Chapter 04 3rd Person's POV "Anong sinasabi ko Keanu! Sinasabi mo ba na may isa sa atin ang gusto pumatay kay Barry!" asik ni Castiel. Hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ni Keanu lalo na at halos magkakapatid na ang turingan nilang lahat. Halos sabay-sabay na silang lumaki at sampung taon gulang pa lang sila 'nong nangako sila ng loyalty sa mga Mendez. "Anong nangyari? Totoo ba na inatake sina Lady Lindsay!" ani ni Conrad na tumatakbo palapit sa direksyon nila kasunod si Merrick na puno ng pag-aalala ang mukha. "May naglagay ng trapped at hindi namin alam kung sino ang umatake," sagot ni Adriel. Napuno ng pag-aalala ang mukha ng dalawa. "Wala naman nasaktan diba?" tanong ni Conrad na kinatingin ni Merrick kay Barry na kasalukuyang naka-cross arm at nakatingin kung saan. T