Chapter 10 3rd Person's POV "B-Bakit nga ulit tayo nandito?" tanong ni Adriel pagbaba ng sasaktan. Nagtaraasan kasi bigla ang balahibo niya sa katawan matapos makita ang ilang tauhan na nagkalat sa paligid. Ang iba doon ay mg karaniwan lang na mga tauhan— hindi iyon pinagtuunan ng pansin ni Adriel pero kakaiba ang dalang presensya ng mga tauhang nakapaligid sa area na kinatatayuan nila. "Wow! Ang laki! Look Jullie! Hindi ba ito iyong mansyon na pinuntahan natin last time?" tanong ni Lindsay habang hinihila ang laylayan ng suot na sleeve ng kapatid. "Mansyon ito ng twin brother ni master. I think hindi mo pa din siya nakikita," ani ni Jullian matapos isara ang sasakyan. "Kyaah! May fairy!" "Wow!" May mga bata na tumatakbo palapit sa kanila. Nagulat si Lindsay ng palibutan siya n