Matapos ang complete medications ni Laurice ay nag desisyon si Jonas na sa ibang bansa na sila muna manirahan. Para na rin sa mga anak nila at dahil din sa pakiusap ng biyenan na patakbuhin niya ang isang branch ng company sa Europe. Sa paglipas nag panahon ay naging maayos naman ang buhay nila. At habang lumalaki ang mga anak nila ay mas naging malapit si Jason sa kapatid na si James. Walang mag aakala na half brother lang silang dalawa. Kagaya na lang ngayon an paalis na sila para pumasok sa eskwelahan. “Moma, huwag ka ng mag alala kay Kuya ako na po ang bahala sa mga project niya. Easy lang yon mamaya lang ay tapos na agad ang mga yon.” “Ako’y tigilan mo Jason, baka ang mga project na yan ay sa mga babae mo pinapagawa?” “Hindi ah, ikaw talaga Moma.” “Mama Laurice aalis na po kami.”

