THIRTY-SEVEN: "Gusto ko ako lang sayo at gusto ko akin ka lang..." "OH Sasha anak, nandito ka na pala! Buti nalang at nandito ka na para maklaro mo na rin sa lalaking ito na wala siyang lugar rito dahil kanselado na ang kasunduan sa pagitan ninyong dalawa." patuloy na nagmamalaking ani mommy. "Ma!" saway ko sa kanya. "What? Sinasabi ko lang ang totoo para naman malaman niyang hindi na siya dapat pang pumunta rito. We don't need their money anymore, tulong nilang nanghihingi ng mas malaki pang kolateral na kapalit!" hindi pa rin paawat na dakdak niya't sinamahan pa ng ismid. Nasapo ko na lamang ang noo ko. I never thought that everything would fall into this. Hindi ko inakalang sa pagbangon naming muli ay ganito ang magiging kalalabasan at pagbabago ni mommy! "Now, Sasha, tell it to hi