Dare

1974 Words
  Chapter 1 Dare May isang oras na akong nakaupo sa mahabang silya  katabi ang kapwa aplikante. Sampung katao pa ang hihintayin bago ako tawagin. Haayy... Kumakalam na ang sikmura, at uhaw na uhaw na rin. Kailangan kong pagtiisan ang lahat ng hirap at pagod. Wala akong karapatang magreklamo. Hindi ako pupuwedeng umuwi sa probinsiyang walang dalang magandang balita. Sobrang nakakaahiya kay Nanang. Kahit pamasahe ko inutang niya lang sa tsismosa naming kapitbahay  makaluwas lang. Nadagdagan ang pagod ng maalala ang tsismosang kapitbahay. Napapaismid. Inilibot ko ang paningin sa mahabang pasilyo. Mayroong ilang empleyadong mabilis na naglalakad, tila naghahabol ng oras. May matandang hawak sa kanang kamay ang mop. Napatango-tango pa ako. Makintab pa naman ang sahig na inaapakan maglilinis na naman ba siya ulit? Isang linggo na ang lumipas ng lumuwas ng Maynila. Isang linggo na ring pabalik-balik na naghahanap ng matinong mapapasukan. Ka-ka-graduate ko lang, fresh graduate kumbaga. Associate in computer secretarial ang natapos ko. Sana matanggap na ako sa kompanyang to, kahit na hindi sa posisyong papasukan. Kahit na,  janitress na lang okey na, susunggaban ko na. Ayaw ko lang talagang umuwi sa probinsiya ng walang napapatunayan. Nakita kong bumukas ang pintuan at lumabas ang isang sexy at magandang babae. Napanganga ako sa tindig at ayos noong babae. Isa rin ba siya sa mga aplikante? Bakit ganun? Bakit ang iksi ng palda niya? Tapos, bukas pa ang tatlong botones ng blouse niya, halos makita na yong kaumbukan niya. Kasama ba yan sa pag-aaply? Kung 'yan ang batayan upang makuha ang ninanais na posisyon... Napabuntong-hininga ako. Lihim na sinisipat ang sarili.. Puting long sleeves ang kasuotan.Nakasara ang lahat ng butones ng blusa, mahaba rin ang paldang suot, umaabot ito sa aking tuhod. Pero pansin ko, bakit iyong ibang aplikante animo'y mag-aaply sa modelling agency? Makakapasa kaya ako? "Next!" Sigaw nung buntis na babae. Halata na ang kaumbukan ng kanyang tiyan.  Siya marahil iyong sekretaryang papalitan. May pumasok ulit, sexy din. Bago tuluyang pumasok sa silidi kung saan nagaganap ang interview nag-ayos muna ito. Halos maligo na siya sa dami ng pabangong inilalapat sa katawan. Napangiwi ako sa iniasta noong matangkad at magandang babae. Kulang na lang ibuhos niya sa buong parte ng katawan ang pabangong dala. 'Diyos ko parang lahat sila, handang-handa ako lang yata ang hindi..' Napabuntong-hininga ako siyam na lang.. After thirty minutes sumigaw ulit ng next! Kinakabahan kong itinuro ang sarili. Ngumiti ang babaeng buntis. Tumango at iminuwestra ang nakabukas na pinto. Wala pa bang natatanggap na bagong sekretarya o janitress? Sa dami ng nag-apply wala pa rin ba? 'Di kaya pihikan iyong may-ari? Anu-ano kayang mga qualifications ang hinahanap niya? Kabado akong tumayo. Pilit iniignora ang kabang lumulukob. Pakiramdam ko hinahalukay din pati ang sikmura sa sobrang kaba! Hinawakan ko ang door knob ng pinto. Kinakabahan ako, pero gagawin ko ang lahat matanggap lang. Bago ako tuluyang pumasok nagsalita si Miss buntis na maganda.. "Good luck.." Nakangiting saad ng babae. Ba't parang ang bait niya? Nginitian ko na lamang siya at pilit na Inaalis sa sistema ang nag-uumapaw na kaba. Clyde's p.o.v. I sighed heavily.. Kulang na lang sumigaw ako sa frustration. Maraming aplikante. But most of the applicants were not serious about the job. They are applying not because they wanted the position but.. to get my attention. Kung puwde ko lang bulyawan ang bawat nagpapansin ginawa ko na, but no. I don't do such thing. I'm ruthless only in bed not in an interview. I hear the door knob's sound. Another applicant.. another stress. Halos isang linggo na akong naghahanap ng papalit kay Natasha bilang secretary. Buntis kasi siya at mabilis na siyang mapagod, at ayokong ako ang maging dahilan ng paghihirap niya. Very stressful din kasi ang trabaho, at saka malaki na rin ang tiyan niya. Natasha's the best Secretary I ever had. Why? Because we became good