Sandra's POV “PARANG kakaiba ang potaheng niluluto mo ngayon, ah?” tiningnan ko ang kawali na nasa harapan ni Axel. Napapikit pa ako ng sarili kong mga mata nang maamoy ko ang masasarap na aroma ng pagkaing niluluto ngayon ni Axel. Huminto siya sa paghihiwa ng anumang sangkap saka bumaling sa akin. “Syempre for my wife and daughter. Saka ibang potahe na naman ang mamanehuin ko mamaya kaya mas mabuting masarap ang potahe ngayon,” Axel did a half smile na alam kong may ibig iyong sabihinb. Hindi ko na lang siya pinansin. “Magluto ka na nga lang muna. Paliliguan ko muna si Sofia sa taas,” mabilis kong sambit pero akmang hahakbang na sana ako palabas nitong kusina pero mabilis na pumalupot ang kamay ni Axel sa aking palapulsuhan dahilan upang mapahinto akong muli. “Paliguan mo muna ang a

