PABAGS4K na naupo si DK sa sofa niya pagkabalik. Hindi na siya bumalik sa opisina. Tinamad na siya dahil sa encounter nila ni Everlee. Mukhang mahihirapan talaga siya. Wala nang kaamor-amor ang dating asawa sa kanya. Ibang-iba ang pakikiusap nito sa kanya noong nasa Bedford sila. Napukp0k niya ang ulo niya nang maalala na naman ang pakikiusap nito sa kanya. Kasalanan niya. Tinaboy niya ito sa pag-aakalang wala siyang nararamdaman dito. Iniyakan pa siya nito noon maisalba lang ang pagsasama nila. “Hindi ko alam ang ihaharap ko sa Papa at Mama ko kapag nagkataon, DK. Kaya pakiusap, bigyan mo ako ng chance. I mean, bigyan mo pa ako nang panahon na samahan kita rito…” Isa lang ‘yan sa mga pakiusap nito noon sa kanya na pinagsisisihan niya ngayon. Nakapunot ng noo si DK nang marinig ang pa