Locker room
Nayayamot na sinisipsip ko ang ang laman ng slurpee na binili ko sa 7/11 sa labas ng Campus habang nakatanaw sa malawak ng field ng Saint Carmen University nitong hapon.
"Go, Alex! Galingan mo!" sigaw ni Terry sa aking tabi. Parang hihimatayin na ito sa tabi ko habang nanonood ng larong soccer.
Inubos ko muna ang laman nito saka tumuwid ng upo at humalukipkip na tumanaw sa kawalan.
"Ayy!"
Muntik na akong mahulog sa kinauupoan dahil sa malakas nitong sigaw.
"Ano ba Terry, nakakagulat ka naman!" naiirita kong sinabi.
"Sorry friend, kasi nadapa si Alex ko. How I wish okay lang sya".
Ginaya ko pa ang pagbuka ng labi nito habang sinasabi niya ang line na `yon..
My God ilan taon naba kaming magkaibigan alam na alam ko na ang linya nito kapag nanonood kami ng practice ng soccer sa University na ito.
Sumimangot siya sa`kin bago tumingin muli sa field.
Bumuga ako ng marahas na hangin bago bumalik sa pagtanga habang hinihintay matapos ang boring na laro na iyon.. kung di ko lang best friend ang isang 'to, malamang kanina ko pa s`ya iniwan at umuwi nalang.
"Yehey! Ang galing talaga ni Alex my love ko!" Tinakpan ko nalang ang mga tenga ko dahil parang mababasag yata ang eardrums ko sa lakas ng sigaw nito.
Nakita ko pang lumingon sa banda namin ang grupo nila Alex saka kumaway kay Terry. Nangisay naman ang katabi ko habang namimilipit sa kilig.
I rolled my eyes on her, saka hinipan ang bangs kong tumabing sa aking mukha.
"Let's go Lara!" Hinila na niya ang kamay ko pababa ng bleacher para habulin ang grupo nila Alex.
Tahimik lang ako habang nakasunod na naglalakad dito.
"Alex!" Sigaw ng haliparot kong bestfriend nang maabotan ito.
"Hi Terry!" kumaway ito sa nobya at huli'y sumulyap din sa`kin.
"Hi Lara!" Bumati naman ang mga ka-grupo ni Alex sa`kin ngunit nayayamot na tumango lamang ako sa mga ito na walang ngiti sa labi.
Sa wakas ay binitiwan na ni Terry ang kamay ko saka lumapit sa pawis na pawis na si Alex at niyakap ng mahigpit.
“Eww.. Kadiri ng mag jowa nato!” bulong ko sa sarili habang nakatingin lang sa kanila.
Oo mag jowa ang dalawang ito since highschool, masaya naman ako para sa kaibigan ko dahil alam kong loyal sa kanya ang bf niyang si Alex.
Hindi rin kasi matatawaran ang ganda ni Terry dahil half british at half pinay ito.
Mas matangkad lang ito sa`kin ng ilang pulgada, na may kulay azul na mata, binagayan iyon ng kulay mahogany niyang buhok at ang kulay nitong malaporselana.
Masasabi kong jackpot si Alex dito. Hindi ko rin naman sinasabing `di nito mahal ang besfriend ko.. Dahil ilang beses ko nang napatuyan na mahal niya talaga si Terry.
"Ah, babe mag-shower lang ako ha, mahihintay mo paba ako?" Malambing na tanong nito kay Terry.
"Yes babe, okay lang ako dito."
Kinikilig ito habang kumakaway sa lalaking patungo na Men's room..
Ako naman ay bugnot na bugnot na. Lagi nalang ba akong chaperone ng dalawang ito? Hindi ko rin ito masisi dahil bilang best friend ay support ko silang dalawa kaya heto, nag ti-tiyaga na samahan siyang manood ng practice nila Alex.
"Terry mauna na ako ha, mukhang may lakad pa kayo ni Alex.?" Paalam ko na dito nang hindi makatiis.
"Ah.. sige Lara, salamat sa pagsama ha!" aniya sa`kin.
I just nodded, kumaway pa ako dito at inumpisahan nang ihakbang ang mga paa patungo sa labas ng open field.
Dumiretso ako sa locker room ko para sana kunin ang iba ko pang gamit at magpasya nang umuwi.
Ngunit ganoon nalang ako natigilan nang may maulinagan akong maliit na ungol na nagmumula sa kung saan.
Kumunot ang noo ko sa narinig. Dala ng kuryosidad ay maingat akong naglakad papasok sa nakasaradong pinto kung saan mas lumalakas pa ang mga ungol na naririnig ko.
Tumigil ang mga paa ko sa pinto ng utility room.
Doon nang gagaling ang mga ungol kaya marahan kong dinikit ang tenga sa pinto at ang ang impit na ungol ay mas lalong lumakas at sunod-sunod.
Kakaba-kabang binuksan ko ang pinto. Dahil hapon at uwian na rin ng mga estudyante ay sadyang patay na ang mga ilaw kaya hindi maaninag kung ano bang meron doon.
Kakapain ko na sana ang switch ng ilaw nang makarinig nang boses ng isang babae.
"Dawzon!" Impit na daing ng babae.
Because of my curiosity, I stepped more closer. Pero ganoon nalang nanlaki ang mga mata ko sa nadatnan. My body froze as I rooted to the ground.
"Aah, you're so hot baby.. " daing ng lalaki babaeng nakatalikod sa kanya.
Hindi ko na kailangan pa ng ilaw para malaman kung ano bang milagro ang ginagawa nila sa oras na ito.
Halos sumubsob na ang babae sa padee habang hawak ito ng lalaki sa magkabilang bewang.
Damn! They are having s*x here at the utility room!
"s**t may tao!" natatarantang sinabi ng babae nang mapansin ang presensya ko.
Agad na lumingon sa akin ang lalaki. And those hot but venomous eyes darted on me like a knife.
Hindi ako pwedeng magkamali. I know him! Ngumisi lang ito saka binitawan ang kanina'y babaeng ka ulayaw niya sa dilim.
Mabilis namang inayos ng babae ang sarili nito at yung lalaki naman ay itinaas ang zipper habang nakatalikod sa`kin.
I stand still for about a second without blinking my eyes.
"Lara?" Tawag sa`kin ng babae nang makilala ako.
Bumalik ako sa wisyo ng marinig ang boses nito. s**t, it`s Karen, isa sa mga classmate ko sa ibang subject.
Doon gumana ang utak ko. I turned around and leave the door open. My heart beating so fast. Hinihingal din ako nang marating ko ang aking kotse sa car park.
Nanginginig ang mga kamay habang pinapasok ang susi sa makina.
"f**k!" Malakas kong sambit. Nang sa wakas ay naipasok ko ito ay mabilis ko iyong pinaharurot palabas ng campus.
Diretso ako sa aking silid at doon mabilis na dumapa sa kama. Pilit kasing sumisiksik sa isip ko ang eksena nila kanina habang nag-mi-milagro. Kinilabutan ako dahil kitang kita ko kung paano nito i-indayog ang balakang sa likuran ni Karen habang nakatingala.
Damn! Pumikit ako nang sumagi sa isip ang parteng iyon kung saan naglalabas masok ang kahandaan nito kay Karen.
"Pervert." Malakas kong sinabi.
Kinagat ko nang mariin ang aking labi saka pinasyang pumasok sa bathroom para maligo at magisawan.