CHAPTER 4

1685 Words
FOUR: "Shake hands." HINDI makapaniwala si Karen. Mabilis ang kalabog ng kanyang dibdib. Kaya pala nang nasa malayuan palang kanina ay parang pamilyar na sa kanya ang naka-side view na istraktura ng lalaki! Ngayong palapit na siya sa table ay mas nagiging klaro pa sa kanya na totoo nga ang suspetya niya. Ito yung… parang ito talaga 'yon... Hindi pwede! Ngayon ay hindi na talaga siya maaaring magkamali at hindi na rin niya maitatanggi na ang lalaking kasama ngayon ni Fredrick na magiging Engineer niya at ang lalaking inokray niya noong Biyernes ng gabi ay iisang tao lamang! Tumalikod siya't dali-daling naglakad muli sa sliding door para lumabas ng restaurant ngunit hindi pa siya tuluyang nakakatakas ay tinawag na siya ni Fredrick. "Karen!" Tumigil siya't napakagat-labi. Hindi niya nilingon ang dalawa... Hindi niya kaya! "Where are you going? Come here. Engineer Luther De Vera is here." Luther De Vera... is his name. Damn it! The man's so sexy and his name, as well! Nagsisi tuloy siyang hindi na pinagkaabalahan pang tanungin at usisain si Fredrick sa mga nagdaang araw tungkol sa iilang detalye sa Engineer o gumawa man lang ng kahit konting background search nang sa gayon ay maaga pa sana niyang nalaman at naagapan ang muli nilang pagkikita ng lalaking inokray niya! "Karen, come here! We're waiting!" nasa tono na ni Fredrick ang iritasyon nang muli siyang tawagin. Mariing pumikit si Karen at kinagat ang labi. She has no choice anymore! Hindi naman niya pwedeng takasan ito lalo pa't nandito ang pinsan niyang si Fredrick! Kaya mo 'yan, Kar! Kaya mo 'yan! Dahan-dahan siyang lumapit sa table... ng nakatalikod. "What are you doing, Karen? Ba't ka nakatalikod? You act so weird today!" "Uhm..." hindi siya makapagsalita ng maayos. s**t! Kinakabahan talaga siya! "Tss. Umayos ka! Act formal and professional in front of Engineer De Vera. Don't put shame on my face," Fredrick smirked. Napapikit pang lalo si Karen. Kung wala lang ang lalaking kasama nito ngayon ay paniguradong binatukan na niya ang pinsan sa pagsusuplado sa kanya! "Hssh! Don't be so rude to her, Fred. It's okay. Maybe she's just shy," mabait namang ipinagtanggol siya ni Luther. She even heard him smiled at her. "It's okay, Miss Karen. You may now take a seat." Hindi pinansin ni Karen ang sinabi ng huli bagkus ay bumuntong-hininga siya upang humugot ng lakas ng loob para harapin sa pangalawang pagkakataon ang lalaki. Fredrick's, somehow, right. She must act formal and professional in front of the Engineer! I-set aside na muna ang kagagahan! Unti-unti siyang humarap, hindi makatingin kay Luther. On the other side, the latter's reaction was a total shock when he finally saw her face and he'd recognized her fully! "Ikaw!" napatayo pa talaga ito sa sobrang gulat. Napakagat-labi siya. Hiyang-hiya. 'Ni hindi makatingin sa lalaki. "You know her, Luth?" curious namang tanong bigla ni Fredrick. Kinalma nito ang sarili tapos ay muling umupo. "Sorry. No, I do not know her. I just misunderstood her because she really looks like a resemblance of someone I knew," nasa tono nito ang labis na galit at pagkadismaya. Alam ni Karen na alam talaga nito na siya yung babaeng nanloko at nambitin dito noong Biyernes ng gabi. Sadyang nag-deny lang ito sa harap ng pinsan niya dahil obviously ayaw na nitong magbigay pa ng anumang konklusyon sa kay Fredrick tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Shit naman kasi talaga at parang pinaglalaruan pa sila ng tadhana! Imagine? Of all the people in the world na pwedeng irekomenda ng pinsan niyang si Fredrick na maging Engineer niya ay ang tao pa mismong naging biktima niya rin sa kalokohan nila ng mga kaibigan niya! Naupo siya sa gitna ng table. "So now, let me introduce to you my cousin; Karen Montgomery. And Kar, this is Engineer Luther De Vera," pagpapakilala sa kanila ni Fredrick. "Hello, Miss Montgomery," walang kangiti-ngiting saad ng baritonong boses ni Luther saka naglahad ng kamay sa kanya. Nag-alinlangan naman siya kung tatanggapin ang kamay nito. Natatakot kasi siya na baka kapag ibinigay niya ang kanyang kamay ay baliin nito iyon dahil sa sobrang galit nito. Ngunit ayaw naman niyang maging bastos sa harap ng pinsan at tulad nga ng sinabi ni Fredrick, she must act professional! So, yes, she shook hands with Luther De Vera. Muli niyang naramdaman ang kuryenteng batid sa kanya sa simpleng pagdadamping muli ng kanilang mga kamay. Nang pasimpleng binabawi na niya ang kamay niya ay tila ayaw naman nitong bitawan iyon at mas lalo lamang na hinihigpitan ang hawak doon. Tiningnan na niya ang lalaki at nakita niya ang seryosong titig nito sa kanyang mga mata. Nakakapaso ang mga mata nito kaya kaagad niyang ibinaba ang tingin sa mga kamay nilang magkahinang pa rin. "Excuse me, my hand?" nagtaray na siya't nagtaas ng kilay. Mukhang walang planong bitawan siya eh! Blangko naman ang mukha ng pinsan niyang nagpabalik-balik sa kanilang dalawa ng lalaki ang tingin nito. Bago ulit mabigyan ng kung anumang konklusyon si Fredrick ay mainam na binitawan na nga ni Luther ang kanyang kamay. "Where's Jaira, Kar?" pag-iiba ng pinsan niya. Oo nga pala't si Jaira! Nasaan na ba ang lokaret na iyon! "Uhm... Hindi ko rin alam eh. I texted him kanina, siguro on the way na rin naman." Tiningnan niya ang cellphone and to her disappointment, walang text galing kay Jaira at 'ni wala man lang reply sa kanina pa niyang text! "Wait. Ite-text ko na muna ulit siya." Nagtipa siya ng text sa kaibigan. Sasabunin talaga niya si Jaira at mukhang pinababayaan siyang magkunsumisyong mag-isa rito sa harap ng lalaking inokray niya sa laro nila noong Biyernes ng gabi! Text: Jaira, where the hell are you?! Naghintay siya ngunit hindi man lang talaga nagrereply ang baklita! Text: Jaira, my cousin and the Engineer are already here in the resto! You would not believe what and who you will see once you're here! Sa muli ay walang reply. Hanggang sa may tumawag kay Fredrick na ipinag-excuse saglit nito sa kanila tapos ay bahagyang lumayo upang sagutin iyon. Nang makabalik ay kailangan na raw nitong magpaalam. "Guys, I need to go now. I have to run for some errand." "What?! Akala ko ba-" "Kar, this is an important thing," putol nito sa kanya nang tangkain niyang magprotesta. "Jaira will be here in a minute, right? Kayong tatlo nalang ang mag-usap tungkol sa building and floor plan kapag nandito na siya. Right now, I really need to go." Hindi na nga talaga mapipigilan si Fredrick! s**t. Ngayon ay maiiwan pa siyang mag-isa rito na ang kasama lamang ay ang Engineer! "No worries, Fred," tumango lamang ang huli sa kanyang pinsan. Siguro ay hindi na rin makapaghintay si Luther na umalis si Fredrick upang singilin na siya sa nagawa niyang kasalanan dito! Kaya kailangan na talagang magpakita ni Jaira! Nang tingnan niya ang cellphone ay muli siyang nabigo nang wala pa ring reply! Tuluyan nang nakaalis si Fredrick at wala pa ring paramdam ang kaibigan niya. Where are you, Jaira?! Ngayon ka pa talaga mawawala! "You're trembling now that we're alone," nanunuyang sinabi bigla ni Luther. Hindi iyon pinansin ni Karen, kunwa'y wala siyang narinig pero deep in side ay parang maiiyak na siya! Jaira, naman! Dumating ka na please oh! Sinubukan niyang tawagan na ang kaibigan at ang loka naman ay naka-off pa ang cellphone! Humanda ka talaga mamaya sa akin, Jaira! Lalo pa't kapag napahamak akong mag-isa rito! Humanda ka! Ilang sandali nalang at maiiyak na talaga siya ngunit nabuhayan muli siya ng loob nang pagsulyap sa sliding door ay nakitang pumasok ang kaibigan niya. "Here he is! Puntahan ko siya!" aniya, hindi na hinintay pa ang sagot ng Engineer at tuluyan na talagang tumayo upang salubungin si Jaira. Although the latter looks sweating and haggard, ang ganda pa rin ng ngiti nito sa kanya at kumakaway pa. Siya nama'y madaling sinalubong ito. "Kar, pasensya na-" "Where have you been?!" singhal niya nang akmang bebeso ito sa kanya. "Kar, na-late ako kasi nasiraan bigla ako sa daan. Humingi pa ako ng tulong at hinatid pa ang kotse ko sa repair shop. Nag-commute na nga lang ako papunta rito. Look at me, pawisan and haggard, kaya kung na-late ako sorry naman," he explained. "Eh, ba't hindi ka man lang nagre-reply sa mga texts ko?! 'Ni hindi kita matawagan dahil patay naman ang cellphone mo!" "Yun pa nga isa kong probs, I left my phone home." "Damn it, Jaira!" napahilot siya sa kanyang sintido. Kaya pala! "Sorry na kasi! Nandito naman na ako ngayon saka ba't ba mukhang high blood na high blood ka? Mag-relax ka nga't masisira 'yang beauty mo, ateng!" kaagad namang paglalambing nito sa kanya. "Tingnan nalang natin kung masabi mo pa 'yan mamaya oras na makarating ka sa table natin!" "Ha? Bakit naman? By the way, nandito na ba ang Engineer?" "Oo, at kanina pa kami naghihintay sayo kaya dalian mo na! Si Fredrick nga nakaalis na!" naglakad na siyang muli pabalik sa table. Sumunod naman si Jaira sa kanyang likuran. "Ito talaga ang init ng ulo!" Hindi na niya pinansin pa iyon bagkus ay nagpatuloy lamang sa paglalakad. "Uy, ayan ba na ang Engineer?" kinalabit siya nito sa balikat nang matanawan si Luther na mag-isa sa table. "Uy, in fairness ha! Side view palang, ulam na! 'Di mo naman sinabi sa akin na isang fafa pala ang magiging Engineer natin! Mabait naman ba siya, Kar? Single pa raw ba?" Inirapan lamang niya ang kaibigan sa mga maiintrigang katanungan nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD