Chapter 34 Playing the song: Minamahal Kita by DM Entertainment "DOES it still hurt Mr. Handsome?" biglang tanong ni Lhauren kay Jace kaya naputol ang pagmumuni niya sa nakaraan. Nakikita niya pa ito sa loob ng yate noon habang nakapiring ang mga mata at umiiyak nang tahimik. May tali ito at halos hindi makagalaw. Hanggang sa pakawalan ito ni Leica sa tabing dagat. Naroon siya. He was there all the time. Pinanood niya kung paano ito isakay doon habang nakakabit dito ang bomba. Napatitig siya sa mukha nito at ngali-ngali na niyang yakapin ito bago ito ihulog sa dagat. Hindi niya alam kung gaano kasakit iyon. Para siyang pinapatay sa bawat paghikbi ni Lhauren at isa siyang walang magawa. Pasalamat na lang din siya na kahit ganun si Leica ay may isang salita iyon. He was relie

