SUMAGLIT lang sa bahay nila si Baldwin at kumuha ng mga damit. Plano na rin niyang umalis sa bahay nila roon sa Pasig dahil si Blandon at ang asawa nito ang nakatira roon. Sa kanya naman ipinangalan ng daddy nila ang bahay nila sa Mandaluyong. Noong namatay ang grandparents nila both mother and father side, nakuha nila ang mana at naghati. Naibenta nila ang six hectares lot ng mga iyon sa Batangas dahil wala nang nag-aasekaso.
Bumili siya ng sarili niyang bahay sa Batangas. Ginamit naman niya ang ibang pera sa pag-stay niya sa Canada para sa training noong pumasok siya sa army. May bahay siya roon pero naibenta rin niya bago umuwi ng Pilipinas noong nakaraang buwan. May ipon naman siya mula sa kanyang sweldo at iyon ang ibinili niya ng beach front property sa Batangas at ginawang resort. Maliban sa resort, nakabili siya ng puwesto sa Mandaluyong at nagbukas ng bar business.
Mahilig siyang mag-bar kaya iyon ang naisip niyang negosyo. Plano niya na mag-open na rin ng restaurant. Hindi kalakihang negosyo at least may inaasahan siyang income at hindi nasayang ang pag-AWOL niya sa army.
He never felt regret about losing his job. He has never been happy handling a gun and facing their enemies in the middle of life and death. It’s unsure if he would go home alive. Gusto pa niyang mabuhay nang matagal. Nakapag-sorry na rin siya sa daddy niya dahil sa desisyon niya’ng iyon.
PAGDATING ni Baldwin sa Shaturi mansion ay nagulat siya nang mamataan si Mang Armando na may pinupulot sa garahe. Hindi tuloy niya naiparada roon ang kanyang kotse. Inihinto lang niya ito sa tapat ng mansyon. Kaagad siyang tumalilis sa sasakyan.
“Manong, ano po ‘yan?” tanong niya sa ginoo nang lapitan niya ito.
“Ah… mga s**o po, sir,” tugon nito.
“s**o?” Mariing kumunot ang noo niya.
Pagtingin niya sa sahig ay mga s**o nga ang nagkalat na may iba-ibang kulay. Iniisip niya na baka natapon lang doon.
Maya-maya ay umulan-ng s**o. Mabuti lutong s**o na ito kaya hindi masakit sa katawan pero malagkit. Nagbabadyang tumaas ang presyon niya pero napigil niya ito. Nang wala nang ulan ng s**o ay pumihit siya paharap sa babaeng humahagikhik.
Nakatayo si Agatha sa itaas ng kongkretong bench, hawak ang mangkok na pinaglagyan malamang ng s**o. Nakasuot lang ito ng puting sando at maigsing Hawaiian pants. Ang kinis ng kutis nito, ang puti-puti kaso isip-bata.
“Hi, Blandon! Where have you been, huh?” nakangiting sabi nito. Tumalon ito pababa ng bench.
Panay ang buntong-hininga niya. “May pinuntahan lang akong importante,” tugon niya.
Mabuti na lang magaling itong magsalita ng Tagalog. Pinay kasi ang yaya nito at walang ibang nakakausap maliban kay Xander na pinay ang nanay at Filipino-Japanese ang tatay. Hindi rin ito fluent sa Japanese language ayon kay Blandon. Mabuti rin at na-endorse sa kanyang mabuti ni Blandon ang detalye tungkol kay Agatha at kay Xander. Pero kahit si Blandon ay hindi kabisado si Agatha kaya malaking challenge ito sa kanya.
Nilapitan niya ang dalaga at inayos ang magulo nitong buhok. Nagulat siya bakit natulala ito sa kanya. Namimilog ang mga mata nito.
“Ano ba ang pinagagawa mo?” seryosong tanong niya. Dumestansya siya rito.
“I’m just having fun,” sagot nito saka matabang na ngumiti.
“Playing with s**o? Ang weird,” amuse na wika niya.
Sumuko naman sa pamumulot ng s**o si Mang Armando. Kumuha na ito ng dash pan at walis dahil lalong dumami ang mga s**o. Iiling-iling ito. Na-stress na ata. Baka lalong mapanot ang ulo nito dahil kay Agatha.
“Pinaglaga kasi niya ako ng s**o, sir. Akala ko naman ay kakainin niya. Hindi pala niya alam ang s**o. Nakita kasi niya ako kanina na nagkikilo ng hilaw na s**o. Nakatuwaan niya. Sinabi ko na puwedeng lutuin ang s**o. Tuwang-tuwa siya nang maluto. Ginawa naman niyang bola,” kuwento ni Mang Armando.
