Sandra’s POV “GOOD evening, sir. The whole family is waiting for the both of you inside,” isang maid ang siyang bumungad sa amin ni Axel nang makababa kami sa sasakyan. Napatingin ako sa relos. Alas syete pa lang naman ng gabi pero hindi ko inakalang naasa loob na silang lahat. Hindi ko alam na ganito pala kaaga ang dinner na tinutukoy ng daddy ni Axel kanina. “Ang aga naman ng dinner na tinutukoy ng dad mo, Axel.” ang sambit ko bago ko tuluyang tinanggal ang seatbelt mula sa aking katawan. “I don’t know. Siguro excited lang siya,” si Axel na ngayon ay tuluyan na ring binuksan ang pinto nitong kotse. “Excited for what?” tanong ko habang nakakunot ang aking noo. “To introduce you in the family. Bakit para saan pa ba?” wika nito sa akin at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ko sa

