SEVEN: "Dangerously handsome." "HE's here," anang pinsan ni Karen na si Fredrick nang makita ang BMW ng kararating lang na Engineer. Of course, it's no other than Engr. Luther De Vera. Ang Engineer na kinuha ng pinsan niyang makakatuwang nito sa pagpapagawa ng pinaplano nilang building para sa business nila ni Jaira. Kasalukuyan silang nasa isang malawak na lupain sa Siyudad kung saan itatayo ang binabalak nilang coffee shop business ng kaibigang si Jaira. Nabili nila ito kamakailan lang at wala pa talagang naipapatayong anumang gusali sa lupaing ito. Kumbaga ay fresh land and untouched. Ngayon pa lamang magagalaw at mapagagawan ng istraktura. Ipinarada ni Engineer De Vera ang sasakyan nito sa isang tabi tapos ay bumaba na roon saka lumapit na rin dito sa kinaroonan nila