"Stop! Please!" Malakas na tili ni Eliana nang mabuksan niya ang pintuan ng silid kung saan ito dinala ng dalawang lalake. Mabilis siyang pumasok sa loob para iligtas si Eliana sa kamay ng dalawang lalake na nais itong gawan ng masama. "Sino ka?!" Bulalas ng isang lalake na napalingon sa kanya na may hawak pang cellphone at mukhang kinukunan ang ginagawa ng mga ito kay Eliana. "F*ck!' Mura niya at mabilis na sinugod ang lalake para kunin ang cellphone rito at sinipa ang lalake ng malakas. Bumulagta ang lalake sa sahig. "Anak ng! Sino ka ba?!" Galit na tanong ng isa pang lalake na agad binitiwan si Eliana na nasa kama na habang umiiyak. Mabilis niyang sinipa ang lalake na palapit pa lang sa kanya at bumulagta rin sa tabi pa ng isang lalake. Sinulyapan niya si Eliana na nakahiga sa kam