friends, nagkakatampuhan minsan pero nagkakaayos din naman kaagad. Hindi ako nag-abalang tingnan ang bagong pumasok. I was busy scanning my phone. I swear, kung katulad lang din siya noong mga naunang aplikante, mas mabuting umalis na lang din siya. Lahat kasi ng aplikante walang ibang ginawa kundi ang magpa cute at i-seduce ako. Yeah, I admit I am a womanizer, a player. But, in terms of work and businesses. I'm a very strict boss. Nakita ko sa gilid ng mga mata ang maliliit na paa ng babae. Wait.. Was she still standing? And wait again, she didn't have a nail polish? Unlike those other applicants? Tumikhim ako at dahan-dahang ini-angat ang tingin, only to find out na, nakatayo pa rin pala talaga siya--- hawak ang brown envelope which is her requirements... I guess. Tumikhim ulit ako. Bakit hindi siya umupo? Weird, kasi iyong mga naunang aplikante hindi pa man ako nagsasalita umuupo na kaagad at panay pa ang pang aakit sa akin, samantalang itong babaeng ito---? "Please sit down," Hindi ko alam kung bakit ko pinag-aaralan ang bawat kilos niya. Kung paano niya ihakbang ang mga paa niya palapit sa upuang iginaya ko sa kanya,  kung paano niya ipikit ang mga mata, kung paano ko sinusundan ang bawat paghinga niya, at kung papaano niya ako titigan.. Hindi ko matukoy kung ano ang nasa isipan niya. "G-good morning po Sir," Tumango ako bilang tugon. Wala sa sariling pinagmamasdan ko ang kasuotan niya. She's wearing a white long sleeves paired with her skirt. Umabot ito sa kanyang tuhod. I cleared my throat to divert my attention. Still, staring at her very closed and tight clothes. Damn it! Wala akong masisilip sa pagkakasara niya ng maayos ng kanyang blusa.. Well, at least mayroong isang aplikanteng naiiba ngayong araw... I should start asking her now! "May I?" Tukoy ko sa ressume niya. Alanganin siyang ngumiti sa akin bago iniabot ang hawak na long brown envelope. Kaagad ko namang kinuha mula sa loob ang ilan sa mga requirements niya which is included the ressume. Umayos ako ng upo at muling tiningnan ang bagong aplikante. Nakipag eye-contact siya sa akin. She's not flirting with me.. She's serious about the job.. "So Marcelina tell me about yourself.." Medyo ngumiwi siya ng banggitin ko ang buong pangalan niya.  I fake a cough just to control the smirk. Marcelina's p.o.v. "Marcelina Calderon po, twenty-two years old. Five-two ang height. Bunso po ako. Dalawang anak lang po kami. Ako at si Kuya Ethan, kaso may asawa na si kuya----" "Just yourself," 'Mali pa yata ang naisagot, hindi nagustuhan ang kadaldalan ko.' Natahimik ako bigla.. 'Utak gumana ka naman, kailangan kita ngayon.. Tila naparalisa ang utak. Pilit akong ngumiti sa lalaking kaharap. Na tense kasi ako bigla. Kahit sino kakabahan sa klase ng paninitig niya. Sobrang gwapo din niya, nakakabato-balani ang kanyang hitsura. Kung sinuman ang nasa sitwasyon ko, mapapanganga talaga, at maglo-loading din ang utak. Maiihi rin sa sobrang kaba. Lalo na kapag dumapo na ang kanyang mga mata at papasadahan ka pa ng blangkong ekspresiyon. Napalunok ako.. Diyos ko, mata pa lang ng lalaking ito nakakapanghina na.  Mahaba ang kanyang buhok, na nakadagdag lamang sa kanyang karisma. Nakalugay ito, panaka-nakang isinasayaw ang malambot niyang buhok sa, tuwing may naliligaw na hangin. His cold stare was too intense nakakapanlambot ng mga tuhod. Matangos din ang kanyang ilong. His lips were red. He has this perfect jaw. Anak ba to ni Poseidon? O ni Athena? O ni Hercules kaya? Ang lapad ng katawan.  Nakatitiyak akong matangkad din siya, halata kasi kahit na nakaupo lamang siya. Napaka masculine din ng aura niya. Nakakapagpapababa ng self-esteem. Makalaglag panga naman ito. Kaya naman pala kanina iyong ibang mga aplikante parang mag-aaply sa modelling agency. Naipilig ko ang ulo. Trabaho ang kailangan ko at hindi ang akitin ang lalaking ito, at isa pa hindi naman ako katulad noong mga naunang nag-aaply no? "So?"  