Hindi niya napigil ang sarili sa pagtawa. Natigilan siya nang may tumamang s**o sa pisngi niya. Sinipat niya si Agatha, nakasimangot ito. Pagkuwan ay padabog itong pumasok sa bahay.
Napakamot siya ng ulo. Kaagad niya itong sinundan.
PILIT dinudurog ni Agatha ang isang mangkok na s**o pero tumatalbog ang mga ito. Nakaluklok siya sa silya katapat ng mahabang lamesa sa may komedor. She doesn’t understand why people laughed easily in just a simple scenario. She just having fun.
Naaaliw siya sa s**o kasi from a solid form, it became jelly. It was an amazing transformation. She loves the texture of s**o, it feels relaxing on her palm. Mang Armando said that s**o was a kind of food. She felt confused and curious at the same time.
Kumislot siya nang may mabigat na kamay na sumampa sa kanyang kanang balikat. Hindi niya ito tiningnan. Kinukuyumos niya ang mga s**o.
“Hey, are you okay?” tanong ng lalake.
Saka lang niya natanto na parang nag-iba ang timbre ng boses ni Blandon. Nasanay siya sa malumanay nitong pagsasalita. Bigla itong naging matigas at may angas. Bumaling ito sa harapan niya at hinila ang silya. Umupo ito at mataman siyang pinagmamasdan.
She gazed at him intently. “I’m bored,” sabi niya.
He giggled. “Mas boring doon sa bahay ninyo sa Tokyo. Xander was a boring person.” He smiles with a hint of sarcasm.
“I know but he loves me.”
Mariing kumunot ang noo ng lalake. “How did you say he loves you? He treats you like a prisoner.”
“He just wants to protect me from those people who do not understand me. They called me pathetic,” may hinampong sabi niya.
Humalukipkip ang lalake. “You’re not sick, Agatha. Paano ka ba pinalaki ni Xander?”
“What do you mean?” naguguluhang tanong niya.
“Matino kang tao, wala kang sakit sa pag-iisip. Siguro kaya ignorante ka dahil hindi ka na-expose sa ibang bagay na ilang taon. Wala man lang akong nakitang telebisyon sa kuwarto mo. Paano ka nanonood ng mga balita, or mga programa na may aral?”
“Do you mean the tablet? Xander gave me a tablet where I can watch movies.”
“What kind of movies?”
“Like a woman and a guy sharing their nakedness on top of the bed, they having fun,” nakangising sabi niya.
Napangiwi ang lalake. “Do you have an idea what scene you had watched? Those scenes do not allow for minors.”
“Do you mean I’m a minor?” Namilog ang mga mata niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.
Noong nahuli siya ni Xander na nanonood ng movies sa tablet ay binura nito iyon at pinalitan ng drama na ang tauhan ay mga doktor. Nagtanong siya kung ano ba ang ginagawa ng mga tao sa movie. Ang sabi ni Xander, “they having fun”. Ilang beses din niyang nahuli si Xander na may kasamang babae at ganoon ang ginagawa sa napanood niya. Noong tanungin niya, ganoon pa rin ang sagot. They having fun.
“Nasa hustong gulang ka na, Agatha, pero ang isip mo ay na-trap sa sampung taong bata, o mas bata pa. Dapat marami kang alam pero siguro dahil nagka-amnesia ka noon, bumalik sa blanko ang utak mo,” sabi nito.
So, this guys knows that she had amnesia. Naiinis siya sa sinabi nito na pang-sampung taong gulang ang isip niya. Marami na siyang alam. Alam niya ang mga gamit sa ospital dahil matagal siyang tumambay sa ospital at nanonood siya ng movie na umiikot lang sa loob ng ospital ang kuwento. Paulit-ulit niya iyong napanood hanggang nakabisado niya ang medical terms and equipment.
“Alam ko marami akong hindi alam kasi sabi ni Yaya Helen, iba raw ang buhay sa labas at sa ibang lugar. So I think I need to start learning from scratch,” aniya.
“Yes, that’s why you are here.”
“But Xander said that there’s someone who wants to kill me so he needs to hide me here for years. Is that true, Blandon?”
Matamang tumitig sa kanya ang lalake. “Ah, y-yes. Pero huwag mong isipin ang sinabi niya. Nandito ka para mag-aral.”
“Paano ako mag-aaral? May pupuntang teacher dito para turuan ako?” Namilog ang mga mata niya.
She can’t help but felt excited.
“Uhm, no.”
Naalala niya, ang sabi ni Xander ay kung magpapakabait siya, sa normal school siya mag-aaral.
“Gusto ko sa normal school mag-aral. ‘Yong may nakikita akong ibang tao, hindi lang mukha mo at ni Mang Armando.”
Matabang na ngumiti ang lalake. “Ah, so nagsawa ka na sa mukha ko, gano’n?”
