Georgina Gusto ko muling matawa dahil sa klase ng tingin na ibinibigay sa akin ngayon ni Sabrina. Para talagang hindi s'ya naniniwala na matino ako, at once na binitawan ko ang kamay n'ya ay kakaripas na s'ya ng takbo. Ang epic kasi ng itsura n'ya kanina ng sabihin kong naging ex girlfriend n'ya ako kaya gano'n na lang ang naging pagtawa ko. Sorry naman! "Come on, upo ka 'uli promise matino ako," sabi ko pa sabay taas ng kaliwa kong kamay na parang nanunumpa para lang kumbinsihin s'ya. Naupo naman s'ya 'uli pero med'yo malayo sa akin compare sa naging puwesto namin kanina na halos magkadikit na ang balat namin sa sobrang lapit. Sinadya ko talaga umupo ng gano'n para magkalapit kami ng sobra dahil natuwa talaga akong makita s'ya 'uli. "Okay seryoso na, hindi mo talaga ako natatandaan?