Chapter 49 PARANG tambay lang sila sa kanto na nakaupo sa isang kahoy na upuan, sa may gilid ng kalsada. Doon sila pumwesto ng lalaking kaharap niya. “Ano ba ang gusto mong malaman?” tanong ni William sa kanya. “Gusto kong malaman kung anong koneksyon mo kay Juanito Zamorra at Leica Madison,” he abruptly said and it was direct to the point. Ayaw niyang magpaliguy-ligoy pa. Gusto niya lahat ay maisabi at maitanong na niya. “saka dun sa dalawang lalaki na kapatid mo kuno,” aniya. Hindi naman niya alam kung kuno lang talaga yun. Pinalulukso lang niya ito “Sino? Yung dalawang hayop na pumatay sa Nanay ko?” galit na sabi nito kaya napatulala siya sa mukha nito. “Nanay ko talaga si Amor. Yun dalawang lalaki na yun, dumating lang bigla at sabi ay mga magpapakilala na kapatid ko.

