Rooftop. “Jovit Morello, ngayon anong gagawin mo magsasalita ka o mamatay ang buong pamilya mo?” “Boss wala akong alam sa sinasabi nyo, hindi ko kilala ang sinasabi nyo na Laurice Montemayor.” “Hindi iyon ang tinatanong ko bata, ang sagutin mo ay kung sino ang nag utos sa inyo na sirain ang preno ng motor na ginamit ni Seducing kaya naganap ang Aksidente?” “Boss nagsasabi ako ng totoo, wala akong alam sa sinasabi mo. Nang mga panahong iyon ay nasa probinsya ako.” Kinuha ang larawan nito at binato sa mukha at kitang kita sa mukha nito ang pamumutla. “Ano magsasalita ka o mamatay ang pamilya mo? Tandaan mo pag sumiyas ako ay walang matitira sa kahit sino sa pamilya mo!” “A-ang kilala ko lang ay si Xtian, siya ang nagsabi sa amin ng tungkol sa gaganaping competition sa Thailand.” “Sin

