Epilogue Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Hanggang sa dumating iyong araw ng seremonyas ng kasal na hinihintay ng lahat— hindi lang nina Lindsay at Elija. Masaya naman naidaos iyon kahit na medyo unconfortable para sa lahat ang napakaraming tauhan na nakapalibot sa kasal. "Guys, iyong mga single na babae pumunta na sa unahan!" Ibabato na ni Lindsay ang bulaklak na hawak niya. Nagtawanan ang mga bisita na nandoon matapos lumapit ang mga bata— hinila ang mga aunties at mga kapatid nila papunta sa unahan. Todo tanggi ang mga dalaga. "What the heck kapag nasalo ko ang bulaklak na iyan. Bubunutin ko lahat ng buhok mo sa katawan!" sigaw pa ng isa sa mga babaeng bisita. Mas lalong tumawa ang mga tao doon kahit ang pari. Tumalikod si Lindsay at nagbilang na ang organizer.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books