Si Mr. Quizon, Si Vladimir, O Si Boss?

1489 Words
Chapter 5 Si Mr. Quizon, Si Vladimir, O Si Boss? Tahimik kong binabasang muli ang schedule ng meetings na kailangang madaluhan ngayong araw ni Sir Clyde. Naisulat ko na rin ng maayos, kung anong oras at kung sinu-sino ang mga taong kanyang pauunlakan. At sa lahat ng meetings na yun syempre kasama ako. Ito ang unang araw ko bilang 'Personal Alalay niya.. este Assistant "daw" niya, at pangalawang araw ko naman bilang secretary niya. Sa totoo lang, nakakapagod pa lang pagsabayin ang tungkulin ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako, masaya nga ako at sobrang malaki ang pasasalamat ko kay Sir kasi, tinanggap niya ako hindi lang bilang sekretarya niya ngunit maging P.A. na rin niya. Ibig sabihin, buong-buo ang pagtitiwala niya sa akin. Subalit na-pi-pressure ako, natatakot akong di ko ma meet ang expectations ng boss ko sa akin. Natatakot ako na baka isang pagkakamali ko lang patalsikin niya na agad ako sa puwesto ko. Madali lang naman kasi para sa kanya na gawin ang bagay na yun. Napabuntong-hininga ako. Ki-aga-aga puro negative agad ang sumasalubong sa akin. Naku, wag lang talagang may pumuntang babae dito ngayon ni Sir, baka di ko sila ma tantiya at mapatulan ko pa. "Any problem?" "Ay problem..!" Nagulat naman ako kay Vladimir. Ano na naman kaya ang ginagawa nang lalaking to dito? Wala ba itong pinagkakaabalahan at parating nagagawi rito?  Kung ang sadya niya ay si Sir, hindi ko naman siya pipigilan. Hindi naman kasi siya na ka "ban". Pero ayon kay Miss Natasha isa siya sa 'Most Avoided Person? E? Parang hindi naman. Wala akong makitang ganun kay Vladimir. Sa katunayan nga, magaan ang loob ko dito e.. idagdag pang pinsang buo ito ni Sir Clyde. Kaya, papaanong nasali siya sa 'Most Avoided Person List? Naipilig ko ang ulo ko. "Baka naman tumanda ka ng maaga diyan, panay ang buntong-hininga mo a." Tumingin ako sa mukha niya. Kung sa ka-gwapuhan lang naman, hindi naman magpapahuli itong si Vlad. Gwapo din siyang, katulad ni Sir Clyde. Ang pinagkaiba nga lang, sa tingin ko lang naman. Bukod kasi, sa gwapo na si Sir Clyde..ay mali.. Sobra-sobrang gwapo pala ni Sir Clyde, ay malakas din ang s*x-appeal nito. Mayaman pa.. Binata.. Mayaman din ba itong si Vlad? E? Social climber lang? Ano ba itong pinag-iisip ko.. No..no..no..no..no..no.. "Nasa loob si Sir, pasok ka na lang." "Hindi naman siya ang pinuntahan ko dito," Maikling tugon nito at tumingin sa akin. Napaisip ako. "Can we go out for a lunch? It's not a date, gusto lang talaga kitang makilala." Kaya siguro ito nasali sa Most Avoided Person, duma-da-moves e.. Napailing ulit ako.. "May lunch meeting si Sir," Walang ganang sagot ko, habang nakatutok ang mga mata sa laptop. Sa totoo lang tapos na naman ako sa mga gawain ko. Naghihintay na nga lang ako sa pagtunog ng intercom. Kapag tumunog yun, paniguradong bagong utos na naman yon. Nagkukunwari na lang ako para isipin ni Vlad na busy ako at nakaka-abala siya, pero manhid yata ang isang to at walang balak na umalis. "E, ano naman? Hindi naman siya ang niyayaya ko, kung di ikaw," "Ipagpaalam mo ako sa kanya," Tanging nasabi ko. Panigurado namang hindi niya gagawin yon. Takot niya lang sa pinsan niya. "Okay," Bilugan ang mata ko oo inaamin ko. Pero mas lalo pa yatang namilog ng pumasok sa loob ng opisina ng boss ko si Vlad. 'Ano ba yan, ginawa naman ng mokong patay!' At yung dating pudpod na mga kuko ko mas lalo pa yatang mapupudpod ngayon sa ka-nga-ngat-ngat ko.. Naman o! "Hi good morning!" Taranta kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.. mabilis ko ring pinakawalan ang mga kamay kong nginangat-ngatan ko ng kuko  sa daliri. Bakit ba puro gwapong nilalang ang nakikita ko ngayon? Una, si Sir Clyde. Pangalawa, si Vlad. Tapos itong lalaki namang kaharap ko na nakangiti pa sa akin? Haiist.. Ang gwapo niya! Artista ba siya? Mula sa brown eyes niya bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong hanggang sa mapupula niyang mga labi. Diyos ko! Magkakasala pa yata ako ngayong araw. Patawad po.. "G-good morning din po.." tumuwid ako ng upo. Kahit malayo ako sa kanya amoy ko ang mamahaling pabango na ginagamit niya at in fairness hindi masakit sa ilong ang perfume na gamit niya. Nagkatitigan kami nung lalaki.. Ngunit pakiramdam ko, pati yata bituka ko nag-aalburuto sa tuwing magtatama ang mga mata namin. "Pangalan po Sir..?" Nailang ako. Pakiramdam ko, hindi na secretary o Personal Assistant ang trabaho ko dito e, kung hindi isang hurado. Nasa modelling agency ba ako? O nasa pa-po-giang search? Haisst.. Sinimulan kong buklatin ang lecture ko, kung saan naglalaman ang mga pangalan ng mga taong nasa Ban-List o hindi. Tumikhim muna ito bago sumagot at muli akong tinitigan. 