Sandra’s POV Hindi ko alam kung bakit parang hindi normal para sa akin ang araw na ito. Hindi man lang mawala—wala sa isipan ko ang nangyari sa panaginip kong iyon at mas lalong naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Halata naman sa naging plano ni Axel but I want to ask him at sa kaniya mismo manggaling ang ideya sa aking isipan. Bakit si Erin itong nakulong? Akala ko ba kagagawan ni Axel ang lahat ng ito? “Mommy, kailan babalik si dad dito?” tanong nito sa akin habang nakatingala sa aking atensyon. Hindi ko siya tiningnan sa halip ay nagpokus na lang muna ako sa pagluluto ko. “I don’t know, Sofia. Don’t worry, he’ll come back here as soon as possible. Maybe naging busy lang siya sa kompanya at hindi natin pwedeng istorbohin ang daddy mo. Hindi ka pa ba nagugutom? Luto na itong nilulut

