TWENTY-FOUR: "Miss beautiful..." KINAHAPUNAN, dinala na naman si Karen ng kanyang mga paa sa paboritong spot niya dito beach resort. As usual, ang bahaging ito ay hindi crowded kaya mas nai-enjoy niya ang tinatawag na solace and peace of mind. Nagre-relax siya sa lounger chair nang bigla siyang masabad ng mga paparating dito sa puwesto niya na mukhang naghahabulan at naghihiyawan. Isang lalaki at isang babae. Sweet at mukhang naglalandian ang mga ito, malamang ay mag-jowa itong dalawang 'to. She wasn't supposed to give a damn 'cause they were absolutely not her business, until she took a glance on the woman and found her, somehow familiar. Tiningnan niyang maigi ang tumatawang babae habang nakikipagbasaan ng tubig-dagat sa kasamang lalaki, and she couldn't be wrong when her si