Chapter 22 LHAUREN collected herself after a moment of crying. Jace was silent and just let her cry. Matapos ang isang masayang pangyayari sa kanyang buhay, heto ang kapalit. Binawi kaagad ang kanyang bahaghari at hindi niya maintindihan. Hindi ba siya pwedeng maging masaya na lang sana? Iyong wala ng kapalit ang mga masasayang nangyayari sa kanya? Mabait naman siya, mapagmahal at mapagpahalaga. All that she can do is ask silently in her mind. Nagtatanong siya kung bakit pero naniniwala pa rin siya na may dahilan ang lahat ng nangyayari. Masakit man tanggapin, kailangan niyang tanggapin. Tumikal siya kay Jace at nagpahid ng luha. Tinulungan siya nito. “Handa ka na bang bumaba? Kung hindi pa, okay lang na hanggang sa susunod na taon tayo rito.” Natawa siya bigla at nasampal ito

