Chapter 45 Natigilan si Jace nang marinig ang maliit na boses na iyon ng isang batang lalaki. Papa… Iyon ang sabi. Saan iyon galing dahil sa huling pagkakatanda niya ay si Lhauren ang bunso ni Charles Madison, yun ay kung hindi nag-ampon ulit ang matanda ng isang bata. He was so damn afraid to look at the place where that little voice came from. Alangan naman sa tyan ni Lhauren iyon galing ay di pa naman nga niya tinataniman. Nag-uumpisa pa lang dapat siya. Tumikal siya nang kaunti sa labi ng dalaga saka niya pinormal ang sarili. He looked at her teary eyes. Kanina ay hindi naluluha ang mga iyon tapos ngayon ay naluluha na. Bakit? “S-Sabihin mo sa akin na hindi ako namamalik-tainga.” demmit for his stuttering. Mayroon bang salitang malik-tainga? Mayroon at siya ang nagpauso

