Hindi malaman ni Jonas kung anong mararamdaman at para siyang mababaliw. Ilang araw na niyang gustong lumipad patungong Thailand subalit ayon sa balita ay wala na sa bansa ang dalaga. At bigla ring naglaho ang balita tungkol sa nangyari dito. Kahit sa social media ay biglang nabura lahat ng videoclip na dati ay nagkalat. “Anak, huwag mo namang hayaan na talunin ka ng pighati. Kung nawalan man tayo ng balita kay Laurice ay siguradong ginawa iyon ng mga Montemayor para maprotektahan siya. Isa pa ay siguradong may taong nasa likod ng aksidenteng iyon. Dahil ayon sa huling balita ay sinadya ang pagkasira ng preno ng motor na ginamit niya.” Ilang araw na ang lumipas at hindi na siya halos natutulog sa kakaisip nangyari. Gano’n pa man maaga siyang gumayak. “Aalis ako inay pupunta ako ng Mayn