"KUNG gusto mong sa bahay ninyo dumiretso ay ihahatid ka namin. Ngunit wala ring problema kung kina Pareng Jhay-R. Dahil sa ibang araw tayo mamasyal sa bahay ko sa Manila." Baling ni Boss Jolbon nang nakalabas na sila sa paliparan ng Baguio City. And, yes! Makalipas ng halos isang araw na biyahe sa himpapawid ay nakarating din sila sa siyudad ng Baguio. "Total naabala ko na po kayo ay lubos-lubusin ko na. Kaya't sa bahay na lamang po. Pero, ang kambal..." Kaso maaring nag-alangan ito kaya't napatigil. "Nandito na tayo sa ating bansa, anak. Wala man kaming kaalam-alam sa pinagdaanan o namagitan sa inyo ng kapatid namin. Ngunit ito ang maipapasigurado ko sa iyo. Walang makapanakit sa inyo rito. Dahil kami ng Uncle Jhay-R mo ang bahala. Baka magpang-abot lamang tayo ng magiging shadow

