The Hug

813 Words
Chapter 7 The Hug Nakakasampung baso na ako ng brandy na iniinom ko, ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin maramdaman ang epekto ng alak. Kumpara kasi sa yakap ni Marcelina mas pinanghihinaan ako ng tuhod. Sa tuwing naaalala ko ang yakap ng babaeng 'yon. Simpleng yakap lang naman yun. Ni hindi ko nga tinugunan.. But damn! It keeps running on my mind. Bakit sobrang lakas ng epekto sa 'kin ng yakap niya? Inilapag ko ang baso sa mesa. At inilibot ang paningin sa kabuoan ng lugar. "Something's bothering you?" Nakangiting saad ni Lance, katatapos lang nito makipagsayawan sa isang babae, halatang enjoy na enjoy sa company niyon. We're in the bar, --- Tumikhim ako at nananatiling tahimik. "C'mon dude, you can tell it to me.. tungkol ba sa business yan? O baka naman may bagong babae kang nakilala? Care to share? Tinamaan ka ba?" Minsan, nagsisisi ako sumama kay Lance. Ang daldal kasi nito lalo na 'pag tinatamaan na ng alak. Minsan naman, hindi ko gusto ang mga lugar na pinagdadalhan niya sa akin.. Tulad ngayon, masyadong destructive ang iba't-ibang kulay ng ilaw. Nakakahilo.. Ang pa-pangit pa ng mga tugtug. Sana pala hindi na lang kami lumabas. O baka naman bad trip lang talaga ako. Kaya hindi ko ma-appreciate ang lugar na to? Sa totoo lang, maraming beses na kaming nagpabalik balik rito. Iba't-ibang babae na rin ang nakasalamuha ko.. Last month, isang international model ang nakilala ko and don't ask what happened next., The woman was liberated. She's too clingy kaya bago pa man siya tuluyang mahulog sa 'kin, Iniwasan ko na kaagad.. Kung anu-anong alibi ang ginawa ko hanggang sa bumalik na ito sa ibang bansa para ipagpatuloy ang trabaho. "Kung sino man yang iniisip mo, tama na. Di ka ba naawa dun?" 'Anong pinagsasabi nito?' "Malamang pagod na yon," Sinundan ng malakas na tawa iyon ni Lance. "Stop talking nonsense," Kunot-noong sabi ko. "Kasi kanina pa siya tumatakbo diyan o," Tinuro niya pa talaga ang gilid ng ulo ko. "Gago," Sabi ko na lang. "E, sino ba kasi yan?" "It's none of your business," Ang gago tumawa lalo. "But you know what, your secretary--" "What about her?" Putol ko sa sasabihin niya. "I like her," Walang gatol na sabi niya. Patay malisya ko siyang tinitigan. "Can I court her?" Seriously? Ano bang nakita niya sa babaeng yon. Dire-diretso kong nilagok ang alak.. gumuhit ang init niyon sa aking lalamunan. "Can I?" Ulit ni Lance, ng inilapag ko muli ang baso sa mesa. "Don't ask me. Instead ask her, it is not my decision anyway. "Sa tingin ko kasi na- ka depende siya sayo. Lahat ng desisyon niya kailangan may approval galing sayo.." "Will you cut that? She's an adult now, whatever her decision is, won't affect me.." Won't affect pala ha? E, bakit malakas ang pagkakasabi ko niyon sa mukha ni Lance? Damn!  Bakit ba bigla-bigla na lang umiinit ang ulo ko. "Easy dude, I'm just kidding here,." Sinabayan pa niya ng iling,. Halata sa mukha ang pagpipigil ng ngiti. Mas lalo lang ako nababadtrip sa mga ikinikilos niya. Lalong nag-iinit ang pakiramdam ko. Halo-halu na ang nararamdaman ko. Mula sa yakap ni Marcelina, sa destructive na ilaw,. the hell with that lights! Sa pangit na tugtog mula sa bar at sa mga pang-aasar ni Lance. Gustong-gusto ko na talaga siyang sapakin.. nagpipigil lang ako. Napahigpit ang hawak ko sa baso. Sobrang higpit na halos madurog ko na 'to. "Don't you dare make fun of my secretary.." My jaw clenched.. "Kailan ka pa naging concern sa mga babaeng popormahan ko.. Don't tell me---?" "I said, cut the crap! Damn!" Halos maputol ang litid ko sa sobrang lakas ng boses na pinakawalan ko.. Kinwelyuhan ko siya. I was about to punch him, ilang pulgada na lang ang pagitan ng kamao ko sa mukha ni Lance. But realization hits me! He's my friend for God's sake! I was about to punch my best friend. Fuck! What is happening to me? Bumuntong-hininga ako. Nahahapong isinandal ang likod sa malambot na couch. "Confirmed. You're attracted to her." Sinulyapan ko siya. This time seryoso na ang mukha niya. Good thing, at hindi mapag-tanim ng galit si Lance. But wait? What did he just said? Attracted ako sa Secretary ko? Hell, no way! "Baka naman sumabog yan. Mahirap na. At isa pa pakiramdam ko, hindi lang ako ang ka-kompetensiya mo. Huwag mong kakalimutang matinik din sa babae ang pinsan mo. Ikaw din. Kasi ako, dahil magkaibigan tayo. Seeing your reaction like that,." He paused, at ngumisi bago nagpatuloy. "... na bago sa paningin ko, magpaparaya na ako sayo. Good luck na lang sa inyo ni Vlad." Ngumisi pa siya sa akin bago inayos ang kwelyong nalukot sanhi ng ginawa ko. God, ganun ba yun kahigpit para malukot ang kwelyo ng polo shirt na sout niya? This is bullshit! Damn that woman! And damn that hug!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD