Chapter 46 Playing the song: Every Woman in the World - Reyne Tulad nang unang beses na pamunta siya sa mansyon ng mga Arguelles ay ganoon din ang kaba na nararamdaman ni Lhauren ngayon, habang sakay sila ng kotse. Hindi na mabitiwan ni ang anak na kahit nagda-drive ay kalong ang bata. Kagabi ay parehas sila nitong yakap at walang tigil sa kalalapirot sa dibdib niya kahit tulog. But she noticed that she woke up from time to time. Para itong binabangungot na ewan, pero nang yumakap sa kanya ay naging payapa na ang tulog. Naaawa siya rito na sobra habang pinagmamasdan niya kagabi. Iniisip niya kung anong kahayupan ang ginawa rito ng kapatid niyang hilaw pero tapos na iyon dahil patay na si Leica. Ibinalik niya ang isip sa kanyang mag-ama. Siya ang naiilang sa pagmamaneho nito hab

