TWENTY-EIGHT: "Seryoso?" SA muli ay tumawa ito at nagtaas kamay para sumuko. "Okay, okay! Sorry na, pikon. Siyempre, nandito ako para maligo. Ano pa bang ginagawa ng tao kapag nasa dagat, 'diba?" "Try mo gumawa ng blueprint dito mismo sa dagat," gumanti na rin siya sa pamimilosopo. Tumango ito at sumakay sa sinabi niya. "Sige, try ko 'yan some other time." "Tss!" umiling-iling siya't tinalikuran na ito saka naglakad na pabalik. "Teka, sa'n ka pupunta?" agad namang sunod nito sa kanya. "Babalik na. Nilalamig na ako eh." Hindi na ito nagsalita pa, basta sumunod na lamang sa kanya. "Alam mo, nakakatampo ka..." pagbasag ulit nito ng katahimikan. Napatingin siya rito. "Oh bakit? Ano na namang nagawa ko?" Nag-pouty lips ito na para nga'ng nagtatampo. "Akala k