TWENTY-ONE: "Feeling at home." BAGO pa sumakit ang ulo niya sa kaiisip ay minabuti na niyang lumabas at nag-doorbell sa suite ng lalaki. It's better to ask than to be left hanging! Pinagbuksan naman kaagad siya nito at napalaki pa ang ngisi nito nang makita siya. "Good morning. Missed me already?" ANG lakas talaga ng apog kahit kailan! Inis na ani Karen sa sarili habang nasa harap ng ngingisi-ngising si Luther. Imbes na sagutin ang tanong nitong puno ng kalokohan ay nag-crossed arms siya't nagtanong din dito. "So, bakit mo ako pinadalhan ng pagkain?" "Ah, oo 'yon ba? Walang anuman 'yon, 'wag mo nang intindihin! You're welcome," prenteng sinabi nito kahit hindi pa nga siya nakakakapagpasalamat. Hindi pa nga siya nagti-thank you at 'ni hindi man nga lang niya nagagalaw pa yung