Ngumisi siya. “Nope. You look handsome naman eh.”
“You know what handsome is?”
“Guwapo? Iyon sabi ni Yaya Helen, eh.”
“Ayon, mabuti alam mo. Mabilis ka naman matuto, wala lang matiyagang nagtuturo. Inaayaw mo raw kasi ang tutor mo.”
Ngumuso siya. “Eh kasi kinukurot ako sa hita kung hindi ko masagot ang tanong. Ang bad niya ‘di ba?”
Bumuntong-hininga ang lalake. “Oo, bad nga. Huwag kang mag-alala, maraming mababait na tao rito sa Pilipinas. Basta magpakabait ka, marami kang makikilalang kaibigan.”
“Talaga?!” Nagagalak siya.
“Oo, basta huwag kang pasaway. Kung salbahe ka, lalayuan ka ng mga tao. Walang gustong makipagkaibigan sa ‘yo.”
“Gano’n pala ‘yon. Pero bakit si Yaya Helen hindi ako nilayuan kahit minsan nasasaktan ko siya?”
“Kasi naintindihan ka niya. She’s a mother too.”
Natutuwa siya kay Blandon. Dati naman ay hindi siya nito masyadong kinakausap. At saka ayaw kasi noon ni Xander na nakikipag-usap siya sa ibang tao kung hindi naman kailangan at hindi niya kilala.
“Gusto ko bumalik si Yaya Helen. Please, find her,” samo niya.
“Okay, I try to contact her.”
“Yehey!” Sa tuwa niya ay lumapit siya kay Blandon at sana’y yayakap dito pero lumayo ito nang makita ang kamay niya na namumutakti sa napisang s**o.
“Okay na, huwag mo na akong yakapin,” sabi nito. Parang diring-diri sa kanya. “Maghugas ka ng kamay.”
Pumasok naman siya sa kusina at naghugas ng kamay. Sinundan siya ng lalake. Bigla namang humilab ang sikmura niya.
“Walang food,” aniya pagtingin sa lamesa na walang nakapatong na kung ano.
“Darating mamaya ang asawa ni Mang Armando para ipagluto tayo,” sabi nito.
“Sige, pero gusto ko ng s**o. Food pala ‘yon?” ignoranteng sabi niya.
“Oo. Inilalagay iyon sa halo-halo, at sa ibang dessert.”
“Ano’ng halo-halo?” curious na tanong niya.
“Isa iyong uri ng dessert na may iba-ibang sangkat katulad ng s**o, minatamis na saging, beans, gulaman, at marami pang iba. Nilalagyan iyon ng ginadgad na ice, asukal at gatas.”
“Gusto ko ‘yon!” Lalo siyang na-excite.
“Sige, magpapagawa tayo sa asawa ni Mang Armando.”
Bigla siyang yumakap kay Blandon. Nagtataka siya bakit hindi ito gumagalaw. Nang kumalas siya rito ay tulala lang itong nakatitig sa kanya. Dinutdot niya ang dibdib nito. Natamaan pa niya ang n****e nito. Inulit pa niya. Hindi niya maintindihan. Msarap sa daliri ang tigas ng dibdib nito.
Natigilan siya nang hinuli nito ang kamay niya at marahang pinisil. “Please, don’t hug me again, okay?” mahinahong sabi nito.
“O-okay,” nakangiting tugon niya.
Binitawan na nito ang kamay niya.
Maya-maya ay may dumating na matabang babae, parang katulad din ni Yaya Helen. Nakasuot ito ng mahabang palda at pulang blouse. Kulot ang buhok nito na naka-isang tali. Kayumanggi ang kulay ng balat nito katulad ni Mang Armando.
“Hello po!” bati niya sa ginang.
“Magandang araw sa inyo!” nakangiting bati rin ng ginang. “Ako pala si Lokreng, asawa ni Armando,” pakilala nito.
“Ah, kayo po pala. Mabuti narito na kayo,” ani ni Blandon. “Nagugutom na ho kasi si Agatha. At saka gusto po niya ng halo-halo. Marunong po ba kayo gumawa?”
“Ay, oo naman. Nagbebeta ako niyon minsan. Kaso, kulang ang sangkap,” sabi ng ginang.
“Ilista na lang po ninyo para ako na ang bibili.”
“O sige.”
Palipat-lipat lang ang tingin ni Agatha sa dalawang nag-uusap. Ang alam niya lang ay halo-halo, gagawa si Aleng Lokreng. Nasasabik na siya.
Maya-maya ay nagpaalam ang lalake. Mamamalengke raw ito. Bigla namang nalungkot ang dalaga nang wala na siyang kausap. Busy na kasi si Aleng Lokreng sa pagluluto. Ayaw naman niyang tumambay sa kusina dahil mainit at ayaw niya ng halo-halong amoy.