29

1589 Words

Chapter 29 KULANG na lang ay kapain ni Lhauren ang kanyang kaluluwa na parang tumalsik, nang hawakan siya ng pasyente sa pulsuhan. "Stop that!" puno ng angas at galit na utos nito sa kanya. Napakislot pa siya dahil sa boses nitong maawtoridad at namamalat. Parang lubog iyon. "Ah," napangiwi siya sa tindi ng pagkakahawak nito sa kanya na para bang mababali agad ang buto niya sa simpleng hawak lang nito, at nalingon niya ang lalaki sa kabila ng takot niya. She blinked. This man has those captivating eyes, yun lang ay nangangalumata ito kaya parang hindi kaakit-akit na tingnan, pero hindi maitatago na maganda ang brown nitong mga mata, na parang nagpapaalala sa kanya ng mga mata ng ama ng anak niya. Si Jace. Ang pagkakaiba lang ay matatalim ang mga mata ng lalaking ito kung tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD