May pasok siya ng araw na iyon kaya naman kinailangan niyang mag extend sa hotel room niya ng ilang oras. Hindi pa kasi pumupunta si Sebastian sa hotel room niya hanggang sa makaalis siya para pumasok sa school. Hindi naman maalis sa isip niya ang mga sinabi ng Mommy niya sa kanya na akitin niya si Sebastian at may gusto daw sa kanya si Sebastian. Parang hindi naman kasi ganon ang nakikita niya kay Sebastian. Matagal na niya itong kilala mga bata pa lang sila at wala naman siyang napansin na kakaiba rito. Mature ito mag isip at seryoso ito sa buhay iyon ang napapansin niya kay Sebastian. Isama pa ang ilang taong agwat nila nito, kaya mahirap paniwalaan ang theory ng Mommy niya na may gusto sa kanya si Sebastian. Inamin ng Mommy niya na lumapit ito kay Sebastian para sa debut niya at hind