Hindi niya binanggit kay Sebastian na kaya siya tinawagan ni James ay para sabihin na may private event ito sa hotel at nais siyanv manood ni James. Pansin kasi niyang parang naiinis si Sebastian dahil na rin siguro sa dami ng mga lalaking lumalapit sa kanya at iyung iba sinasamahan pa niya, at ang iba naman may masasamang balak sa kanya. Ayaw man niyang isipin pero parang nakuha nga yata niya ang karisma meron ang Mommy niya, marami kasing nagkakagusto sa kanya, marami rin ang nais makilala siya at mapalapit sa kanya. Bago pa umalis si Sebastian nag text na sa kanya si James na malapit na ito sa hotel. Nabanggit kasi niya na nasa hotel din siya ngayon sa sobrang excited niya kanina nang tawagan siya nito. Pakiramdam kasi niya kailangan niyang maglibang kahit papano para naman makalimutan