Sabrina "Wait, atras mong konti," sabi ko kay Georgina ng ihinto n'ya sa tapat ng bahay ni Maggie ang kotse n'ya. Nagtataka s'yang lumingon sa akin. "Bakit, tapat naman ng bahay n'yo 'to?" "Hindi, hindi 'yan ang bahay namin. Bahay 'yan ni Maggie, 'yung pinag-iiwanan ko sa anak ko," sagot ko. "Ah okay, akala ko 'yan ang bahay n'yo, dahil d'yan kita hinatid dati," sagot n'ya sa akin habang inaatras ang kotse. "Hintayin mo na lang ako rito Georgina, sunduin ko lang 'yung anak ko," sabi ko, binuksan ko pinto ang kotse para bumaba na, pero may taglay talagang kulit ang babaeng 'to dahil nauna pang bumaba sa akin at naglakad papunta kina Maggie. Napailing na lang ako habang napapangiti na nakatingin sa kan'ya. Pinindot ko ang doorbell kaya lumabas si Maggie sa pinto at sumilip, at ng maki