Sandra’s POV “AS usual! Ang ganda mo po talaga, Ma’am Sandra!” kaagad na bungad ng bakla na alam kong katatapos lang na mag—ayos sa akin. Nasa likuran ko lang siya ngayon. Mula sa matagal na pagpikit ay marahan kong minulat ang aking mga mata. My image from the mirror is what first got my attention. Mula sa aking mga mata, sa aking kilay, pilik—mata, labi at sa kabuuang mukha ko, ay wala namang matinding pinagbago. My natural beauty is still there at kailanman ay hindi iyon nagawa. Noon pa man ay gustong—gusto ko na ang kung paano mag—ayos ang baklang ito dahil hindi makapal ang kaniyang mga make—up at natural na natural lang iyon kung titingnan. “Paniguradong babalutin ng hugis puso ang mga mata ni sir Axel nito mamaya. Pak na pak!” sambit nitong muli. Hindi ako nagsalita sa halip ay

