Sandra’s POV “Good. Wala ka na namang gagawin, hindi ba? Pwede ka nang umalis sa pamamahay ko.” Hindi kaagad siya sumagot dahil sa sinabi kong iyon. Buong akala ko ay tatalikuran niya ako at hahakbang na siya palabas nitong aking pamamahay ngunit nagkakamali ako. Nanatili lamang siya sa aking harapan habang seryosong nakatingin sa aking gawi. Mas lalo lang umangat ang aking kilay nang mapansing lumipas na lang ang ilang segundo hanggang sa maging minuto ngunit nanatili pa rin siya sa aking harapan. Bakit hindi siya umalis at lisanin ang bahay kong ito? Naging malinaw na naman ang sinabi ko hindi ba? Malinaw na naman na sinabi ko sa kaniyang pinapaalis ko na siya? “Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Aalis ka o magpapatawag ako ng pulis para paalisin ka sa pamamahay kong ito?” seryosong tu

