TWENTY-SIX: "Marla." "OO na! Oo na!" sa wakas ay pagsuko niya na para bang isang teen-ager na nagmistulang natataranta sa sobrang lapit ng crush niya! Bahagya pang inilayo niya ang mukha mula rito. "Oo, gwapo ka naman talaga eh..." mahinang sambit at pag-amin niya saka napakagat-labi. Sa muli ay agresibong idinikit nito ang mukha sa kanya. "Ano? Hindi ko marinig!" Lalo pang dumiin ang pagkakakagat niya sa ibabang labi niya. "Gwapo ka na nga!" Matamis ang ngiti nito at tinitigan ang kanyang labi. "Talaga?" Parang bata siyang tumango habang pinipigilan ang mapangiti rin ng matamis. Damn it! Hindi pa siya kailanman nakakapag-pabebe ng ganito sa isang tao pero pagdating talaga sa taong kaharap niya ngayon, hindi niya mapigilan ang sarili! May kung ano kay Luther na tila nakaka