chapter 2

2382 Words
Charles POV “Mahal, aalis na ‘ko,” paalam ko kay Sabrina ng bumaba ako bitbit ang aking bag na dinadala sa trabaho, galing kasi ako sa itaas sa aming k’warto dahil naligo ako pagkatapos namin kumain ng almusal kanina. Nauna na kaming kumain ng asawa ko dahil tulog pa si Allie at mamaya pa ang gising ng batang ‘yon. “Heto na ang baon mo Mahal, ubusin mo ‘yan ha!” sabi ni Sabrina sa akin at iniabot n’ya ang lunch bag ko sa akin. Noong simula ayokong magbaon ng lunch sa trabaho, nahihiya kasi ako, pero ayaw pumayag ni Sabrina at talagang pinagpilitan na baunin ko ang pagkain na inihanda n’ya para sa’kin kaya binaon ko na, hindi naman n’ya ako titigilan hangga’t hindi ako pumapayag. “Kelan po ba ako nagtira? Hindi ba’t palagi namang ubos, kulang pa nga dahil ang sarap ng luto ng asawa ko,” napangiti naman s’ya sa sinabi ko. “Sus, binola pa daw ako!” sagot ni Sabrina, inayos n’ya ang suot kong kurbata. “Tunay kaya ‘yon Mahal, ang sarap kaya ng luto mo tapos ang sarap mo pa!” biro ko sa kan’ya kaya nakatanggap ako ng batok, ang sakit! “Ang aga-aga Mahal, bunganga mo!” nakangusong sabi ni Sabrina. “Napaka-conservative naman ng misis ko,” natatawang sabi ko. “Ewan ko sa’yo!” nakangusong sagot pa rin n’ya sa’kin. “Sorry na! Dali na kiss na at aalis na ako,” lumapit naman s’ya sa akin at hinalikan ako sa labi ng mabilis. “Ingat ka,” tumango ako tapos kinabig ko s’ya palapit sa akin para yakapin. “I love you,” sabi ko. “ I love you too, sige lakad na at baka ma-late ka pa,” sagot n’ya sa’kin at kumalas sa yakap ko. “Sige, ba-bye na,” sagot ko, naglakad na ako palabas ng bahay kasama si Sabrina, gusto n’ya kasi na lagi akong hinahatid kapag aalis ako, hindi ‘yan papasok sa loob ng bahay hangga’t hindi nawawala sa paningin n’ya ang kotse ko. Dati sabi ko ‘wag na n’ya akong ihatid pa dahil hindi naman ‘yon kailangan, pero tipikal na Sabrina hindi ka mananalo sa gusto n’ya kaya hinayaan ko na lang, kasiyahan na n’ya iyon. Bumusina ako bago pasibadin ng mabilis ang kotse, med’yo malayo na ako pero tanaw ko pa rin s’ya sa side mirror ng kotse ko. Habang tinitingnan ko s’ya ngayon napaisip ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin s’ya matanggap ng pamilya ko, sila ng anak ko. Mabait at mapagmahal na asawa at ina si Sabrina, wala kang maipipintas sa kan’ya sa bagay na iyon. Hindi rin naman s’ya papahuli sa ibang mga babae dahil kung sa ganda at ganda rin lang ay maganda s’ya, na kahit nanganak na ay hindi mo ‘yon mahahalata sa kan’ya dahil sobra pa rin ganda ng hubog ng katawan n’ya, kaya nga sinabi ko kanina na hindi lang luto n’ya ang masarap at pati rin s’ya. Mabalik tayo sa issue ng hindi pagtanggap ng pamilya ko kina Sabrina, kahit gano’n ang trato ng pamilya ko sa kanila wala kang maririnig na reklamo sa kan’ya, never s’yang nagsalita ng masama tungkol sa pamilya ko. Kapag ini-open ko naman ang tungkol sa bagay na ‘yon ang sabi n’ya ay ayos lang daw at sanay na s’ya, pero sana naman daw kahit man lang iyong anak namin ay tanggapin nila at ituring na apo. Masaya na raw s’ya roon. Hay! Ewan ko ba naman sa pamilya ko at pati anak ko ay dinadamay nila. Kaya lalo tuloy nadadagdagan ang hinanakit ko sa kanila dahil gano’n nila tratuhin ang anak ko. Isa rin sa dahilan ang pamilya ko kung bakit hindi ko pa rin maalok ng kasal si Sabrina hanggang ngayon, kahit nasa tamang edad na kami, noon panahon kasi na nabuntis ko s’ya ay pareho pa kaming minor kaya hindi kami naikasal, kaya ngayon na nasa tamang edad na kaming dalawa gusto ko sana na bago ko s’ya ‘ayain magpakasal ay tanggap na sila ng magulang ko, mas masaya kasi kapag gano’n. Alam ko naman na naiisip din ni Sabrina ang tungkol sa kasal, hindi lang n’ya tinatanong dahil sabi ko nga sobrang bait n’ya, hindi ko naman masabi o ma-open na ang gusto ko kapag nagpakasal kami ay okay na ang lahat, pero sa tingin ko dahil sa kilos ni Mommy ay mukhang malabo na mangyari ang bagay na ‘yon, malabo pa sa sabaw ng adobong pusit! Nakarating na ‘ko sa kompanya na pinapasukan ko ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Naaawa na kasi ako sa asawa ko, lalo na doon sa nangyari noong nakaraang linggo sa birthday ni Tristan, para akong dinurog ng makita s’yang umiiyak na naman dahil sa narinig n’ya na mga sinasabi ni Mommy. Napahinga ako nang malalim bago bumaba ng kotse dahil sa mga naiisip ko. “Morning Sir,” bati sa akin ni Manong guard, ‘yong isa na kasama n’ya na guard ay nakangiti lang sa akin. “Morning,” sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 10th floor, doon kasi ang office ng department namin. Hindi naman loaded ang elevator ng sumakay ako, infact ang luwag pa nga dahil siguro halos lahat ng mga empleyado ay nasa kanila ng puwesto, malapit na kasi ang office hours, mabuti na lang talaga at hindi ako na-late. “Good morning Sir,” bati sa akin ng mga kasama ko sa marketing department ng makita akong dumating. “Morning,” dumeretso na ako sa loob ng opisina ko. Sa department namin dalawa lang kami na may bukod na opisina, isa sa akin bilang Marketing Manager at isa kay Sir Lucas Perez our Marketing Director. Pagpasok ko sa loob ay naupo na ako para magsimula na ng aking trabaho. Binuhay ko ang computer ko at pumunta sa files ng mga sales namin noong nakaraan na anim na buwan matapos namin na magpalabas ng mga campaign add sa TV. Mukha naman maganda ang naging resulta dahil umangat naman ng 30% ang sales ng kompanya. Busy ako sa kung ano-ano ng may kumatok sa pinto ng office ko. “Come in,” pumasok ang aming Marketing Director. “Good morning,” bati ni Sir Lucas ng pumasok sa loob ng opisina ko. “Good morning Sir, bakit po?” tanong ko sa kan’ya dahil bihira naman s’yang pumunta rito sa opisina ko. “Sasabihin ko lang sana sayo na maglalabas ang kompanya natin ng bagong produktong sabon para sa mga bata, so I need you to make a plan or strategy para bumilis agad ang sales ng bagong produkto natin,” sagot n’ya, nakaupo na s’ya sa upuan sa harap ng lamesa ko. Ang kompanya namin ay kilala sa paggawa at pagbebenta ng mga hygiene products like soap, shampoo, etc. Hanggang sa ibang bansa ay nag-e-export kami ng mga produkto namin. “Okay Sir, ano naman pong magiging pangalan ng sabon natin ngayon?" tanong ko. “Tender love, ikaw na mag-set ng meeting sa ating mga staff lalo na sa marketing strategies,” sagot n’ya sa’kin. Tumango ako, “Sige po Sir, magkano naman po ang budget na ibibigay sa atin ng kompanya para sa mga ad at iba pa?” muli kong tanong. “10 million lang, doon na kukunin lahat ng gagamitin sa materials and advertising, kaya galingan mo ang pagba-budget,” biro ni Sir sa akin na ikinatawa ko. “Sige ako’y aalis na dahil may gagawin pa ako, pinuntahan lang talaga kita para sabihin ‘yon sa’yo,” tumayo na si Sir Lucas at naglakad palabas ng opisina ko. Ewan ko ba naman sa kan’ya, puwede naman n’ya akong ipatawag sa opisina n’ya pero mas trip n’ya na s’ya ang pumunta sa akin. May bago na naman kaming produkto, magiging busy na naman ako ng sobra nito, kami palang lahat dito sa marketing department. Maggagawa na sana ako ng plano ng may kumatok muli. “May nakalimutan pala akong sabihin sa’yo Charles,” sabi ni Sir Lucas ng pumasok s’ya muli rito sa loob ng opisina ko. Nagtatanong ang tingin na tiningnan ko s’ya, naupo muna si Sir Lucas bago sumagot. “Galingan mo pala rito sa project na ito Charles dahil babantayan ng acting CEO itong project na nating ito at kapag maganda ang naging resulta ay baka ikaw ang mapiling pumalit sa akin bilang director,” sagot ni Sir sa’kin. “What do you mean na papalit sa’yo Sir?” nakunot ang noo na tanong ko. “Magre-resign na kasi ako pagkatapos ng project na ito,” nakangiting sagot n’ya. “Ha!? Bakit biglaan naman Sir?” nagulat ako sa balita n’ya. “Na-approved na kasi ang petition ng anak ko sa akin sa abroad,” sagot n’ya na nakangiti pa rin, mukhang masaya talaga s’ya na lilipad na s’ya papunta ng America. “Ah gano’n pala Sir, congrat’s po! American citizen na pala kayo!” nakangiti kong pagbati. “Hahaha.., salamat, so good luck sa ating lahat, fighting!” sabi ni Sir Lucas sabay taas ng kan’yang kamao, natawa na lang ako sa kilos ni Sir, ang kengkoy talaga. Lumabas na si Sir Lucas ng opisina ko kaya nag-umpisa na akong magtrabaho ‘uli. Naggawa ako ng plano para mapagkasya ang budget na 10 milyon. Sa laki ng gastos sa Ads, sana’y mapagkasya ko ‘yon. Maya-maya ay lumabas ako ng opisina ko at tinawag ang atensyon ng mga kasama namin dito sa department na nasa kanilang mga cubicle na nagsisilbing pinaka-office nila. “Guys meron tayong bagong ilalabas na produkto, sabon ito na pambata. At ang ibinigay lang sa ating budget para sa gagawing marketing strategy ay 10 million lang,” umpisa ko at ina-sign ko sila sa ibat-ibang nilang gagawin. “Okay na lahat? May gagawin na ba ang lahat?” tanong ko dahil baka may nakaligtaan akong bigyan ng tasks. “Okay na Sir,” sagot nila sa akin. “Okay, let’s do this para sa ekonomiya!” sabi ko kaya natawa silang lahat. Tsk! napapagaya na ako kay Sir Lucas. Bumalik na ako sa loob ng opisina ko at itinuloy ko muli ang trabaho na naiwan ko kanina. Bilang Manager ng Marketing ang daming nakaatang sa akin, ako ang mag-iisip ng promotion and positioning ng brand o ng produkto. At ako din ang bahala maghati-hati ng budget para sa ganito at sa gan’yan. Hay! Nakakasakit ng ulo! “I’m home!” sigaw ko pagpasok ko sa loob ng bahay namin, naupo ako sa sofa ng pabagsak, parang pagod na pagod ako samantalang wala pa naman kami nauumpisahan sa bagong project namin sa kompanya, puro plano pa lang lahat. “Daddy!” sigaw ng anak ko at patakbong lumapit sa akin at yumakap. “Kamusta ang baby ko?” kinandong ko ang anak ko, at hinalikan s’ya sa pisngi. “Okay lang po Daddy, napanood mo po ba yung tiktok ko kanina?” tanong ni Allie, ngiting-ngiti s’ya sa’kin. Nahumaling na ang anak ko sa tiktok na ‘yon. Ayos lang naman sa’kin basta hindi s’ya sosobra. “Hindi baby, busy kasi si Daddy kanina, mamaya panuodin ni Daddy,” malambing kong sagot sa anak ko. “Promise yan Daddy?” masayang tanong ng anak ko sa akin. “Oo, ano bang ginawa mo ngayon sa tiktok baby, sumayaw o umakting?” tanong ko sa kan’ya ‘diba may gano’n doon? Gano’n kasi yung mga napapanuod ko. Meron pa ngang parang challenge yata ‘yon na ipinapakita ang d*de nila, ang daming uso ngayon ‘wag sanang mapanuod ng anak ko ‘yong d*de challenge na napapanood ko. “Sumayaw po ako Daddy, ang galing ko nga po!” masiglang sabi ng anak ko. “S’yempre mana ka sa Daddy, dancer din