'Ba yan para naman akong malulunod sa klase ng pagkakatitig niya sa akin. Napalunok ako. Nakakatakot naman ang isang to. Hindi ko na gusto ang ginagawa niya a, pakiramdam ko hinuhubaran niya na ako sa klase ng pagkakatitig niya sa akin. "Lance. Lance Quizon." Mabilis kong hinanap ang pangalan niya. Wala ang pangalan niya sa Ban'S list. Ibig sabihin, mabuting tao ito at pasado ito sa standards ng boss ko. At in fairness marami siyang negosyo. Paranoid lang siguro ako. His name was on the fifth place..clothing line ang business nito and restaurants maraming branches. "Nasa loob po si Sir, pasok na lang po kayo." "Can we go out for a lunch?" Scripted? Gaya-gaya lang kay Vlad? Ba yan, pinagti-tripan ba ako ng mga lalaking to? Bulag ba sila? Kumpara sa mga empleyadong narito, ano bang panama ko? Long sleeves at hanggang tuhod na palda lang naman ang sout ko, nakapusod pa ang buhok ko.  Well.. presentable at very appropriate naman as a secretary. Pulbos at lip gloss lang ang inilagay ko sa mukha ko. E? Ano bang nakita nila sa akin? Kaya malamang nga pinagti-tripan nila ako. Nagulat ako ng tumunog ang intercom. Sabay pa kaming napatingin doon ni Mr. Quizon. "S-sir?" Patanong na saad ko. "Come inside." Yun lang at naputol na. Mariin kong ipinikit ang mga mata. 'Patay.. sinabi na kaya ni Vlad? E, hindi naman ako seryoso sa sinabi ko e. ------------------- Marahang bumukas ang pinto at iniluwa mula roon si Marcelina at-- At.. Wait., Si Lance? Damn! Nakalimutan kong pupunta nga pala siya ngayon. Wala ako sa mood na pag-usapan ang mga babae niya. "S-sir, si Mr, Quizon nga po pala---" "Yeah I know. I'm expecting him." Putol ko sa sasabihin niya. Kahit nakapusod lang ang buhok niya lutang pa rin ang angking kagandahan ng babaeng ito. And she doesn't have a make-up, mas lalo tuloy lumabas ang ka-inosentehan niya. Tuluyan siyang pumasok kasunod si Lance. Lance's not only my business partner. He's my best friend too.. since college days. Bullshit! Matinik din to sa babae. Hindi kaya? God, Bakit nga ba ako nangangamba? E, may sariling pag-iisip naman itong si Marcelina. "You have a beautiful secretary.." Panimula ni Lance. Shit!  Sabi na e. "I asked her to go out for a lunch with me.." Ano? Siya rin? Tinapunan ko ng tingin si Marcelina, nagkatitigan kami, ngunit kaagad siyang umiwas ng tingin. Ano bang nakita ng dalawang lalaking to sa kanya? Ni hindi nga sexy, flat chested pa, tsk! "Wait, I ask her first," Singit naman ni Vlad. Damn! Baka dito pa sa loob ng opisina ko magsapakan ang mga babaerong to. Nakita kong pasimpleng ngumisi si Lance. Kilala ko yan, hindi magpatatalo ang isang yan. "Let her decide," Sabi pa ni Lance sabay sulyap kay Marcelina na biglang namutla. Nangamot na naman ito sa ulo niya. That's her hobby, tapos tumingin sa gawi ko. Hindi ko alam pero biglang may kumalabog sa kaloob-looban ko. Like s**t! Holy s**t! Am I? Hell no! "So, Marcelina?" Pukaw ni Vlad, hindi lang kay Marcelina kung 'di pati na rin sa akin.. Tahimik ko kasing pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Tahimik na hinihintay ang magiging kasagutan niya... "S-sorry," Kagat labing saad niya. What? Really? She said sorry? Does it mean..? Tang ina! Bakit ba ako nangingiti? "S-sorry, wala akong sasamahan sa inyong dalawa." Namumulang wika nito.  Tinitingnan ko ang reaksiyon nina Vlad, lalung-lalo na ang reaksiyon ni Lance. No one dares to refused his offer, ma pride itong si Lance. "Can you tell me why?" Lumapit ito kay Marcelina. "D-dahil hindi naman ikaw ang boss ko o sino man sa inyo ni Sir Vladimir. Hindi ako pu-pwedeng lumabas na lang basta ng hindi sinasang-ayunan ni Sir. At isa pa, hindi lang naman ako secretary niya, personal assistant din niya ako---" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil biglang sumabat si Vlad, isa pa to e. "What the hell! It's supposed to be your lunch break." Tapos biglang tumalikod sabay sara ng pinto. Medyo malakas ang bagsak niyon. Bad trip yun. I keep on smiling. Damn.. Nagtama ang paningin namin ni Lance, and he gave me a smirk. Yeah he smirk, What the f**k! Anong iniisip niya? Go to hell dude!        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD