Cage 83

1053 Words

CAGE 83 PAGKATAPOS ni Idlyn na maligo at mag ayos, agad siyang pinuntahan ng isa pang utusan sa kanila para dalhin sa kanya ang dress na susuotin niya. Tinulungan siyang suotin ang kulay abong dress na abot hanggang tuhod at tago ang buong braso. Yumuko at nagbigay galang ang utusan bago ito umalis, "teka lang," muling napa sulyap ang utusan sa kanyang amo. "May kailangan po ba kayo prinsesa Idlyn?" "Meron," ayaw man gawin o gamitin ang mahikang alam niya, ngunit sa pagkakataon na yon may kailangan siyang makita kahit sandali. Magsasalita pa sana ang utusan ng bumulong si Idlyn sa hangin. Nakaramdam ng pagkapagod ang utusan hanggang sa matumba ito sa sahig, nagmadaling kinuha ni Idlyn ang suot nitong pandong na kulay berde na may emblem sa kaliwang dibdib nito na isang gintong laurel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD