Chapter 28 Payapa naglalakad si Lhauren sa ospital. Tahimik ang lugar dahil hatinggabi. Unang beses na mag-duty siya na panggabi. Pang-umaga lang talaga ang gusto niya dahil gusto niyang kasama si Jadon at ang Daddy niya, pero hindi niya alam kung anong pumasok sa kukote niya at naisip niyang mag-duty sa gabi. Hawak niya ang chart at naglalakad sa pasilyo. Magra-rounds siya sa isang pasyente na nasa isang private room pero napatigil siya nang makita ang pangalan ng pasyente. Leica Arguelles Hindi nagawang humakbang ni Lhauren. Makailang ulit niyang binasa ang pangalan na iyon ng tao, hoping it would change into something new but it didn’t. Muling sumakit ang puso niya pagkakita niya sa pangalan na iyon ng tao pero inisip niyang baga nagkataon lang na kapangalan ng ate niya ang pa