Untag niya sa akin. Ano ba yan, ang lampa-lampa ko naman. Ba't ba ako natutulala. Pansin niya kaya? "Fresh graduate po ako, matataas po 'yong grades ko lalo na po sa major subjects ko.." Ano bang pakialam niya doon? Mas lalo pang na blangko ang utak ng tumunghay siya sa akin.. Kumusta naman kaya ang hitsura ko? Hindi kaya ako mukhang gutom na gutom? O iyong buhok ko ba maayos pa? Baka naman mukhang pugad na ito ng ibon.? Tumitirik ang mga mata sa imahinasyon. Pero sa harapan ng gwapong nilalang na ito, lutang na lutang naman ang diwa. "Galing po ako sa malayong probinsiya at amm---" Sasabihin ko ba talaga ito? Oh my gulay----? Pikit ang mata upang hindi makita ang kanyang reaksiyon. "No boyfriend since birth po," Ay nangiti siya.. nangiti ba talaga siya? Imahinasyon ko lang yata. Dahil senegundahan na kaagad ang tanong. "What do you consider your greatest achievements?" Ano nga ba? Bigla kong naalala sina Nanang pati na rin si Kuya Ethan. "Iyung natapos ko po ang pag-aaral ko, scholar lang po kasi ako e, pinagsasabay ko po ang pag-aaral sa trabaho ko. Kahit na mahirap po kinaya ko naman. Gusto ko kasing matulungan sila Nanang ko, sabi ko po sa sarili ko, kapag natapos na ako sa pag-aaral, makukuha ko na ulit yung lupa namin. Nakasanla po kasi.." Sana naman tumama ako. Sana malaking puntos iyong pagsasabi ng totoo. Nakakawala kasi sa sarili iyong paninitig niyang sobrang lamig. "Why should I hire you?" Naghihintay siya sa isasagot ko. Kabadong-kabado na ako, maitatama ko pa ba ito?  Sa tuwing napapatingin ako sa gwapo niyang mukha na ba-blangko utak ko.. Pasimple akong nag-iwas ng tingin. "Hardworking po ako, loyal, honest, at hinding-hindi po ako ma-iinlove sa inyo." 'Sinabi ko ba talaga yun?' Nakakahiya... Ngumisi siya--- Wala sa sarili akong napakamot sa batok. Good luck na lang sa akin, hanap na lang ng panibagong kompanyang pag-aaplayan ko. "That would be all for the day, Thank you Miss Marcelina Calderon for applying the job, wait for our call..." Aasa pa ba ako? Ayan na yung sikat na linyang 'wait for our call', sus pampalubag loob lang naman 'yan sa lahat ng mga aplikanteng nag-aaply. Binigyan ko siya ng isang simpleng ngiti. At least sa lahat ng mga pinag-aplayan ko, siya lang yata ang hindi na bored sa akin, at hindi rin masyadong nakakatakot, oo naroon pa rin sa aura niya ang awtoridad. Kailangan niyang pangalagaan ang posisyon niya at naiintindihan ko naman siya. Tumayo na ako sa kinauupuan. "S-salamat po sir sa time." Nangingiti akong tumalikod. Narinig ko iyong sagot niya. "Welcome.." Ang sarap pakinggan ng boses niya. Nakakapanggigil.. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Mahirap na at baka mabigla ko 'to. Sa ayos ko ngayon? Naku, baka mukha na akong zombie sa ngarag na hitsura. Totoo ba ang nakikita ko nakatitig siya sa akin? Gusto ko sanang kurutin ang mukha ko kaso, baka pagtawanan naman niya ako. "Yes?" Kunot-noong saad niya. "Amm.. Sir, kahit hindi na po ako pumasa sa inaaplayan kong posisyon, okey lang po. Pero Sir, kahit janitress na lang po sana pumasa ako sa inyo. Kailangan ko lang po talaga kasi ng trabaho.." Pagkatapos kong sabihin yon, kaagad din akong tumalikod. Walanghiya, para akong kandila na unti-unting nauupos sa kahihiyan. Sobra akong nanliliit sa sarili ko. Saktong hawak ko na ang door knob nang... "Don't be late tomorrow, come early. Eight a.m. sharp." Noong pagharap ko ulit sa kanya, iniikot-ikot niya ang hawak na ballpen sa daliri niya. "Seryoso?" Tapos huminto siya sa ginagawa niya. "Do I look like I'm joking here?" He said with his cold aura. Nagsasalubong ang mga kilay. Hala napikon yata. Nginitian ko ulit siya, iyong ngiting aabot sa tenga... "S-salamat po." Halos mangisay na sa galak. Kontrolado ang boses na 'di mapakawalan ang sigaw. "Well, don't." Pinipigilan ko ang ngisi. Sige, okay lang na magsungit ka supladong mama.. Sumasayaw na ako sa imahinasyon.. hirap na hirap sa kanyang harapan na pigilan ang totoong nararamdaman. "Just promise me one thing," Istrikto niyang saad sabay kunot ng noo. "Ano po 'yon?" Parang tangang tanong ko. "Don't you dare fall inlove with me.."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD