02

2417 Words
Chapter 2 -Accident 3rd Person's POV "Papa bakit ako? Bakit hindi si Elija?" ani ni Elliseo sa ama. Hindi alam ni Elliseo ang ire-react matapos siya kausapin ng ama tungkol sa desisyon nito na pagbaba sa pwesto. Gusto ng ama nito na siya ang pumalit bilang Mafia boss sa clan nila. Gusto niya na siya ang humawak ng pwesto at mamuno. "Elliseo, alam kong alam mo na hindi ito kakayanin ni Elija mag-isa." "Pero papa hindi ko din kaya!" mataas ang boses na sambit ni Elliseo bago tumayo. "Hindi ako karapat-dapat sa posisyon na 'yan papa. Hindi ako," bulong Elliseo bago tinulak ang upuan at naglakad palabas ng library. Tiningnan ni Kiel Emero Villiegas ang isa pa nito na anak na si Elija. "Bakit ba ayaw mo sa posisyon, Elija?" tanong ni Kiel sa anak na mukhang may malalim na iniisip. "Papa alam mo na sa aming dalawa mas capable maging mafia boss si kuya diba?" "Mas nababagay sa kanya ang posisyon kaysa sa akin at mas kailangan niya." "Hindi ko alam pero nararamdaman ko na hindi sa akin ang pwesto na iyan. Nakikita ko 'yan kay kuya hindi sa sarili ko." "Bata pa si Rogue, Elija. Kayong dalawa lang ni Elliseo ang maasahan ko sa clan." "Bakit naman kasi bigla ang pagbitaw mo papa?" "Matanda na ako," mabilis na sagot ni Kiel na kinataas ng kilay ni Elija. "Seriously dad? Kapag ikaw tinabi sa amin ni Elliseo mas nagmumukha tayong magbabarkada kaysa mag-aama." "Kailangan ko mas pagtuunan ang pamilya ngayon. Malalaki na kayo at hindi ko na pwede iwan ang mama niyo palagi. Matanda na kaming dalawa." Hindi alam ni Elija kung anong dahilan pero alam niya na walang sasabihin sa kanya ang ama kahit ano pa ang gawin niya. Hindi ito nagsasabi ng totoo. -- Lumabas si Elliseo sa penthouse. Tinungo ang bike niya at sumakay duon. Gusto niya magpalamig at kalmahin ang sarili. Kailangan niya makaisip ng paraan kung paano mapapabago ang isip ng papa niya. Ayaw niya maging mafia boss. Ayaw niya ng posisyon. Hindi siya karapat-dapat. Pinedal iyon ng lalaki at binilisan ang pagpapatakbo. Noon pa 'man alam niya na darating ang araw na iyon. Pipili sa kanila ang ama kung sino ang sunod na magiging pinuno. Bata pa lang si Elliseo tinanggap niya na ang reality na iyon. Kahit hindi pa sinasabi ng ama kung sino naghanda na siya. Nagseryoso siya sa mga training. Mas pinagtuunan niya iyon ng pansin kaysa sa kahit ano pang bagay dahil gusto niya maging katulad ng ama. Ngunit habang lumalaki siya. Nakikita niya na hindi iyon biro na responsibilidad. Ilang beses na muntikan mapahamak ang mga kapatid niya. Nawala ang isa sa mga kapatid niya dahil sa organisasyon, naaksidente siya at nakapatay ng inosenteng mga tao. Mas pinabilisan iyon ng lalaki hanggang sa tatawid na siya sa kabilang kalsada nang may lumiwanag sa harapan niya. Sa isang iglap nakita na lang niya ang sarili na nakahiga sa semento. Nakapako ang tingin sa madilim na kalangitan. Huminto ang sasakyan at mula duon bumaba ang dalawang babae. May suot ang mga itong puting maskara. Unti-unti nanlabo ang mata ni Elliseo hanggang sa may babaeng yumuko at inabot ang pisngi ng lalaki. Bago siya mawalan ng malay kitang-kita nito ang pagkislap ng asul na mga mata ng babae. Pilit na inangat ng binata ang kamay at aabutin nito ang bagay na nakikita niya na nagliliwanag ng bigla na lang iyon naglaho. "Fuck! Ano bang naisipan mo Crimson at binangga mo!" bulyaw ng babae matapos makita ang binata na nakahiga sa semento at wala ng malay. "Wala akong balak makipaglaban sa isang Mafia boss." "Damn, stop saying that crap Crimson. Alam ko na sinadya mo." "Ilang beses ka ng sumalo ang bala tapos sasabihin mo na ayaw mo makipaglaban sa isang mafia boss, seriously?" "Takot ka? Fuck it. Anong gagawin natin ngayon?" "Mahigpit na binilin ni Midnight na hindi pwede patayin ang taong 'yan." "Hindi ko siya pinatay. Humihinga pa naman diba?" Napasapo sa noo ang dalaga bago kinuha ang phone at may dinial. "Kailangan namin dito ng medic." -- "Teka isa ba ito sa mga Villiegas?" "23 pa lang ito? Bakit parang nasa 50s na? Disguise?" "Tangna tigilan mo nga yan. Baka dumugo ulit ang sugat," sabat ng babae matapos tapikin ang kamay ng isa sa medic na tinawagan niya. Hinila-hila kasi nito ang mahabang buhok ni Elliseo. "Pagkatapos niyo diyan. Itali niyo na ulit," bored na sambit ng babae bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad palabas. Sinindihan niya ang hawak na sigarilyo at humithit. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ulit ang isa sa mga taong pumatay sa pamilya niya. Kung hindi lang nito inaalala ang leader at hindi siya tumatanaw ng utang na loob dito. Pinatay niya na ang lalaki at hindi pinigilan ang sarili. "Hindi ko maintindihan kung bakit sinabi ni Midnight na huwag patayin ang taong iyon. Isa siya na mafia boss at ninakaw ang black list," naggigitgit na sambit ng dalaga. "Malinis ang record ng mga Villiegas kahit sabihin pa natin na clan sila. Hindi sila gumagawa ng mga illegal at may sinusunod na batas katulad natin," sagot ni Kale na kinatingin ni Jeon. "Pinatay ng taong iyon ang pamilya ko." "Hindi niya pinatay, Jeon. Aksidente iyon. Kung totoo na pinatay ng taong iyon sina Fred walang pipigil sa iyo kahit pa pagpira-pirasuhin mo ang lalaki na 'yon," may diin na sambit ng babae. Nagsukatan sila ng tingin bago nagpakawala ng mabigat na hininga si Kale at umiwas ng tingin. "Kailangan natin malaman kung nasaan ang black list. Iyon ang mission," paalala ni Kale bago tumalikod. "Miyembro tayo ng black circle, Jeon. Pilitin mo ihiwalay mo ang personal life mo sa trabaho." Naiyukom ni Jeon ang kamao matapos sabihin iyon ng kaibigan. Hanggang sa makalayo ang babae naggigitgit pa din ang dalaga. "Paano ko mapipigilan ang sarili ko kung nasa harapan ko ang taong sumira sa buhay ko," bulong ng babae. Nang medyo kumalma na siya. Tinapon na nito ang hawak na sigarilyo at sinuot ulit ang maskara na tinanggal nito matapos sila makarating sa hide out. — "Nasaan si papa?" tanong ng bata na si Elija matapos sila kantahan ng ina. Ika-16th birthday nila iyon at wala na naman ang ama. "Hindi makakauwi ang papa niyo. May importante siya na trabaho." "Mama, mas importante pa ba sa amin nina Kuya?" nangingilid ang luha na sambit ng pinakabata sa triplets. "Soren, alam mo na hindi totoo 'yan mahal na mahal kayo ng papa niyo." "Pero mama nag-promise siya. Uuwi siya sa mismong birthday namin." "Uuwi siya mama." Nagsimula ng umiyak si Sorenn. Napayuko na lang si Elija at nanahimik si Elliseo. "Anak, huwag ka ng umiyak. Kung ano 'man ang ginagawa ng papa mo ngayon. Para sa atin din iyon." Pinakalma ni Sylvia Cervantes ang anak. Binigyan niya ito ng mga regalo na alam niya magugustuhan ng tatlo. "Tandaan niyo na mahal na mahal namin kayo ng papa niyo. Marami pa naman na pagkakataon diba?" "Madami pa kayo na birthday," nakangiti na sambit ng gjnang habang hinahaplos ang buhok ng tatlong anak. "Soren, intindihin na lang natin si papa. Nagwo-work siya para mag-save ng mga tao." "Kailangan natin siya intindindihin," sabat ni Elliseo. "Iyan na lang ang palagi mong sinasabi, kuya." Napatingin si Elliseo ng magsalita si Elija na nakayuko at pinaglalaruan ang kutsara na hawak sa kamay. "Kailangan din natin ng ama," ani ni Elija na kinatihimik nina Elliseo at ng ginang. Matapos nila kumain. Niligpit na ng ginang ang mga pinagkainan. Tumaas na din ang tatlong anak ngunit si Elliseo bumaba ito dahil nakalimutan niya na kuhanin ang phone. Nasa pinaka-ibaba na siya ng hagdan ng marinig ang hikbi ng ina. Sinilip niya ito at duon nakita niya ang ina nakahawak sa sink. Nakita niya si Ross Jimenez isa sa pinagkakatiwalaan ng ama. Nakatayo ito sa likuran ng ginang at hinihintay na kumalma ang ginang. "Sinabi ko na sa kanya na mag-iingat siya diba? Nasaan na siya ngayon?" humihikbi na sambit ng ginang. "Nasa rest house ko sa laguna. Hindi niya na tinangka umuwi dito dahil baka masundan sila ng mga kalaban." "Papatayin niya ba talaga ako sa sakit sa puso? Ano na lang ang gagawin ko kung nasabugan talaga siya duon?" "Paano na kami ng mga bata? Ano na lang ang sasabihin ko sa kanila." "Nawala na sa amin si Inigo. Ayoko na may mawala pa sa mag-aama ko." "Mrs. Villiegas, huminahon ka. May sa-pusa si pinuno. Hindi agad iyon mamatay." Nakatingin lang ang bata sa ina na ngayon ay umiiyak. Puno ang pag-aalala nito sa mukha para sa ama. Kinabukasan Nakatayo lang ang batang lalaki sa pinakigitna ng gymn. Binitawan nito ang hawak na arnis. "Anong problema, young master?" tanong ni Ward Chavez. Ini-assigned siya ni Kiel Emero Villiegas para i-trained ang dalawang anak na lalaki. "Ayoko na mag-training." Napatingin dito si Elija na nagtataka. Kumpara kasi sa kanya mas desidido matuto ang kapatid. Gusto nito maging kagaya ng ama. Malayo sa gusto ni Elija kaya nagtaka ito kung bakit ayaw na nga kapatid mag-training. "Young master, binilin ni Mr. Villiegas na—." "Ayoko na maging katulad ni papa. Ayoko na makita umiiyak si mama." "Young master!" sigaw ni Ward matapos tumakbo ni Elliseo palabas ng training room. Sa pagtakbo ni Elliseo nakarating siya sa parking lot ng gymn na pagmamay-ari ng mga Chavez. Lumabas ito ng gate at aabang siya ng taksi nang may isang kotse na tumigil sa harapan niya. "Kuya!" sigaw ni Elija matapos makita ang kapatid na pilit pinasok sa sasakyan. Pinabalik ni Ward ang batang si Elija sa loob. Tumakbo siya sa sariling sasakyan para habulin ang mga taong kumuha sa batang Villiegas. Nag-training si Elliseo. Lahat ng bagay na dapat niya na malaman naituro sa kanya ni Ward at napag-aralan niya. Dahil anak siya ng isang mafia boss. Naging madali lang kay Elliseo na pabagsakin ang mga kalaban. Wala itong takot at pinatulog ang mga taong nasa loob. Dahil sa paglalaban nagpagewang-gewang ang sasakyan. Nakontrol iyon ng batang lalaki matapos sipain palabas ang nagda-drive nang makarating siya sa unahan ng sasakyan. Hawak niya ang manubela. May taong sumakal sa kanya mula sa likod dahil duon nawala ang kontrol. Nanlaki ang mata ni Elliseo nang may puting sasakyan ang bumangga sa kotse. Sa lakas ng impact tumaob ang kotse na sinasakyan. Mula sa nakataob na sasakyan. Kitang-kita ni Elliseo ang tatlong tao na nasa loob ng sasakyan. Dalawang lalaki kasama ang driver at ang isa sa kanila may hawak na baby. Pilit na lumabas si Elliseo sa sasakyan. Masakit ang katawan niya at dumudugo ang ulo dahil sa aksidente ngunit pinilit pa din nito na gumalaw. Walang malay ang mga taong nasa gitna ng kalsada. Gusto niya iligtas ang mga ito. Rinig na rinig niya ang iyak ng sanggol. Ngunit sa hindi inaasahan may four wheel truck ang bigla na lang sumulpot. Nanlamig ang katawan ng bata na si Elliseo nang paglabas niya ng sasakyan. Bumangga ang truck sa puting kotse at nadala ito. Nahila ni Elliseo ang hininga at nang magising siya hindi nito maiwasan magtaka matapos magising sa hindi pamilyar na kwarto. "Where am I?" tanong ng binata nang magising sa isang kwarto. Nakaupo siya sa isang upuan habang nakatali ang mga kamay. Napaingit ang binata matapos makaramdam ng kirot sa likod ng ulo. "Magpasalamat ka Crimson nagising pa ang lalaking 'yan kung hindi babalatan tayo ng buhay ni Phoenix. "Ha? Sino kayo?" tanong ng lalaki sa dalawang babae na nakatayo sa may pintuan. May suot ito na mga puting maskara na hindi alam kung para saan. "Mamatay ka din naman bakit pa kami magpapakilala?" bored na sagot ng babae na may suot na pulang leather jacket bago humakbang palapit sa lalaki. "Nasaan ang black list?" "Tanda hindi ko alam ang sinasabi mo. Anong black list? Katulad ba yan ng menu? Mukha ba akong waiter?" Gumusot ang mukha ng babae at mabilis na hinablot ang leeg ng binata. "Hindi ako nakikipaglokohan sayo." "Wala akong pakialam kung mafia boss ka." "Crimson, huminahon ka. Hindi pa niya nasasabi kung nasaan ang black list." Binitawan ng babae ang binata na kinaubo ng lalaki. "S-Sino ba kayo? A-At anong mafia boss. Hindi ko alam ang sinasabi niyo." habol hininga na sambit ng binata. "Holyshit," mura ng isa sa mga babae. "Huwag na tayo maglokohan dito. Wala tayo sa pelikula para umarte ka! Papatayin pa din kita kahit hindi mo sabihin kung nasaan ang black list!" "Ano ba kasing sasabihin ko hindi ko alam kung anong blacklist ang tinutukoy mo?!" asar na sagot ng lalaki. "Nagtanong ka papatayin mo pa din ako," gusot ang mukha na sambit ng binata. Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Hanggang sa umikot ang babae at tinanggal ang pagkakatali ng binata. "Anong ginagawa mo Crimson?" kunot noo na tanong ng dalaga. "Papakaw— whoa!" Napalunok ang binata ng tutukan siya ng patalim ng babae sa leeg. "Hindi ako nakikipagbiruan sayo Mr. Villiegas. Kung sasabihin mo kung nasaan ang black list. Mamatay ka ng payapa." "Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba 'yang offer mo o ano pero hindi ko talaga alam ang sinasabi mo." Pinagpapawisan na sambit ng binata. Napahawak ng mahigpit ang dalaga sa patalim bago tinulak ang binata at napadapa sa sahig. Naggitgit ang babae bago humakbang paalis at lumabas ng pinto. Sa sobrang paghawak niya ng patalim dumudugo na din ang sariling palad. Pumasok ito sa isa pa na kwarto at binato ang suot na maskara. "Jeon," ani ng babae na sumunod sa dalaga. "Kailangan mo kumalma. Mahigpit na bilin ni Midnight na hindi papatayin ang mafia boss." "Paano ko gagawin 'yon Kale? Ang taong iyon ang isa sa pumatay sa anak at asawa ko! Tell me!" Napalabi ang babae at pinilit na manahimik matapos makita ang sobrang galit sa mukha ng babae. "Jeon, alam mo na aksidente ang nangyari." "Naiintindihan namin na gusto mo gumanti pero Jeon wala ka sa katwiran." -- Napako ang tingin ni Elliseo Villiegas sa isang picture frame na nasa kwarto. Nakapatong iyon sa isang study table. May buhat na baby ang isang babae at isang lalaki na mukhang nasa 20s pa lang. "Anong klase silang kidnapper? Nagsuot pa sila ng maskara tapos dinala nila ako sa kwarto na may litrato?" bulong ng lalaki matapos makita ang kulay ng mata ng babaeng nasa litrato at ang babaeng kaharap niya kanina. "Mukha ba akong walang utak sa paningin nila?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD