing kay Kaden. "Binuhay ka ni Eulexis at pagkatapos nun ay hiniling niya kila Victoria na ibalik ang oras." "A---anung nangyare kay Eulexis?" "Hindi ko masasagot yan, makikita muna lang. Tatlong araw kitang hinintay sa labas ng Illustra para hindi ka din sugurin nung mga halimaw na nagsisilabasan galing dito. Bukas na bukas na ang lagusan kaya tuwang tuwa ang buo ng propaganda laban sa Swiss." "Anung propaganda?" "Magiging isang council na kase si Victoria at isa siyang Swiss. Pati kami na mga Otis nadamay, dahil ang Otis ang may pinaka mataas na angkan sa lahat. Pinipilit ng propaganda na sumali kami sa kanila sa simpleng pag atake sa mansyon at bayan ng mga Otis." Tama ang hinala ng dalaga, marami nga bagay na hindi tama. "Gusto nila na pababain ang Swiss, tumigil ang batas at mawala katulad ng dati. Ngunit pinag aaralan pa ng Swiss at Otis kong saang angkan nag umpisa ang lahat ng propaganda. Yung mga tiktik kanina, kasali yun malamang sa propaganda at kaya din na andito ako kase nag babantay ako para mahuli sila. Sa ngayun marami na kaming na huli ngunit hindi sila sumasagot pagnagtatanung kami kong sinu nga ba ang may hawak sa kanila." Habang nagkikwento ang binata hindi naman mawala sa isipan ni Camille lalo na ang pagbuhay sa kanya ni Eulexis sa kanya. Napaka sayang isipin na ginawa lahat ni Eulexis kay Camille na lalong nagpapalala ng pagkagusto niya dito. "Kumusta na si Eulexis?" Mahinang sinagot ni Kaden ang dalaga, "hindi ka niya naalala at isa pa malapit na siyang ikasal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD