"KUMUSTA ka na, pinsan? Pasensiya ka na kung wala ako noong kailangang-kailangan mo ako. Ngunit huwag kang mag-alala. Dahil kagaya ng ipinangako ko sa iyo noon sa Cappadocia ay ibabalik ko iyan kahit sa anumang paraan," pahayag ng military na si Brigadier General Sabanci. "Brother, kilala mo akong tumutulong na walang hinihintay na kapalit. Kaya't huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Kapwa tayo public servant kaya't nararapat lamang na gawin natin ang ating tungkulin sa bayan," sagot naman ni Mustafa saka dahan-dahang umayos sa pagkaupo. Kaso napataas ang kilay niya dahil bahagya itong lumingon na wari'y mayroong hinahanap. "Need something, cousin?" kaagad niyang tanong. Subalit imbes na ay dinampot ang papel na nakapatong sa side table niya. Ganoon din, hindi na nagsalita dahil isinu