si Daddy noong med’yo bata pa ako,” pagmamayabang ko. “Talaga po Daddy?” sasagot na sana ako ng sumingit si Sabrina, “Oi! kayong mag-ama, nagbobolahan na naman kayo d’yan!” lumapit s’ya sa amin, naupo s’ya sa tabi ko bago ako hinalikan sa pisngi. “Sus inggit ka lang Mahal, kasi para kang kawayan kung sumayaw!” biro ko sa kan’ya. “ Che! Hindi mo pa ako nakikitang sumayaw talaga kaya tigilan mo ‘ko!” sagot ni Sabrina sabay irap sa’kin. “Sample nga Mommy!” sabi naman ng anak namin. “Saka na baby, wala sa mood magsayaw si Mommy,” nagkatawanan kami ng anak ko dahil sa sagot ni Sabrina, pati naman s’ya ay nahawa na sa katatawa namin kaya napuno ng tawanan ang bahay namin. “Hay nako! Kayo talaga! Mahal, magbihis kana at kakain na tayo ng dinner,” sabi ni Sabrina matapos naming tumawa nang tumawa. “Bumaba ka muna anak, sumama ka na kay Mommy mo sa kitchen, magbibihis lang muna ako," ibinaba ko si Allie sa couch bago tumayo. Umakyat na ako sa k’warto at nagbihis, pagkatapos ay bumaba akong muli. Pagdating ko ng kitchen ay nakapaghain na ng mga pagkain si Sabrina, s’ya lahat ang nagluto ng mga pagkain namin, wala naman kasi kaming katulong dahil hindi na kakayanin ng budget kapag kumuha pa kami. Naupo na ako sa harap ng lamesa. “Let’s pray muna,” sabi ni Sabrina, pumikit kaming lahat at nagdasal ng taimtim. Kumain na kami agad ng matapos makapagdasal, med’yo maingay kami kapag kumakain ng dinner dahil panay ang k’wento ng anak ko. Ayos lang naman ‘yon basta hindi s’ya nagsasalita ng may laman ang bibig. Pagkatapos kumain ay nanuod muna ako ng TV sa sala’s kasama ang anak namin, si Sabrina ay naghuhugas pa ng mga plato sa kusina. “Daddy antok na po ‘ko,” sabi ng anak ko pagkatapos maghikab. “Na-wash kana ba ni Mommy?” tanong ko. “Yes po Daddy,” mapungay na ang mata na sagot sa’kin ng anak ko, mukhang antok na antok na talaga. “Okay baby, tara na sa taas para makatulog kana,” binuhat ko s’ya papunta sa k’warto n’ya at inihiga sa kama. “Good night baby ko,” hinalikan ko s’ya sa noo bago inayos ang kumot sa katawan n’ya. “Night po Daddy, good night din po kay Mommy,” nakangiti akong tumango bago lumabas ng k’warto ng anak ko. “Si Allie?” tanong ni Sabrina ng makita ako na pababa ng hagdan. “Hinatid ko na sa room n’ya, inaantok na raw s’ya,” sagot ko. “Ang aga naman antukin ni baby,” naupo si Sabrina sa couch kaya humiga ako roon at umunan sa hita n’ya. “Nakakapagod ang trabaho Mahal,” daing ko kay Sabrina. “Sorry Mahal, kung siguro sa kompanya n’yo ikaw nagtrabaho ay hindi ka gaanong mapapagod gaya ngayon,” sagot ni Sabrina, hindi nakalampas sa’king pandinig ang tono n’yang malungkot. “Iyan ka na naman Mahal, hindi ba at ipinaliwanag ko na sa’yo na sad’yang ayoko ro’n magtrabaho dahil gusto kong tumayo sa sarili ko at ayokong umasa sa kanila. Palagi n’ya kasing iniisip na kaya hindi ako sa kompanya namin nagtatrabaho ay dahil ayaw akong payagan ni Mommy na magtrabaho ro’n dahil itinuloy ko pa rin ang pagsama sa kanila ng anak ko kahit tutol na tutol ang pamilya ko. “Sorry, hindi ko lang maiwasan Mahal,” mahinang sagot sa’kin ni Sabrina. Nauunawaan ko naman s’ya kung bakit s’ya gano’n mag-isip, masyado kasi s’yang hinahamak ng pamilya ko. Bumangon ako at hinalikan ko ang noo n’ya, “Okay lang mahal, naiintindihan ko,” ngitian ko s’ya, “tara na sa k’warto, matulog na tayo.” hinawakan ko s’ya sa kamay at hinila patayo. “Thank you Mahal,” sabi sa’kin ni Sabrina na may ngiti na sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD